Chapter 9

10 3 0
                                    


Lunch time ngayon kaya pumunta kami ng aking mga kaibigan sa malapit na mall para doon kumain.

"Sheila bakit hindi mo sinabi na si Matthew ay kabilang sa grupo ni Austin?" Tanong ko dito.

Uminom muna si Sheila bago niya sinagot ang aking tanong. " Athena matagal na si Matthew kabilang sa grupo ni Austin mula ng umalis ka, nabuo ang grupo nila noong dumating si Austin."

Hindi na ako nagsalita dahil alam kong marami pa akong gustong malaman tungkol kay Austin.

Habang umiinom ako ng aking juice biglang may nagsalita si Lyn.

"Athena alam mo kalimutan mo na yang crush mo noong bata ka pa kasi marami pang mga gwapo sa campus." Ani Lyn.

"Siguro tama ka nga Lyn" iyon na lang ang aking naisagot dahil tama talaga si Lyn.

Natapos na kaming kumain kaya bumalik na kami sa school, habang naglalakad kami nakasalubong namin ang grupo ni Austin.

"Hi Sheila" bati ni Matthew sa kaniyang girlfriend.

"Hello Matthew" nahihiyang bati ni Sheila.

"Saan kayo galing?" Tanong ni Matthew.

"Sa mall lang" sagot ni Sheila.

Nakatayo lang ako sa likod ni Lyn, biglang tumunog ang aking phone.

"Lyn, sagutin ko lang ito" paalam ko kay Lyn.

Naglakad ako ng ilang hakbang palayo sa kanila.

"Hello sino ito?" Tanong ko.

"Hi Athena, ako ito si Carl" pakilala nito.

"Wait, Carl yung classmate ko sa Europe?" Tanong ko dito.

"Yes, I am" sabi ni Carl sa kabilang linya.

"Omg I miss you" saad ko.

"I miss you too so much, alam mo bukas uuwi na ako" paliwanag nito na aking ikinabigla.

"Makikita na ulit kita?" Tanong ko.

"Yes" sagot nito.

Tumingin ako kung nasaan sila Lyn pero biglang nakita ko si Austin na nakatingin sakin kaya nag-iwas ako dahil ayaw kong makita siya naiirita ako.

"Ah Carl mamaya na lang tayo mag-usap may pasok pa kasi ako." Sambit ko.

"Sure, bye Athena i love you" sabi nito.

"Bye Carl i love you too and i miss you so much" sabi ko bago ko ito ibinaba.

Naglakad ako patungo kay Lyn pero biglang nagsalita si Geline.

"Wow sino yung sinabihan mo ng I Love You too and I Miss You So Much?" Tanong ni Geline.

"Bakit mo narinig?" Tanong ko

"Hoy Athena malamang maririnig namin yan kasi malapit ka lang samin" sagot naman ni Lyn.

"Huwag niyo ng alamin" tamad kong sagot.

"Carl ata ang pangalan" sabi ni Sheila.

"Hoy Sheila-" sabi ko pero bigla akong natigilan dahil nagsalita si Austin.

"Sino kasi ang tumawag sa'yo?" Tanong ni Austin.

Tinaasan ko siya ng isang kilay bago nagsalita, "So anong pakialam mo?"

"Ang taray mo naman Miss" saad ni Austin.

"Ano naman kong mataray?" Sabi ko dito at inirapan siya.

"Siguro boyfriend mo yung tumawag" sabi nito na aking ikinagulat.

"What the hell kung boyfriend ko nga ang tumawag" mataray kong sabi.

"Hoy kayong dalawa tumigil na nga kayo" sabi ni Matthew.

"Mauna na ako sainyo Lyn" sabi ko.

Bago ako tumalikod nakita kong tumatawa pa si Austin kaya tinaas ko ang aking middle finger.

"What gusto mong ikama kita?" Sabi ni Austin.

"Kung kaya mo" saad ko.

Lumapit ito sa'kin at hinawakan ang aking bewang at inilapit niya ang kaniyang ulo sa aking leeg.

"Ang bango mo naman" sabi nito.

Hindi ako makagalaw sa ginawa niya bakit niya nagagawa ito sa'kin.

Akmang ilalapit na sana niya ang kaniyang labi sa aking leeg ng bigla ko siyang itulak.

"Ano ba" saad ko.

"Ano akala mo hindi ko kayang gawin sa'yo" sabi ni Austin.

Narinig kong tumatawa ang mga kaibigan ni Austin at nakita ko din na halos hindi makagalaw ang mga taong nakakita sa pangyayari kahit na sina Lyn, Sheila at Geline.

Hindi ko napigilan ang aking sarili, bigla ko siyang sinampal.

"Asshole" sabi ko dito bago ko sila tinalikuran.

Naglakad ako patungo sa restroom at doon ako naglagay ng alcohol sa aking leeg at nilagyan ko pa ito ng perfume.

Tumingin ako sa salamin na nasa aking harapan. Biglang bumuhos ang aking luha.

"Shit bakit ako umiiyak" sabi ko sa aking sarili.

Nagmadali kong pinunasan ng aking panyo ang aking mga luha dahil may biglang kumatok sa pinto ng Restroom.

Pagbukas ng pinto agad na tumambad sa'kin si Austin.

Tiningnan ko lang ito at nagmadali akong umalis dahil ayaw kong may mangyari pa.


Good To PretendWhere stories live. Discover now