Chapter 4

14 6 0
                                    


"Daddy mo pala si Tito Fernan?" Tanong sa'kin ni Austin.

"Yes bakit mo naman naitanong?" Sabi ko dito habang kumakain ako ng chocolate cake.

"Akala ko walang anak si Tito Fernan kaya nagpaiwan ako sa labas dahil alam kong business ang pag-uusapan nila." Ani Austin.

"Ah kaya pala hindi ka sumama kanina" saad ko.

"Boring kaya, ikaw ba hindi ka na boboring?" Tanong nito sa'kin.

"No, kasi kapag nag-uusap sina Mommy at Daddy tungkol sa business binibigyan lang ako nito ng cake o kahit anong matamis na pagkain" sagot ko.

"So mahilig ka sa matatamis?" Tanong ulit nito habang kumakain ng potato fries.

"Yes, ikaw saan ka mahilig?" simple kong sagot bago ko siya tinanong.

"Mahilig ako sa potato fries" sagot nito.

"Masaya ka palang kasama" saad ko dito.

"Ikaw din" sabi nito.

"Akala ko nga kanina na ayaw mo akong makasama kasi napakasama ng tingin mo sakin." Kwento ko.

"Hahahaha ikaw nga akala ko din ayaw mo akong makasama" sabi di  nito habang tumatawa.

"Pwede ba tayong maging magkaibigan?" Tanong ko.

"Oo naman pero........" Saad nitong natigilan.

"Pero?" Nagtatakang tanong ko.

"Ito ang first and last nating pagkikita kasi pupunta na kami sa London, doon na kami titira" paliwanag nito.

"Hindi na ba kita makikita? Hindi na kayo babalik?" Malungkot kong tanong.

"Siguro hindi na kami babalik kasi doon na si Papa magtatayo ng business." Paliwanag niya.

Hindi ako nagsalita at hindi ko alam kong bakit bigla akong umiyak, first time ko lang naman siyang nakilala at nakasama bakit ako umiiyak.

Tumayo siya at lumapit sa'kin. Kinalas niya ang bracelet niya at nabigla ako dahil agad niyang kinuha ang aking kamay at siya mismo ang naglagay nito.

"Ayan para hindi mo ako nakalimutan" sabi nito at kinuha niya ang kaniyang panyo sa kaniyang bulsa, pinunasan niya ang aking mga luha.

"Huwag ka nang umiyak, nagiging pangit kang tingnan" biro nito na agad ko siyang pinalo sa kaniyang braso.

Umiyak ulit ako dahil hindi ko na makikita si Austin.

"Ayan ka na naman, bakit ka ba umiiyak?" Nag-aalang sabi nito.

"Nalulungkot kasi ako dahil hindi na kita makikita" sabi ko dito na patuloy parin sa pag-iyak.

"Promise babalik ako" sabi nito at agad niya akong niyakap.

"Pangako mo yan na babalik ka, hihintayin kita" sabi ko dito at yumakap na din sa kaniya.

"Ingatan mo yang bracelet ko, yan ang palatandaan ko na ikaw talaga si Johanna" saad nito.

"Promise iingatan ko ito" sabi ko dito.



Good To PretendWhere stories live. Discover now