Chapter 11

10 3 0
                                    


Mabuti nga at nakatulog ako kahit na iniisip ko  ang mga sinabi ni Austin. Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa aking mukha.Naligo ako akin ayos ang aking sarili bago naglagad palabas ng aking kwarto.

"Good Morning Ma'am Athena" saad ng isa sa aming katulong.

Ngumiti lang ako kahit na pilit lang.

"Hindi na po ba kayo kakain ng almusal?" Tanong nito.

"Hindi na po" sabi ko bago naglakad papuntang pinto.

Nagpahatid ako sa aming driver.

"Salamat po" sabi ko sa aming driver bago lumabas ng sasakyan.

Paglabas ko galing sa kotse bigla akong natigilan dahil nakita ko si Carl na nakatayo sa may gate.

"Omg Carl" sabi ko dito at agad na tumakbo para yakapin ito.

Pagkalapit ko agad ko itong niyakap ng mahigpit.

"I miss you" saad ko habang yakap ko siya.

"I miss you too" sabi nito.

"Kailan ka lang umuwi?" Tanong ko bago kumalas sa pagkakayakap.

"Actually kahapon ako umalis galing sa Europe pero kanina lang akong nakarating dito sa Pilipinas."paliwanag nito.

"Bakit hindi mo sinabi?" Malungkot kong saad.

Tumawa ito bago siya nagsalita, "Alam mo Athena, huwag ka dapat maging malungkot dapat mag-party na lang tayo" ani Carl.

"Sure" sabi ko.

Biglang dumating si Lyn, Geline at Sheila.

"Ah Carl ito pala ang mga kaibigan ko ito si Lyn" pakilala ko kay Lyn.

"Hi" sabi ni Lyn dito bago nakipagkamay.

"Ito naman si Geline"

"Hello"saad ni Geline.

"And Sheila" sabi ko.

"Hello" nahihiyang sabi ni Sheila.

"Nice to meet you Sheila, Lyn, and Geline" ani Carl.

"Nice to meet you Carl" sabi nina Sheila.

"Athena you can invite them" sabi ni Carl.

"For what?" Nagtatakang tanong ni Lyn.

"Party" maikli kong sagot.

"Sure" masayang sabi nina Geline.

"So kita na lang tayo mamayang gabi " sabi ni Carl bago niya kami tinalikuran.

"Wow Athena" sabi ni Lyn.

Tiningnan ko siya bago ako nagsalita, "Bakit?"

"Noong isang araw lang kausapan mo lang yung Carl, ngayon kaharap mo na" Ani Lyn.

"Whatever" sabi ko sakanila bago pumasok sa gate.

Nakinig lang ako sa aming guro at ginawa ko lahat ng mga pinapagawa nito dahil kahit na wala si Mommy and Daddy kailangan ko pa rin patunayan na kaya kong mag-isa kahit wala sila sa aking tabi.

 

Good To PretendKde žijí příběhy. Začni objevovat