Chapter 14

7 3 0
                                    


"Athena saan mo ito nakuha?" Mahina man pero may diin na sabi ni Austin.

Lumapit ako dito at agad ko itong kinuha.

"What the fuck Athena" sabi nito dahil nakuha ko ang bracelet na hawak niya.

Uminit ang aking ulo dahil sa sinabi niya kaya sinampal ko na.

"Austin hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo sa'kin kagabi" sabi ko dito.

Ngumisi siya bago tumingin ulit sa'kin.

"Athena nagpapahalik at nagpapahawak ka nga sa mga hindi mo kilala." Ani Austin.

Hindi ako nagsalita at agad kong kinuha ang aking bag sa table na malapit sa kama at naglakad papuntang pinto, pero bigla akong hinila ni Austin.

Niyakap niya ako ng mahigpit at pansin ko din na umiiyak siya.

"Ano ba Austin" saad ko habang pilit na kumakawala.

"Please Athena kahit ngayon lang" mahina niyang bulong.

Halos limang minuto niya akong niyakap.

"Johanna Athena Velazquez Chua" sabi ni Austin na aking ikinabigla dahil simula nang magkaroon ako ng isip halos alam ng lahat na Athena lang ang aking pangalan pero itong si Austin na alam ang buo kong pangalan kahit na ngayon lang kami nagkakilala.

"Paano mo nalaman ang aking pangalan?" Sabi ko habang lumalayo sa kaniya.

Naglakad siya papuntang cabinet at may kinuha ito.

Pagtingin ko sa kaniyang kinuha laking bigla ko dahil panyo ko ang hawak niya.

"Diba sa'yo ito?" Tanong niya

"P-paano napunta sayo yan?" Sabi ko dito.

"Yang bracelet mo.........sakin yan galing" sabi nito.

Naiyak ako at agad ko siyang niyakap.

"B-bakit ngayon mo lang sinabi, matagal na kitang hinahanap." Sabi ko

"Matagal na din kitang hinahanap Athena" sabi ni Austin.

"Alam mo Athena simula noong una kitang nakita alam kong ikaw na talaga." Dagdag nito.

Lumayo ako dito.

"Pero bakit mo ako inaaway?" Malungkot kong sabi.

"Sorry kasi ang gusto ko lang naman na mapalapit sa'yo pero alam kong ayaw mo talaga sa'kin." Seryosong ani Austin.






Good To PretendWhere stories live. Discover now