24

641 12 1
                                    

~After 7 years~

Pagkababa ko ng van ay natanaw ko na mula rito sa kinatatayuan ko ang isang gubat. Some of the trees in the forest was dead. Halos naging abo na nga ang lahat ng puno rito. At paniguradong galing ito sa apoy.

"May ganito palang lugar dito." Hindi makapaniwalang sambit ni Alex sa tabi ko. Kanina ay may hinahanap kaming isang lugar, hanggang sa mapadpad na kami rito.

This place is really hidden... And dreadful.

"Let's go inside." Saad ni Kobie. Nagtanguan lang kami sa isa't isa.

Habang naglalakad kami, nakaramdam ako ng kakaiba. Pakiramdam ko ay may mga nakamasid sa amin mula sa malayo.

Kung medyo sunog na ang bandang unahan ng gubat, mas sunog na sunog na dito sa pinakaloob. Kahit wala pa kami sa kalahati ng gubat, natatanaw na namin mula rito ang isang baryo.

Mabilis kaming nagtungo roon. Nagradyo na rin si Alex na magpadala ng mga kasamahan pa namin dito.

"Ano kayang nangyari rito?" Tanong ko kay Kobie.

"I'm curious too."

Makaluma na ang mga bahay dito. Karamihan ay sira-sira na rin. Pero nang pasukin namin ang bawat mga bahay, kahit isang gamit ay wala kaming nakita.

Halos ihip nalang din ng hangin ang naririnig ko sa sobrang tahimik ng paligid.

Sino kaya ang mga nakatira rito?

Nasaan na sila?

Lalo pa at nasisiguro naming hindi pa ganoon katagal nang masunog ang buong gubat.

Sa parteng dulo, may malaki ritong gusali pero kalahati nalang ang nakatayo. Ang kalahati ay tumba na at nasunog na rin.

Pero kumunot ang noo ko nang pagmasdan ito at nang mapagtantong... "Isa itong laboratoryo," wala sa sariling sabi ko. Pero wala namang nakarinig sa akin dahil sobrang hina nang sabihin ko iyon.

Mas pumasok pa ako sa loob para mas makakuha pa ng impormasyon. May nakita akong isang uuga-ugang silya at mga bote na basag sa lupa.

Ano kaya ang ginagawa nila rito sa laboratoryo na ito?

Sino ang nagpapatakbo nito?

Dumating na rin ang iba pang mga kasamahan namin na pinatawag ni Alex para mag-imbestiga rito. Kasama rin nila si General De Vera. At hindi sa team namin ibinigay ang case na ito para imbestigahan. Kahit ang team ko ang nakatuklas sa lugar na ito.

Palabas na sana kami ng gubat nang may maapakan akong matigas mula sa lupa. Nang lumuhod ako para tingnan ito, napagtanto kong isa itong pilak na kwintas.

At sa pendant nito ay may nakaukit na isang pangalan.

'Lucas'

Naitago ko kaagad ito sa bulsa ko nang lumingon sina Alex sa akin. Nasa huli kasi nila ako kaya hindi nila ako napansin. Sinabi ko nalang na nagsintas ako ng sapatos kaya ako nakaluhod.

"Okay ka lang ba, Mika?" Napatingin ako sa gilid ko nang biglang nagsalita si Kobie.

"Okay lang naman. Bakit mo naitanong?" Sagot ko.

Till I Met You (Mafia Lovers # 2) Where stories live. Discover now