09

783 12 0
                                    

Chapter 9

Pagkaalis ni Rylee, sinamaan ko kaagad ng tingin si Hans. Inis na inis na ako sa kaniya! Pasalamat siya at mabait ako dahil kung hindi, baka kanina ko pa siya nasuntok at natadyakan.

"Welcome," sabi niya saka ako tinalikuran. Mas lalo tuloy dumami ang mga supot na dala ko ngayon. May hawak pa akong isang box ng buko pie. Ang hassle nito kapag sumakay ako ng jeep!

Ayoko sanang tanggapin ang mga pinakyaw niya kay Rylee. Pero pagkain kasi ang ibinigay niya, ang hirap tanggihan.

"Teka nga!" Pagpigil ko sa kaniya. Natawa ako ng bahagya nang mapagtantong sa kaniya ang sportscar na kanina ay pinagmamasdan ko lang.

Lumingon siya sa akin ng nakangisi. "Miss mo na kaagad ako?" Nang aasar na sabi niya.

"Isabay mo ako! Ang dami kong dala!" Nakaiwas kong sabi at hindi sinagot ang walang kwenta niyang sinabi. Pero ang totoo, gusto ko lang talagang sumakay sa sportscar niya. Hindi pa ako nakakasakay sa mga ganoong magagarang mga sasakyan. Ano kaya ang pakiramdam ng makasakay sa ganoon?

Pinagkrus niya ang mga braso niya at sumandal sa likod ng magara niyang sasakyan, nakangisi pa rin sa akin.

Tumingala naman pa sa langit, nag-iisip. Tsaka ulit tumingin sa akin ng diretso.

"Sige." Pagpayag niya.

"Talaga?! Isasabay mo ako?!" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Ayaw mo ba?"

"Gusto!" Sagot ko kaagad. Baka bigla pang magbago ang isip niya.

Nilagay ko muna ang mga pinamili ko sa compartment niya. Maayos ko itong sinalansan dahil baka matapon ang mga ito at magalit pa siya sa akin kapag nagtaob-taob ang mga ito.

Nauna na siyang sumakay sa loob. Ako naman ay hindi makapaniwala dahil makakasakay ako sa ganitong magarang sasakyan. Nasasabik na tuloy akong sumakay!

Huminga ako nang malalim at saka binuksan ang pinto. Medyo nanginginig pa nga ako nang buksan ko ito. Totoo ba? Makakasakay ako sa ganitong magarang sasakyan ngayon? Grabe, hindi ako makapaniwala!

Nang pumasok ako ay nakangisi sa akin si Hans. Parang ewan lang! May suot na rin siyang sunglasses na mukhang mamahalin din.

"Bagay pala sa 'yo ang nakasalamin." Sabi ko kasabay ng pagsara ng pinto.

"Mas lalo akong naging gwapo, ano?" Sagot niya at binuksan na ang makina. Kahit pagbukas ng makina nito ay namamangha ako. Kakaiba ang tunog niyon!

"Oo. Mukha ka kasing bulag." Natatawang sabi ko.

"Makakababa kana, Miss." Tinuro niya pa ang pinto.

Ngumiti naman ako sa kaniya. "Ito naman, hindi mabiro." Pagbawi ko kaagad.

"Tsk. May bayad 'to." Kumunot naman ang noo ko. Bayad? "500 pesos lang papunta sa inyo."

"Siraulo ka ba?"

"Minsan oo, pero madalas hindi. Sa pagkakaalam ko kasi, mas siraulo ka. Lalo na kapag tumatawa." Hinampas ko siya sa braso dahil sa inis.

Till I Met You (Mafia Lovers # 2) Where stories live. Discover now