02

1.6K 24 0
                                    

CHAPTER 2

"Mika, excited ka na sa christmas party?" Bungad ni Kobie pagkaupo sa tabi ko. Magkaklase kasi kami sa first class o sa subject na ito. Pati na rin sina Eya at Alex pero hindi pa sila dumarating. Mukhang may mapapagalitan na naman dahil sa late. Terror pa naman ang prof namin sa subject na ito.

"Hindi," sagot ko. Gastos lang kasi ang christmas party para sa akin. 500 pesos ang exchange gift. Mas gugustuhin ko nalang itabi iyon para may pera ako pauwi ng Baguio. Mayayaman kasi ang estudyante na nag-aaral dito sa Oxford University. Except nalang sa mga katulad ko na scholar.

"Bakit naman? Paniguradong masaya iyon." Halatang-halata nga na excited siya. Sama-sama kasing nagchi-christmas party ang mga criminology students sa gymnasium.

"Gastos lang iyon." Okay lang naman sa akin iyon kung pera ang makukuha ko. Kaso sa mismong araw pa ng christmas party magbubunutan. At ang regalong bibilhin mo ay pwede dapat sa babae at sa lalaki. "At saka malayo pa naman." Dagdag ko. May two weeks pa naman kasi kami bago mag christmas party at christmas break.

Sakto lang ang dating nina Eya at Alex. Buti nalang talaga. Major subject pa naman namin ngayon.

"Eya," tawag ko sa kaniya pero parang ang lalim ng iniisip niya. "Okay ka lang?"

"Oo." Nagkibit-balikat nalang ako. Minsan talaga moody 'tong si Eya.

Tahimik lang kaming apat habang kumakain ng recess hanggang sa nag-open ng topic si Alex.

"Excited na ang baklush niyo sa christmas break. Makakapagbeauty rest na rin akes."

(Baklush - bakla, Akes - ako)

"Same. Kaso wala naman dito si Mika sa pasko," malungkot na sabi ni Kobie.

"Akes din naman wala. Ba't hindi ka man lang nalungkot? Bwiset na chopopo 'to." Medyo nagtatampong sabi ni Alex.

(Chopopo - gwapo)

"Buti nga kasama mo si Mika. Kung sumama rin kaya ako sa Baguio?" Sabi ni Kobie saka tumingin sa akin ng may pagtatanong. Taga Baguio rin kasi si Alex. Nakilala ko siya noong nagkaroon ng scholarship sa gobyerno sa amin. Doon kami nagkakilala at buti nalang talaga sa parehas na school nila kami ipinadala. Dahil na rin siguro parehas kami ng kurso na kinuha.

"H'wag na. Magcelebrate nalang tayo next year." Saad ko. Isa pa, hindi naman siya papayagan ng m
Mommy niya.

Siniko ko si Eya na kanina pa tahimik. Normal lang naman iyon sa dalawa. Moody nga kasi si Eya at sanay na sila. Pero iba ang napapansin ko. Parang may gumugulo sa isipan niya.

"Oh?" Inis na baling niya sa akin.

"Baklush, hindi ka pa nasanay dyan kay bilatch." Singit ni Alex. Nagpatuloy nalang tuloy ako sa kinakain ko at mamaya na lang siya tatanungin kapag kaming dalawa nalang. Hindi naman namin kaklase 'yung dalawa sa next subject.

(Bilatch - babae)

Magkakaklase lang kami sa mga majors subjects namin. Sa minors naman, merong kami lang dalawa ni Kobie tas sina Eya at Alex ang magkaklase. Meron ding puro kaming dalawa lang ni Eya tas sina Alex at Kobie naman.

Lunch na kaya niyakad ko na si Eya na bumaba. Noong una nga ay ayaw niya pa dahil kakakain lang daw namin kanina pero nagugutom na naman ako.

Pumasok kami ng cafeteria. Napanguso ako, lagi nalang kasing puno. Pagka-order namin ni Eya, hinila niya ako papunta sa isang table na may isang babaeng nakaupo. Bumati si Eya sa babae pero agad na may lumapit sa amin na bodyguard.

Till I Met You (Mafia Lovers # 2) Where stories live. Discover now