Chapter 5

13 6 0
                                    


Halos ten years na ang lumipas mula ng umalis ang buong pamilya ng kaibigan ni Daddy, hindi ko na nga matandaan ang pangalan nila dahil sa panahon na dumadaan.

"Ma'am Athena" tawag sakin ng aking katulong.

"Yaya pakisabi kina Daddy at Mommy na susunod na lang ako" utos ko dito dahil hindi pa ako tapos mag-ayos ng aking sarili kasi kagigising ko lang.

Narinig kong naglakad na ito paalis kaya pinagpatuloy ko ang pag-aayos sa aking buhok. Pagkatapos ko agad akong lumabas ng aking kwarto at naglakad patungo sa aming dining area.

"Good morning Mom" bati ko kay Mom at hinalikan ko ito sa kaniyang pisngi.

"Good morning Athena" sabi ni Mom habang kumukuha ng inumin sa aming refrigerator.

Naglakad ako patungo sa mesa kung saan naka-upo si Dad habang nagbabasa ng dyaryo. Lumapit ako dito at hinalikan ko din ito sa kaniyang pisngi.

"Good morning Dad" bati ko bago umupo sa aking upuan.

"Good morning anak" sabi ni Dad bago niya inilapag ang kaniyang dyaryo sa kaniyang tabi.

Bumalik naman si Mom at umupo na ito sa kaniyang upuan, kumuha ako ng hotdog, bread and bacon dahil ayaw ko ngayon magrice kasi paniguradong tataba ako nito.

"Kamusta ang pag-aaral mo anak?" Tanong ni Mom.

"Mom ayos lang po at huwag po kayong mag-alala dahil top one po ako" sabi ko dito at agad na kinain ang bacon.

"Good" sabi ni Dad.

"Athena, sana lagi mo yang maintain dahil alam kong ikaw ang magmamana ng lahat ng pinaghirapan namin ng Dad mo." Sabi ni Mom.

"Yes Mom" sagot ko.

"Anak bukas aalis ulit kami ng Mom mo kaya-" pinigilan ko si Dad.

"Dad huwag na po kayong magpaalam kasi lagi naman kayong umaalis ni Mom. Bumabalik naman kayo tuwing linggo." Sabi ko dito at uminom ng aking juice.

Hindi nagsalita si Dad at Mom kaya tumayo na ako para bumalik sa aking kwarto.

"Pupunta na po ako sa aking kwarto" paalam ko bago naglakad patungo sa stairs.

Pumasok ako saking kwarto at ginawa ko na lang lahat ng aking homeworks at activities.
Pagkatapos humiga ulit ako sa aking kama at doon natulog.

















Good To PretendWhere stories live. Discover now