Chapter 17

10 4 2
                                    


"Ma'am Athena"

"Ma'am Athena"

Nagising ako sa boses ni Manang.

"Ano po ang problema?" Tanong ko dito.

"Ma'am nasa garden po si Ma'am Sheila"

"Sige po Manang, sabihin niyo na lang po na hintayin ako." Sagot ko at agad na pumasok sa aking bathroom para maligo.

Tumingin ako sa salamin at tinignan ko ang aking sarili.

"Sana hindi na lang ako umiyak kagabi, ayan tuloy parang panda na ako."

Hinubad ko ang aking mga suot na damit at agad na naligo.

Pagkatapos isuot ang aking jeans, plain t-shirt na kulay itim at white sneakers ay agad kong kinuha ang aking wallet at cellphone.

"Manang" tawag ko kay manang habang pababa ako sa hagdan.

"Ano po Ma'am Athena?" Tanong ni Manang.

"Manang aalis na po muna ako" paalam ko dito.

"Hindi po ba kayo kakain?" Tanong ni Manang.

"Sa coffee shop na lang po ako Manang kakain."

"Ingat po kayo Ma'am Athena"

"Bye" paalam ko bago ko puntahan si Sheila sa garden.

"Sheila, let's go" alok ko dito dahil busy siya sa pagkuha ng litrato.

"Nagmamadali ka?" Tanong ni Sheila.

"Hindi naman bakit?"

"Mukhang nagmamadali ka ata" sabi ni Sheila at naglakad papunta sa aking harapan. "Wait ano ang nangyari sa mga mata mo?"

"Ah wala" sagot ko sabay kuha ng aking facemask at sunglasses at agad ko itong isinuot.

"Ikaw Athena, mukhang may hindi ka sakin sinasabi."

"Tara na nga Sheila" sabi ko at agad na pumasok sa aking sasakyan.

Binuksan ni Sheila ang shotgun seat pero hindi siya pumasok.

"Ano pa ba ang hinihintay mo?" Tanong ko dito.

"Alam kong may problema ka Athena" sabi nito sakin at agad na pumasok.

Halos walang nagsalita sa aming dalawa.

Pagdating namin sa coffee shop agad na pumasok si Sheila at siya na amg um-order  ng aming makakain at maiinom.

Naghanap na lang ako ng mauupuan pero bigla akong napahinto dahil nakita ko ulit ang babaeng aking naka away noong nakaraang linggo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Good To PretendWhere stories live. Discover now