Chapter 13

6 3 0
                                    


"Party, party" sigaw ng mga taong sumasayaw.
 
"Whoaaaaa" sigaw ko sabay inom ng aking alak.

Nabigla ako dahil may biglang humawak sa aking bewang.

"Miss your so sexy" saad nitong lalaking nasa likod ko.

Humarap ako dito, at hinagod ko ang kaniyang katawan nahawakan ko ang kaniyang abs. Pero ang ikinabigla ko ay ang bigla niyang paghalik sa aking collar bone. Itinulak ko siya bago ako nagsalita.

"Bye" saad ko bago ako naglakad patungo sa restroom ng club.

Kahit na umiikot ang aking paningin pinilit ko padin makapunta sa restroom kaya pagdating ko dito nabigla ako dahil may dalawang taong naghahalikan.Ang babae ay hindi ko kilala pero ang lalaki naman ay kilala ko.

Nahinto sila at agad na tumingin sa'kin.

"Don't mind me" saad ko bago ako naglakad papunta sa sink para sumuka.

Habang sumusuka ako, may narinig akong lumabas sa pinto at agad na isinara ito pero hindi ko ito tiningnan dahil wala akong pakialam.  

Halos mapatalon ako dahil may biglang humawak sa aking bewang.  

"What the fuck" sabi ko dahil sa pagkabigla.

Humarap ako dito at nabigla ako dahil ang akala ko ay umalis na sila ng kaniyang babae.

"Athena" seryoso nitong sabi bago niya inilapat ang kaniyang labi sa aking leeg at inumpisahan nitong halikan.

Agad ko siyang tinulak pero malakas si Austin kaya hindi siya natinag sa kaniyang ginagawa.

"Please Austin" sabi ko habang umiiyak na.

Tumigil siya at agad na lumayo sa'kin.

Pinunasan ko ang aking mga luha at tatayo na sana ako ng bigla kong naramdaman ang pagkahilo at agad na lang akong nawalan ng malay.

Nagising ako dahil pakiramdam ko ay may tumitingin sa'kin kaya iminulat ko ang aking mga mata at tiningnan ko ang aking palagid, nahinto lang ako sa pagmamasid dahil nakita ko si Austin na naka-upo sa single couch.

Kinuha ko ang kumot para ibalot sa aking sarili dahil natandaan ko kung ano ang nangyari kagabi pero nahinto ako dahil napansin kong iba ngayon ang aking damit.

"Sinong nagpalit sa'kin?" Mahina kong tanong.

"Huwag kang mag-alala dahil si Mama ang nagpalit sa'yo."

Akmang lalapit sana sa'kin si Austin pero agad ko itong pinigilan.

"Please huwag kang lalapit sa'kin" sabi dito pero hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako.

"Athena I'm so sorry sa nang-" sabi ni Austin na mukhang nag-aalala pero pinutol ko na kaagad ang sasabihin niya.

"Please ayaw kong may marinig tungkol sa nangyari kagabi." Mariin kong sabi bago ko pinunasan ang aking mga luha pero natigilan ako nang mapansin kong may nawawala sa'kin.

Agad akong tumayo at hinanap ko sa kama ang aking bracelet perp wala doon, titingnan ko sana ang ilalim ng kama dahil baka nahulog lang pero biglang nagsalita si Austin.

"Ito ba ang hinahanap mo Athena?" Seryosong tanong ni Austin kaya agad akong lumingon dito.

Hawak-hawak ngayon ni Austin ang aking bracelet.

"Akin na yan" sabi ko at lumapit ako dito pero lumayo siya.

"Austin akin na" sabi ko ulit dito pero hindi niya ako pinansin.

"Paano ito napunta sa'yo?" Tanong ni Austin habang nakatingin sa aking bracelet.




                                                                                       

Good To PretendWhere stories live. Discover now