Chapter 10

7 3 0
                                    


Pumasok ako sa aming silid pero nahinto lang ako dahil halos lahat ng aking mga kaklase ay nakatingin sa'kin.

Bumuntong-hininga ako bago naglakad patungo sa pwesto namin sa likuran pero habang naglalakad ako marami akong naririnig na bulong bulungan.

"Bakit kaya magkalapit sila ni Austin" tanong ni Enna.

"Oo nga" sabi ni Candy.

Umupo na lang ako sa aking upuan at ipinatong ko ang aking ulo sa aking mga kamay na nasa armrest ng aking upuan.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, kung hindi ko lang narinig ang boses nina Lyn hindi pa sana ako gigising.

"Athena" sabi ni Sheila.

"Hello" tamad kong sabi.

"Are you okay?" Tanong ni Geline

"Don't worry about me" sagot ko.

"Sorry daw sabi ni Austin" sabi ni Lyn na aking ikinagalit.

"No, kung gusto niya ng laro hindi ko siya aatrasan" sabi ko.

"Pero kaya mo bang paglaruan lang ni Austin?" Sagot ni Lyn.

"I'm fine Lyn don't forget I am Chua" mataray kong sabi.

Dumating na ang aming first subject sa afternoon classes, kaya nakinig lang ako hanggang sa mag-uwian.

" Bye girls" saad ko bago ko sila hinalikan sa kanilang pisngi.

"Bye Athena" sabi ni Lyn.

"Ingat ka" sabi ni Geline.

"Bye" sabi ni Sheila.

Naglalakad ako sa corridor patungo sa parking lot ng biglang may lumapit sa'kin, isang lalaki na hindi ko kilala.

"Hi Athena" sabi ng isang lalaki.

"Hello" sabi ko dito.

"Can i get your number?" Sabi nito.

"Sorry" sabi ko bago ako naglakad patungo sa parking lot kong saan ko hinihintay ang aking sundo.

Hinahanap ko ang aking sundo ng biglang may humila sa aking braso.

Nagulat ako dahil si Austin ang humila sa'kin.

"Tangina naman ano ba ang problema mo?" Sigaw ko.

Ngumisi lang siya bago siya humarap sa'kin

"Alam mo Austin kong gusto mong laro, hindi ako natatakot sa'yo" sabi ko dito.

"So gusto mong makipaglaro sa'kin?" Mayabang na sambit nito.

"Yes" mataray kong sabi.

"Ayaw kitang saktan Athena" sabi ni Austin na aking ikinabigla.

Ano ba ang sinasabi ni Austin, baliw na ba siya. Alam niya ba ang sinasabi niya?

"Bakit ayaw mo akong saktan?" Sabi ko.

Bumuntong-hininga siya bago niya ako niyakap ng mahigpit.

Hindi ako makagalaw sa ginawa niya.

"Kasi mahal kita Athena" saad nito.

Itinulak ko siya bago ako nagsalita.

"Anong sabi mo? Mahal mo ako?" Tumawa ako bago ulit nagsalita. "Patawa ka hindi kita mahal" saad ko bago ko siya sinampal.

"Yang sampal na yan para magising kana sa katotohanan." Saad ko dito.

"Alam mo Athena ng makita kita binago mo ako pero ngayon parang ibinalik mo ulit ako sa dati." Seryosong sambit ni Austin.

Naglakad siya patungo sakin bago siya nagsalita.

"Kapag nalaman mo kung sino ako siguro magsisisi ka" ani Austin bago niya ako tinalikuran.

Hindi ako makagalaw dahil hindi pa pumapasok sa aking utak ang lahat ng sinabi ni Austin.


Good To PretendWhere stories live. Discover now