Chapter 2

16 6 0
                                    


Bumalik si Mommy kaya hindi na ako mag-isa.

"Athena nasaan ang Daddy mo?" Tanong sa'kin ni Mommy.

"Mommy sabi ni Daddy may sasagutin lang daw po siyang tawag." Sagot ko.

"Ah ganon ba" saad ni Mommy bago kumuha ng maiinom.

Ilang sandali ang lumipas bumalik na si Daddy.

"Papunta na daw sina Emmanuel" sabi ni Daddy bago umupo sa kaniyang upuan.

"Siguro matutuwa nito si Emmanuel kasi makikilala niya na si Athena." Sambit ni Mommy.

"Oo nga" sagot ni Daddy.

Lumipas ang limang minuto agad na tumayo si Daddy.

"Nice to see you again Emmanuel" sabi ni Daddy at niyakap niya ito.

Tumayo din si Mommy at lumapit ito sa isang babaeng sigurado akong asawa ito ni Tito Emmanuel.

"Baby come here" tawag sa'kin ni Daddy.

Tumayo ako at naglakad patungo sa kanila.

"Emmanuel and Gina ito pala ang unica hija namin" pakilala sa'kin ni Daddy.

"What's your name?" Tanong ni Tito Emmanuel.

"I am Johanna Athena Velasquez Chua" pagpapakilala ko sa aking sarili.

"Nice to meet you Johanna by the way I am Emmanuel Garcia ad this is my wife Gina Garcia." Pagpapakilala ni Tito Emmanuel sa kaniyang sarili at sa kaniyang asawa.

"Nice to meet you Tito Emmanuel and Tita Gina" saad ko bago lumapit kay Tita Gina para gawaran ito ng halik sa pisngi.

"Johanna you can call me Tito Emman" sabi ni Tito bago niya ako niyakap.

Bumalik kaming lahat sa aming mesa pero bago ako maupo biglang nagsalita si Daddy.

"Baby pwede bang doon ka sa isang table maupo may pag-uusapan kasi kami" utos ni Daddy.

"Yes Daddy" sabi ko at tatayo na sana ng biglang nagsalita si Tito Emman.

"Johanna pwede mo bang tawagin ang aking anak" utos sa'kin ni Tito Emman.

"Nasaan po ba siya Tito Emman?" Tanong ko.

"Nagpaiwan siya kasama ang aming mga bodyguards pupunta na lang daw siya sa may playground nitong restaurant sa may labas." Paliwanag ni Tito Emman.

"Sure Tito." Sabi ko at maglalakad na sana ako pero natigilan ako dahil nagsalita pa si Daddy.

"Baby magpapasama kapa ba sa iyong Yaya?" Tanong ni Daddy.

"No Daddy I can handle it" sabi ko at agad naglakad palabas.

Lalabas na sana ako ng pinto pero natigilan ako dahil hindi ko pala alam kong saan ang playground nitong restaurant.

"Little Athena may problema po ba kayo?" Nabigla ako dahil nasa harap ko na pala yung tinatawag ni Daddy sa pangalang Ken.

"Mayro'on po Sir" sabi ko para magbigay galang dahil nakakatanda ito sa'kin.

"Little Athena huwag niyo na po akong tawaging Sir kahit Ken na lang po." Sabi nito sabay ngiti.

"Hindi po maaari, sabi po sa'kin ni Mommy at Daddy na kapag matanda ang kausap dapat po gumalang kaya kuya Ken na lang po ang itatawag ko sa inyo.

"Napakabait na bata, ano pala ang problema niyo?" Tanong ni kuya Ken.

"Saan po dito kuya Ken ang playground?" Tanong ko.

"Go straight lang po Little Athena at agad niyo po itong makikita." Paliwanag nito.

"Thank you po kuya Ken" sabi ko at naglakad na ako patungo sa sinabi niyang daan.

Good To PretendWhere stories live. Discover now