Chapter 8

11 4 0
                                    


"Narito na sina Austin!" Sigaw ng isang babaeng classmate ko.

Halos lahat ng babaeng Classmate namin ay parang nababaliw dahil lang sa mga paparating.

"Hi Austin" bati ng isang babaeng maputi.

Tiningnan lang ito ng lalaki bago niya ito tinalikuran. May tatlo siyang kasamang kaibigan at kung hindi ako nagkakamali si Matthew ay kabilang na doon.

"Athena" tawag sa'kin ni Lyn.

"Oh" tamad kong sagot.

"Kilala mo ba yan sina Austin?" Tanong ni Lyn.

"No" maiksi kong sagot.

"Si Austin at ang mga kaibigan niyang sina Mattthew, Jorem, at Ivan ang pinakagwapo at bad boys dito sa campus." Paliwanag naman ni Geline.

"So" tamad kong sabi.

Hindi na sila nagsalita dahil alam nilang tatlo na kapag maiksi lang ang aking mga sagot, wala akong pakialam.

Dumating na ang aming guro para sa unang subject.

"Hello class" bati nito.

"Hello Ma'am Kath" bati ng aking mga kaklase.

"May ipapakilala ako sainyo, ang iba kilala na siya pero ang iba naman hindi pa siya kilala." saad ni Ma'am Kath.

Tumingin sa'kin si Ma'am Kath, "Please stand up Miss."

Tumayo ako at lahat ng aking mga kaklase ay tumingin sa'kin.

"Introduce yourself" sabi ni Ma'am Kath.

"Hello, I am Johanna Athena Velazquez Chua." Sabi ko at agad na umupo sa aking upuan.

"Siya ang bago niyong classmate" sabi ni Ma'am Kath bago siya nagsimula sa pagturo.

Nakinig ako pero natigil lang dahil may nakaagaw ng aking atensyon dahil alam kong may nakatingin sa'kin, kaya tumingin ako dito pero nabigla ako dahil nakita ko si Austin na nakatingin sa'kin. Kahit na nakatingin na ako sa kaniya hindi parin siya umiiwas.

"Miss Athena" tawag ni Ma'am Kath.

"Yes Ma'am" sagot ko.

"What is the Asthenosphere?" Tanong ni Ma'am Kath.

"Asthenosphere is a zone in the upper mantle of the earth." Sagot ko.

"Very good" saad ni Ma'am Kath.

Uupo na sana ako pero pinigilan ako ni Ma'am Kath.

"Wait" sabi nito.

"I have a question" dagdag nito.

"What Ma'am" tamad kong sabi.

" What are the layer's of Earth" tanong ni Ma'am.

"Ma'am kahit grade one kaya yang sagutin" sabi ko dito.

"So bakit hindi mo masagot" biglang sabi ni Austin.

"The layer's of Earth are crust, mantle, core, but core has inner and outer core" sagot ko at tumingin pa kay Austin.

"Very good Athena" sabi ni Ma'am Kath.

"May itatanong pa po ba kayo Ma'am?" Tamad kong sabi.

"Wala na you can now seat" sabi ni Ma'am Kath"

Umupo ako pero nakita ko sa gilid ng aking mga mata na nakatingin padin sa'kin si Austin pero hindi ko na ito pinansin.


Good To PretendWhere stories live. Discover now