Chapter 1

36 8 0
                                    


"Ma'am Athena" tawag sa'kin ng aking katulong.

"Wait lang po" sabi ko dito dahil ayaw ko pang bumangon sa aking kama.

"Ma'am gising na po hinihintay na po kayo ni Ma'am at Sir." Sabi ng aming katulong.

"Give me ten minutes to prepare" saad ko kahit na hindi naman talaga ako babangon.

Hindi ko namalayan nakatulog ulit pala ako, kung hindi ko pa narinig ang boses ni Mommy hindi pa ako babangon.

"Athena" boses ni Mommy ang aking narinig.

Bumangon ako sa aking kama at naglakad papuntang pinto para buksan ito.

"Athena bakit hindi ka pa nakabihis?" Tanong ni Mommy sakin.

"Mommy saan po tayo pupunta?" Tanong ko.

"Magkikita ang Daddy mo at ang kaibigan niya at kasama tayo, kaya maligo kana para maaga tayong makapunta" paliwanag ni Mommy sakin habang inaayos nito ang aking kama.

"Yes Mommy, can you wait for me?" Tanong ko dito.

Tumigil si Mommy sa pag-aayos ng aking kama dahil sa aking tanong.

"Why?" Tanong nito.

"I want you to be my hairstylist" sagot ko dahil mas magandang mag-ayos si Mommy ng aking buhok kaysa kay yaya.

"Sure baby" sagot ni Mommy bago niya pinagpatuloy ang pag-aayos ng aking kama.

Pumasok ako sa aking bathroom at doon ako naligo, halos kalahating oras akong nasa loob nito. Paglabas ko sa aking bathroom nakita ko si Mommy na lumabas sa aking walk-in closet na may dala-dalang dress, undies, at doll shoes.

"Thank you Mommy" sabi ko dito dahil siya na kasi ang nag-ayos ng aking kama at naghanap ng aking maisusuot.

"Your welcome baby, maiwan na muna kita call me kapag tapos kanang magbihis because I will gonna take a shower" sambit ni Mommy bago siya lumabas sa aking kwarto.

Nagbihis ako, naglagay ng powder sa aking mukha at likod, nag-spray din ako ng perfume na ibinigay sa'kin ni Daddy, at nag-apply din ako ng lotion sa aking katawan.

Bumalik si Mommy sa aking kwarto na nakasuot ng red na dress at sandal na kulay itim.

"Mommy your so beautiful" sabay yakap ko dito.

"Thank you baby, tara na umupo kana sa upuan mo para maayos ko na ang buhok mo" utos sa'kin ni Mommy na agad din akong sumunod.

Inayos ni Mommy ang aking buhok bago kami bumaba dahil alam namin na kanina pa si Daddy naghihintay.

Pagkarating namin sa sala nakita kong naka-upo si Daddy sa single couch.

"Let's go Fernan" sabi ni Mommy kay Daddy.

Ngumiti si Daddy bago tumayo at naglakad ito patungo sa'min ni Mommy.

"Wow my two loves are so beautiful" saad ni Daddy, ginawaran niya ako ng halik sa aking noo at si Mommy naman ay sa labi.

"Let's go" sabi ni Daddy at sabay-sabay kaming naglakad papunta sa kotse ni Daddy.

Hindi nagtagal nakarating kami sa isang sikat at mamahaling restaurant.

"Hello Sir Fernan" bati ng waiter.

"Hi Ken" bati ni Daddy.

"Hello Ma'am Stella" bati ng lalaking tinawag ni Daddy sa pangalang Ken.

"Hi Ken, magandang umaga" sabay ngiti ni Mommy.

"Hello little Athena" bati nito sakin.

"Hi po" sabi ko dito at agad na sumunod kila Mommy at Daddy.

Naupo ako sa gitna nina Mommy at Daddy.
Umorder si Daddy ng maraming pagkain si Mommy naman ay tumayo para pumunta sa restroom.

"Daddy" tawag ko kay Daddy.

"Yes baby?" Tanong ni Daddy.

"Sino po ba ang kaibigan niyo?" Tanong ko.

"Si Tito Emmanuel mo, kaibigan ko siya anak mula noong bata pa kami kahit ngayong matanda na kami hindi parin namin nakakalimutan ang bawat isa." Paliwanag ni Papa.

"Ahh so you two are friends?" Tanong ko ulit.

"Yes baby friends kami at tinuturing namin ang bawat isa na magkapatid dahil pareho kaming only child." Paliwanag ulit ni Daddy.

"Baby hintayin mo ang Mommy mo dito ka lang, may tumatawag kaya dapat ko itong sagutin." Sabi ni Daddy bago tumayo at naglakad papuntang labas.

 



Good To PretendWhere stories live. Discover now