Chapter 16

8 0 0
                                    


Naglalakad akong mag-isa dito sa daan patungo sa aking bahay, kahit na may driver ako at may pera hindi ko magawang sumakay dahil gusto kong mapag-isa.

Bakit iba ang aking nararamdaman?

Hindi ko naman talaga mahal si Austin, Oo mahal ko siya noon pero ngayon mukhang nawala lahat ng aking nararamdaman.

Pero noong nakita ko siya kanina na umalis, mukhang ako ang nasasaktan.

Napahinto ako sa paglalakad dahil nakita ko si Ivan.

"Ikaw pala Ivan" saad ko.

"Athena, may sasabihin lang ako sa'yo" mahinhin nitong sabi.

"Tungkol saan?" Tanong ko.

"Yung babae na naka away mo kanina" huminto si Ivan sa pagsasalita kaya napatingin ako sakanya.

"Sino siya?" Tanong ko dito.

"Siya si Kyla.........ang ex-girlfriend ni Austin."

Hindi na ako nabigla sa sinabi ni Ivan dahil alam kong gwapo si Austin kaya maraming babae ang mag kakagusto sakanya.

"Bakit sila naghiwalay?" Tanong ko.

"Dahil may ibang gusto si Austin" tipid na sagot nito.

May itatanong pa sana ako kay Ivan pero biglang tumunog ang kaniyang cellphone.

"Excuse me" paalam ni Ivan bago naglakad palayo sa akin.

Naghintay ako ng ilang segundo bago bumalik si Ivan.

"I have to go Athena" paalam ni Ivan.

"Wait, saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Si Austin kasi mag-isa lang" sagot nito.

"Nasaan ba siya?" Tanong ko ulit.

"Bar" tipid na sagot ni Ivan bago pumasok sa kaniyang sasakyan at agad na umalis.

Ano kaya ang problema ni Austin?

Naka uwi na ako sa aming bahay at handa na sana akong matulog pero biglang tumunog ang aking phone.

Kinuha ko ito at agad na sinagot.

"Hello" bungad ko.

"Athena" boses pa lang alam ko na kung sino ito.

"Hoy Austin, bakit ka umiinom?" Tanong ko.

"Bakit mo tinatanong" saad nito na parang walang ganang makipag-usap sakin.

"Austin-" pinutol na kaagad ni Austin ang pagsasalita ko.

"Huwag mo na akong pangaralan pa Athena, dahil wala ka naman alam!" Sigaw ni Austin na naging sanhi ng pagkalaglag ng aking cellphone  mula sa aking pagkakahawak.

Imbes na kunin ko ang aking cellphone, dali-dali akong naglakad papunta sa aking kama. Doon ako umiyak hanggang sa nakatulog ako.

Good To PretendWhere stories live. Discover now