Chapter 12

8 3 0
                                    


Pagka-uwi ko sa bahay pumunta kaagad ako sa aking kwarto para maligo. Pagpasok ko bigla na lang tumunog ang aking phone.

"Unknown number" sabi ko bago ko pinatay dahil ayaw kong sagutin ito.

Papasok na sana ako sa restroom ng biglang tumunog na naman ang aking phone at unknown number na naman ang tumatawag.

Naiirita man pero sinagot ko na ito para makaligo na.

"Hello who are you?" Tanong ko.

"Hahahaha Athena ako ito si Austin" sabi nito habang tumatawa.

"What the hell pano mo nalaman ang phone number ko?" Saad ko.

"Ako pa talaga Athena?" Tanong nito na maukhang nagmamayabang.

"I don't care bitch" sabi ko dito bago ko ibinaba ang tawag.

Naligo ako bago pumunta sa aking walk-in closet para pumili ng aking maisusuot. Kinuha ko ang aking black blue club mini dress at ang aking black pump. Ang itsura ng aking black blue club mini dress ay fit sa aking katawan kaya makikita ang figure ng aking katawan lalo na ang aking dibdib, makikita din dito kapag suot ko ito ang aking cleavage dahil spaghetti strap lang ito at hindi na kailangan magsuot ng bra.

Pagkatapos kong magbihis pumunta ako sa aking table na may mga make-up at salamin. Naglagay ako ng light make-up sa aking mukha at naglagay din ako ng red lipstick para  bagay sa aking suot.

Naisipan ko ding magsuot ng accessories pero ang napili ko lang isuot ay ang ibinigay sa akin ng aking crush noong mga bata pa kami, ito ay ang bracelet hindi ko pa ito winawala dahil may pangako siya sa'kin.

"Yaya mamayang umaga pa po ako babalik may party po kasi kami" paalam ko bago ako lumabas sa pinto.

Mabuti nga at may dumating na taxi kaya hindi ako nahirapang maghintay kasi ayaw kong magpahatid sa aming driver.

Pagkadating ko sa bar na sinabi ni Carl na binayaran niya, nabigla ako dahil maraming tao na ang sumasayaw at umiinom.

"Hi Miss" saad ng lalaking lasing na.

"Hello" sabi ko bago ko ito tinalikuran.

Sa totoo lang sanay akong mag-party at uminom dahil hindi naman ako pinapagalitan nina Mommy and Daddy basta ang sabi lang nila na huwag kong pabayaan ang aking study.

"Athena" sigaw ni Lyn.

Naglakad ako papuntang table nila.

"Wow Athena you are so gorgeous" saad ni Sheila.

"Kahit kayo" sabi ko.

"Athena" sabi ni Carl na papalapit na sa'kin.

"Carl hello" sabi ko naman.

"Let's go party" sabi nito.

Kumuha ako ng drinks sa may table namin bago ako uminom. Umalis si Carl at naiwan kaming apat kaya sinulit namin ang pakikipagsayawan at pakikipag-inuman.

"Let's go sa dancefloor" Yaya ni Geline.

"Sure"sagot ko pero si Lyn at Sheila ayaw daw kasi lasing na sila.

Sumayaw kami ni Geline sa dancefloor kahit na maraming kumahawak sa aking katawan hindi ko ito pinapansin dahil nasa club ako, alam ko din na lasing na ako dahil malabo at umiikot na ang aking paningin.


Good To PretendWhere stories live. Discover now