20

744 17 0
                                    

Chapter 20

[Baklush, bukas na ang catering ni Tita. Sasama ka ba?] Tanong ni Alex sa kabilang linya. Noong isang araw niya pa ako tinatanong kung sasama ba ako sa pagtulong sa pag-organize ng catering ng Tita niya sa isang event na gaganapin sa isang hotel bukas. Babayaran naman daw ako ng Tita niya dahil nagkulang lang daw talaga sila sa tao sa pag-aayos.

"Sige. Send mo nalang sa akin 'yung address," sagot ko. Ayaw pa naman akong parakitin ni Hans. Sasabihin ko nalang siguro mamaya sa kaniya pag-uwi ko.

"Hans-"

"Hello?... Yes, I'm on my way." Napatikom kaagad ang bibig ko nang marinig na may kausap siya sa telepono.

Hinintay kong matapos siya para masabihan ko siya na aalis ako mamaya. Hindi kasi ako nakapagsabi sa kaniya kagabi dahil ngayon lang siya umuwi ng tanghali. Naiintindihan ko naman dahil alam kong marami siyang ginagawa at inaasikaso.

"Ha-"

"Mika, I'm sorry. Kailangan kong bumalik sa mansyon." Sambit niya.

Ngumiti ako ng tipid. "Sige, mag-iingat ka." Ngumiti lang din siya sa akin saka ako tinapik sa balikat at umalis na.

Naiwan na naman ako kasama ang mga tauhan nila. Paano 'yan? Hindi ko nasabi na aalis ako mamaya. Itetext ko nalang siguro siya.

Naligo na ako at nagbihis ng simple. At base sa text ni Alex, susunduin daw ako ng isang service kasama pa ang ibang naupahan nilang tutulong sa pag-organize mamaya. Dapat ay sasama si Alex ngunit magkikita raw sila ng nobyo niya.

Ang inaalala ko, paano ako makakaalis dito? Paniguradong haharangin ako ng mga tauhan na nagbabantay sa akin. Pero bahala na, kailangan makaalis ako.

At gaya ng inaasahan ko, hinarang na kaagad nila ako kahit hindi pa man din ako tuluyang nakakalabas ng pintuan.

"Ma'am, saan po kayo pupunta?" Tanong ng isa sa kanila.

"Kuya, may work kasi ako. Nagpaalam na rin ako kay Hans," sambit ko. Nagkatinginan naman silang mga nandito. Sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo o hindi. Pero may work naman talaga ako! At sayang ang kikitain ko roon kung hindi ako pupunta! Medyo malaki rin ang inoffer sa akin ng Tita ni Alex. Medyo malaki iyon at maipapadala ko pa kina Lola. Ang hindi lang totoo ay iyong hindi ko pagpapaalam kay Hans pero tinext ko naman na siya.

"Sige. Sasamahan ka namin. Iyon kasi ang utos sa amin, ang huwag  tanggalin ang mga paningin namin sa 'yo." Aayaw pa sana ako ngunit ayoko ng pahabain pa ang usapan.

Nasa iisang van kami at 'yung service na dapat ay sasakyan ko ay sinusundan nalang namin papunta roon sa hotel.

"Ma'am, dito po ang work niyo?" Tanong sa akin nung isa sa kanila. Nakakunot pa ang noo niya na parang may mali sa pinuntahan namin. Iyong isa naman sa kanila ay may niradyohan at sinabing nandito kami.

"Oo, may problema ba?" Nagtatakang tanong ko.

"Kailangan namin kayong samahan hanggang sa loob. Kami ang mapapagalitan ni Sir Hans kung ikaw lang ang papasok sa loob ng mag-isa." Pagsingit naman ng isa. Hindi man lang sinagot ang tanong ko.

Till I Met You (Mafia Lovers # 2) Where stories live. Discover now