Chapter 15

13 3 0
                                    


Lumipas ang mga araw, mas napalapit ako kay Austin. Kapag may time kami sa isa't isa lagi kaming pumupunta sa mall, minsan naman pumupunta ako sa bahay nila dahil pinapatawag ako ni Tita.

Pinakilala niya din ako sa mga kaibigan niya. Kapag may hindi siya maunawaan lagi ko siyang tinuturuan.

Ngayong araw ay napag-usapan namin ni Austin na pumunta sa kanilang bahay. Kaya nag-ayos at nagpaalam kila Mommy at Daddy.
Nagtaxi lang ako papunta sa bahay ni Austin.

"Thank you po Manong" sabi ko sa taxi driver at binigay ang aking bayad.

"Salamat po Ma'am" sabi nito bago ako bumaba.

Naglakad ako patungo sa gate nila Austin. Pinindot ko ang doorbell ng bahay nila at mabilis akong pinagbuksan ng gate ni kuya guard.

"Kayo po pala Ma'am Athena" sabi ni kuya guard sa'kin.

"Good morning po nasaan po si Austin?" Tanong ko dito.

"Magandang umaga po Ma'am Athena, si Sir Austin po nasa pool side po" sagot ni kuya guard.

Ngumiti ako dito bago naglakad papasok sa bahay nila Austin. Pagpasok ko sa main door, nakita ko ang mga kasambahay na naglilinis ng bahay.

"Good morning sainyo" bati ko sa mga kasambahay.

Tumigil sila sa mga ginagawa nila at agad na bumaling sa'kin.

"Good morning Ma'am Athena" sabay-sabay na bati nila sa'kin.

Kapag pumupunta ako dito sa bahay nila Austin, palagi akong ginagalang ng mga tauhan nila Austin. Minsan nga nahihiya ako dahil hindi naman ako sanay.

Naglakad ako papuntang backdoor kung nasaan ang swimming pool, at kung nasaan si Austin.

Paglabas ko sa backdoor, nakita ko si Austin na lumalangoy. Naka topless lang si Austin kaya medyo nailang ako. Naglakad muna ako papuntang table para ilapag ang aking bag.

"Hi Athena" sabi ni Austin pero hindi ako dito humarap.

"Athena may problema ba?" Tanong nito.

May narinig akong umahon sa pool, kaya alam kong si Austin iyon.

Nabigla ako dahil may biglang yumakap sa'kin mula sa likuran.

"Austin naman wala akong damit na dala" saad ko.

"Bakit hindi mo ako tinitingnan?" Tanong nito.

"K-kasi naka topless ka" nahihiya kong sagot.

Ngumiti si Austin bago niya ako binuhat papuntang pool at doon niya ako inilapag.

"What the fuck, wala akong damit Austin" sabi ko dahil sa inis.

Tumawa muna si Austin bago siya nagsalita, "Marami akong damit diyan Athena" mayabang nitong saad.

"Oo nga marami kang damit pero may panty at bra kaba?" Mayabang kong tanong.

Tumawa ulit si Austin "Wala akong panty at bra na para saiyo pero mas gusto kong wala kang suot na bra at panty." Saad nito na nagpainit ng aking pisngi.

Nauwi sa paglangoy ang pagpunta ko sa bahay nila Austin, kaya gabi na ako naka-uwi sa bahay.

Isang araw naglalakad akong mag-isa papunta sa Library para ibalik ang nga librong hiniram ko pero may biglang humarang sa aking dinadaanan kaya huminto ako.

"Excuse me" saad ko at akmang lalagpasan ko sana ito pero bigla nitong hinawakan ang aking braso kaya napahinto ako.

"Wag mo akong tinatalikuran" saad nito

"Sino ka naman?" Sabi ko dito.

Nakita ko kung paano nagbago ang kaniyang itsura.

Maglalakad na sana ako pero bigla niyang hinila ang aking buhok kaya napahinto ako dahil sa sakit.

Nakita ko ang mga tao na naglakad papunta sa pwesto namin, kaya hindi ako nagpatalo dahil mapapahiya ako nito.

Hinampas ko nga libro ang kaniyang mukha at  sinipa ko ang kaniyang mga paa kaya napalayo siya sa'kin.

Lalapit pa sana ito sakin pero huminto ito.

Sa sobrang inis ng aking nararamdaman bigla akong nagsalita.

"Hindi kita kilala pero sasabihin ko sayo na hindi kami ni Austin at hindi ko siya mahal kaya magsama kayong dalawa." Saad ko at agad kong kinuha ang aking mga aklat at ang aking bag.

Good To PretendWhere stories live. Discover now