Chapter 7

9 4 0
                                    


"Hello Athena" masayang bati ni Sheila sa'kin matapos niya akong makita.

Naglakad ako palapit sakaniya at niyakap ko ito.

"Hi Sheila" bati ko dito bago ako kumalas at natuwa ako dahil nakita ko si Geline.

"Omg" saad ni Geline bago ito lumapit sakin.

Niyakap din ako nito at hinalikan sa aking pisngi.

"I miss you Athena" sabi ni Lyn na nasa likuran ko na pala.

"Hi Lyn" bati ko bago niya ako niyakap.

"Akala kasi namin na hindi kana babalik" sabi ni Geline.

"Geline one week na akong naka-uwi galing sa Europe kaya kahapon lahat ng homework ang activities ginawa ko para lagi akong nasa honor student." Sagot ko dito.

Oo ngayon lang ako bumalik sa Pilipinas dahil naisipan kong mag-aral sa Europe pero dalawang buwan lang ang aking stay doon kasi dito na ulit ako sa Pilipinas magpapatuloy ng aking pag-aaral.

"Tara na girls" alok ni Sheila kaya kami nag-umpisa ng maglakad patungo sa aming Classroom.Pagdating namin sa aming Classroom, lahat ng aming lalaking kaklase napatingin sa'min.

"Hi Athena" bati ng halos lahat ng aking kaklaseng lalaki.

"Hello" tamad kong sambit dahil hindi ko naman sila close.

Umupo kaming apat sa pinakalikuran dahil doon talaga kami nakaupo palagi.

"Alam mo Athena mas lalo kang gumanda" sabi ni Lyn.

"Hoy Lyn mas maganda ka sa'kin" sabi ko dito.

"Alam mo ba Athena may jowa na yang si Sheila" sabi ni Geline na aking ikinabigla.

"For real?" Tanong ko sabay tingin kay Sheila

Tumango si Sheila.

"Bakit hindi ko alam?" Malungkot kong tanong.

"Sorry Athena" sabi ni Sheila.

"Tatanggapin ko lang ang sorry mo kapag sinabi mo kung sino?" Mataray kong tanong.

"Si Matthew" sagot niya.

"Yung childhood mong crush?" Tanong ko dito.

"Yes" sabi ni Sheila na parang kinikilig.

"Mabuti kapa Sheila" malungkot kong sabi.

"Bakit naman?" Tanong nito.

"Kasi naging kayo ng childhood mong crush samantalang sa'kin hindi ko pa nakikita at ang mas malala pa dito, hindi ko matandaan kong ano ang pangalan niya" tugon ko.

"Bakit hindi mo matandaan?" Tanong naman ni Lyn.

"Lyn sampung taon kaming hindi nagkita dahil nasa ibang bansa na sila nakatira." Sagot ko.

Hindi sila nagsalita kaya umupo na lang ako at hinintay na lang namin ang aming guro.


Good To PretendWhere stories live. Discover now