Chapter 6

15 5 0
                                    


Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock, bumangon ako sa aking kama at agad na pumunta sa aking restroom.Naligo ako at inayos ang aking sarili bago pumunta sa aming dining area.

"Yaya" inaantok kong tawag.

"Yes Ma'am Athena" dali-dali nitong saad.

"Yaya nasaan po sina Dad at Mom?" Tanong ko bago umupo sa aking upuan para kumain ng almusal.

"Kanina pa po Ma'am Athena umalis" sagot nito.

Hindi ako nagsalita at umalis naman si Yaya, ayaw kong kumain ng rice. Mabuti na lang at dumating si Manang Norma. Si Manang Norma ang isang pinakamatagal naming katulong.

"Manang Norma" tawag ko dito.

"Ano po yun Ma'am Athena?" Tanong nito.

"Pwede pong pakuha sa refrigerator ng juice at pagawa na din po ng sandwich." Utos ko dito.

"Sige po" sabi nito bago maglakad papunta sa    kusina.

Habang naghihintay ako biglang tumunog ang aking phone kaya kinuha ko ito sa aking bag at nakita kong si Mom ang tumatawag kaya sinagot ko ito.

"Anak sorry hindi kami nakapagpaalam sayo kanina kasi ayaw ka naming gisingin" alibi ng aking Mom.

"It's okay Mom" sabi ko dito.

"Where are you now?" Tanong ni Mommy.

"Mom nasa bahay pa po ako don't worry about me, I can handle myself" saad ko para hindi na si Mommy mag-alala sa'kin.

"Take care baby, I love you" sabi ni Mommy.

"I love you too Mom" sabi ko bago ni Mommy ibinaba ang call.

Hindi nagtagal nakapag-almusal na ako kaya pumunta ulit ako saaking kwarto para mag-toothbrush ng aking ngipin.

"Mang Boy aalis na po tayo" sabi ko sa aking driver.

"Sige po Ma'am Athena" sabi ni Mang boy at agad ako nitong pinagbuksan ng pinto.

Mabilis kaming nakarating sa school kasi hindi naman traffic dahil maaga pa.

"Thank you Mang Boy" sabi ko habang binubuksan ang pinto ng aking sasakyan.

"Walang anuman po Ma'am Athena" saad ni Mang Boy.

Pumasok ako sa gate ng aming school at agad kong nakitaang aking mga kaibigan.


Good To PretendWhere stories live. Discover now