Chapter 3

15 6 0
                                    


Nakarating ako sa playground ng restaurant pero medyo mahihirapan akong hanapin ang anak nina Tito Emman at Tita Gina dahil hindi ko naman ito kilala at never pa kaming nagkakilala o nagkita.

Pupunta sana ako sa may bench para maupo pero biglang may tumama kahoy saaking ulo kaya napahinto ako dahil sa sakit.

"Bata ayos ka lang?" Tanong sa'kin ng isang lalaking nakasuot ng isang pormal at halos itim ang kulay, nakita kong ganito ang kasamang bodyguard nina Tito Emman at Tita Gina.

"Ayos lang po kuya" magalang kong sabi.

"Sorry talaga bata hindi sinasadya ng aking amo." sabi ni kuyang nakasuot ng pormal at halos itim na damit.

"Ahm kuya pwede ko po bang makilala ang iyong amo." Pakiusap ko dito.

"Bata baka pagalitan ka lang ng aking amo, mga kasama ko nga pinaalis dahil ayaw niyang may kasamang marami." Paliwanag nito.

"Kuya please" pagmamakaawa ko kay kuya.

"Sige bata"saad nito at nag-umpisa ng maglakad papuntang slide.

Habang papalapit kami may nakita akong isang batang lalaki. May itsura ito first time kong makaramdam ng paghanga at first time ko ding makaramdam ng pagbilis ng aking puso.

"Mang Jose sino po yang kasama niyo?" Tanong nito habang ang mga kilay hindi na maipinta sa sobrang sama ng tingin saakin.

"Ito yung batang natamaan dahil ibinato mo ang kahoy." Paliwanag ni Mang Jose.

Hindi nagsalita ang bata at tumingin lang ito sakin mula ulo hanggang paa.

"Hi" bati ko dito habang kumakaway.

"Hello" matamlay nitong bati.

"I am Johanna" sabi ko dito habang inilalahad ang aking kamay sa kaniyang harapan.

"I am Austin" pakilala din nito at nabigla ako dahil tinanggap nito ang aking alok na makipagkamayan.

"Nice to meet you" sabi ko

"Nice to meet you too" sagot nito bago niya kinuha ang kaniyang kamay.

"Ikaw ba ang anak nina Tito Emman at Tita Gina?" Tanong ko dito.

"Oo ako nga pero paano mo nalaman?" Tanong din nito sa'kin.

"Sinabi nilang nasa playground ang kanilang anak at may kasamang bodyguard, pinapatawag ka nila" paliwanag ko dito.

"Okey" maiksi nitong sambit bago kami naglakad pabalik sa loob ng restaurant.

"Maiwan ko na po kayo Mang Jose" paalam ko kay Mang Jose dahil papasok na ako sa loob.

"Sige po" sabi nito bago tumingin kay Austin.

"Hintayin ko na lang po kayo Sir" sabi nito kay Austin bago niya kami tinalikuran at naglakad na ito paalis.

Sabay kaming pumasok sa loob ng restaurant at agad na pumunta sa aming mesa.

"Mabuti naman at nakilala mo ang aming anak" sabi ni Tita Gina habang papalapit kami sa aming mesa.

"Tita sinabi niyo po na may kasamang bodyguard ang anak niyo" sabi ko dito at lumapit kay Mommy para umupo sa kaniyang tabi.

"Fernan at Stella ito pala ang aming anak na si Austin Garcia" pagpapakilala ni Tito Emman sa kaniyang anak na si Austin.

"Hi Austin" bati ni Daddy.

"Hello po" bati naman ni Austin.

"Napakagwapo pala ng anak niyo" sabi ni Mommy.

"Stella saan ba naman mamana, syempre sa'kin sa pogi kong ito" biro ni Tito Emman.

"Hoy Emmanuel hindi ka lang ang naghirap na bumuo" sabi ni Tita Gina.

"Oo nga naman Emmanuel, si Gina ang nagdala niyan sa loob ng siyam na buwan" sabi ni Mommy.

"Kailan niyo susundan si Austin?" Tanong ni Daddy.

"Pwede naman mamaya hahahaha, ikaw Fernan susundan niyo pa ba si Johanna?" Tanong ni Tito Emman.

"Hindi na Emman kasi mahirap kapag nanganak ulit si Stella." Sabi ni Daddy.

"Ah Austin and Johanna pwede ba kayong umupo sa kabilang table?" Utos ni Daddy.

Sabay kaming naglakad ni Austin patungo sa malapit na table at doon kami umupo at ang tanging kasama lang namin ay ang aming Yaya.

                 

Good To PretendWhere stories live. Discover now