22

643 15 0
                                    

Chapter 22

Inumaga na kami ni Hans nang
makarating sa Baguio. Dali-dali pa akong bumaba nang magara niyang sasakyan at dire-diretsong pumasok sa loob ng aming tahanan, puno ng pag-aalala. Dala-dala ko na rin ang mga binili kong gamot para kay Lola.

"La..." Lumapit kaagad ako kay Lola na nakahiga sa kahoy naming sofa, may bimpo sa noo at maraming kumot ang nakatakip sa kaniyang katawan, halatang nilalamig siya.

"Lola, kumusta po ang pakiramdam mo?" Tanong ko nang magising siya.

"Hindi mo naman kailangan pang umuwi rito, apo ko. May pasok ka hindi ba?"

"Lola, pinag-alala mo ako. Paano ako mapapalagay kung hindi ako uuwi rito?" Inalalayan ko si Lola na maupo. Nang makaupo siya ay biglang bukas ang pinto. Pumasok si Hans. At hindi lang si Lola ang nagulat nang makita siya, pati na rin si Ainna. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanila na hanggang ngayon ay kasama ko pa rin si Hans.

"Magandang umaga po. Kumusta na po ang lagay niyo?" Saad naman ni Hans at tumabi kay Lola. Si Lola naman ay nakatitig lang dito, parang hindi makapaniwala sa nakikita niya.

"Magkasama pa rin pala kayo ng apo ko, hijo."

"Ah, opo."

"Mabuti naman kung gano'n." Parang nawala kaagad ang sakit ni Lola nang makita si Hans  ha!

"Magpagaling po kayo, Lola. Magmamarcha pa po si Mika. Kailangan po ay masilayan niyo iyon ni Ainna." Napatungo ako at nakagat ang ilalim ng labi ko. Hindi ko alam pero biglang sumikip ang dibdib ko at parang gusto kong maiyak.

Napansin ko rin noong mga nakaraang araw na masyado akong nagiging emosyonal.

Nagpaalam na muna ako at pumasok sa banyo. Simula kasi kagabi ay hindi pa ako nakakapaghilamos at nakakapagtoothbrush.

Paglabas ko nang banyo ay wala na si Hans sa salas. Lumapit naman sa akin si Ainna nang nakangisi. Kinurot pa ako sa tagliran.

"Nasa'n si Hans?" Tanong ko pero nakangisi pa rin siya sa akin.

"Ba't 'di mo naman sinabi sa 'kin na magkasama pa rin pala kayo hanggang ngayon? Akala ko ba hindi mo siya type?" Nang-aasar na sabi niya.

"Tigilan mo nga ako! Nasa'n ba si Hans?"

"Nagprisinta s'yang magluto, e! Marunong bang magluto 'yon?" Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na mapangiti at biglang may naalala.

"Kaya nga ako nag-aaral magluto para malutuan kita! Kasi 'di ba mahal ang mga pagkain sa Cafeteria niyo? Kaya busog ka na nakatipid ka pa," sabi ni Hans habang naghihiwa ng mga sangkap sa lulutuin niyang adobong manok habang sinusundan ang pinapanood niya sa ipad niya.

"Hoy! Insan! Anong nginingiti mo dyan?!" Bumalik ako sa wisyo nang biglang pumitik si Ainna sa harapan ko.

"Wala," sambit ko at lumabas na sa likuran ng bahay namin kung nasaan ang kusina o ang lutuan namin. At nakita ko si Hans doon na nagsisimula ng maghiwa ng mga sangkap.

"Anong lulutuin mo?" Tanong ko at sumandal sa pader habang diretsong nakatingin sa kaniya.

Lumingon naman siya sa akin. "Sinigang." Tumango tango lang ako. Ito ang unang beses na magluluto siya ng sinigang, ha!

Iniwan ko na muna si Hans at pumasok na muna sa loob. Umupo ako sa tabi ni Lola at sumandal sa balikat niya.

Sa awa ng Diyos ay maayos na ang pakiramdam niya. Kagabi raw kasi ay mataas ang lagnat niya. Buti nga at bumaba na ngayon.

Till I Met You (Mafia Lovers # 2) Where stories live. Discover now