27

641 11 1
                                    

Chapter 27

"Happy Birthda-"

"Harvey, seriously? Aawayin mo ako ng dahil lang do'n?" Umalingaw kaagad ang boses ng isang babae. Napatayo tuloy ang mga nakaupo na rito sa hapagkainan nang marinig iyon. Nagsilabasan tuloy kami sa may salas para tingnan ang mga ito.

"Thala, even though you're an ssg officer, and it's your birthday today, it doesn't mean you're exempted!" Galit din na usal ng isang lalaki. Na natutukoy kong isa sa kapatid ni Hans.

Nang makarating kami sa may salas. Magkaharapan at nagkakainitan na si Harvey at 'yung Thala.

"I do this on my birthday every year, but why are you just scolding me now and so madly?!" Hindi nagpapatalo rito si Thala kahit sinasaway na sila ng mga mas nakakatanda sa kanila.

"Harvey, Thala, that's enough! You can talk in calm way." Maawtoridad na sambit dito ni Miss Ella. Sinasaway na rin sila.

"You don't deserve to be an officer. Dahil ikaw mismo ang nangunguna sa mga ganitong bagay!" Pero hindi nila ito pinansin at patuloy pa rin sa bangayan.

"Harvey!" Pagtawag naman sa kaniya ni Hans ngunit hindi man lang siya nito sinagot o nilingon man lang.

"Really? And ikaw deserve mo? Edi ikaw na ang the best entitled president." Saad pa ulit ni Thala.

"I'm doing my job, but you?" Umiling si Harvey. "I don't think so."

"So anong pinapalabas mo?"

"Na parehas kayo ni Kirvy."

"Oh, bakit ako nadamay dito?" Singit naman ni Kirvy na kararating lang. "Anong kinalaman ko dyan?"

"Parehas kayo. You're taking advantage about your position." Baling niya sa dalawa.

"Wow-"

"Enough!" Umalingaw ngaw ang nakakatakot na boses ni Miss Spayn na ikinatahimik nilang dalawa, at ng lahat. Napalingon tuloy kami sa biglang pagpasok ni Miss Spayn at Boss Axel.

"What's happening here?" Nakakatakot at may awtoridad din na sabi ni Boss Axel.

Tumingin naman sa akin si Adelia. Noong una ay hindi ko makuha ang sinesenyas niya ngunit hindi rin naman nagtagal ay nakuha ko na rin iyon.

Inaya ko muna 'yung kambal sa may labas dahil hindi nga naman maganda kung nandoon silang dalawa.

Dinala ko na muna sila sa may pool area. Si Harrison naman ay umupo sa isang couch dito at nagbukas ng libro para magbasa. Parang walang pakielam sa nangyayari sa loob. Si Harleigh naman ay umupo sa tabing pool at dinawdaw dito ang dalawang paa. Nakigaya naman ako at tumabi sa kaniya.

"Sometimes Uncle Harvey is so harsh. Kawawa naman si Ate Thala, right, Ayla?" Biglang sabi ni Harleigh.

"Ah, oo," pagsang-ayon ko naman. Lalo pa at birthday niya ngayon. Hindi ko alam pero parang pamilyar siya sa akin. Tsaka parang narinig ko na rin 'yung pangalan niya noon. Hindi ko lang talaga matandaan.

"Her birthday is sad again. Especially it's her debut today. Hindi na nga po siya nagparty because her parent's couldn't come home either." Nalulungkot niyang sabi.

"Nasa'n ba ang parents niya?"

"Mr. Spencer and Mrs. Fenny are in Dubai. They have a business there." Tama ba ang pagkakarinig ko? Anak siya ni Mr. Spencer? Iyon 'yung secretary ng Lola ni Hans noon, ha!

Till I Met You (Mafia Lovers # 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon