CHAPTER 33

26 0 0
                                    

CHAPTER 33





Pagkatapos kong kumain ay naikwento ko kina Tito at Tita Amelia ang kalagayan ngayon ni tatay, labis ang kanilang lungkot sa kanilang nalaman. Nagpasya akong tawagan sila para masabi ko na nandito ako sa Danu at magkamustahan sila nang makita kong walang signal ang phone ko.

Oo nga pala iha, walang signal dito sa amin dahil alam mo na malayo sa kabihasnan. Gusto ko pa namang kausapin ang nanay mo at mga kapatid mo dahil miss na miss ko na rin sila. "ani Tita Amelia".

Paano ko makakausap si nanay kung ganon, baka kasi lumuwas na si sir Adrian doon at tinatanong na ako sakanila. Siguradong mag aalala sila sa akin. "saad ko sa aking isip".

Pwede kang gumamit ng landline sa bayan iha. Kung gusto mo ay sasamahan kita. "saad ni Tito Lui".

Pumunta na tayong tatlo dahil gusto ko rin na kausapin ang nanay mo. "ani Tita Amelia".

Sige po. "nakangiti kong saad".

Kung biniyayaan lang sana sila ng mga anak ay maswerte ang magiging anak nila dahil mabait silang magulang, nakakalungkot lang isipin dahil hindi sila nabigyan ng anak dahil may deperensya ang mattress ni Tita Amelia. Pero kahit na ganoon ang nangyari ay hindi sya iniwan ni Tito Lui.

Naalala ko pa noon ang sinabi ni Tita Amelia kay nanay na kung pwede ba daw na amponin nya ako. Natatawa na lang ako sa sariling iniisip.

Laking pag aalala ni nanay ng makausap ko sya. Ang dami nyang tanong kung bakit hindi ako umuwi sa bahay gayong nagresign na pala ako sa trabaho.

Nay, gusto ko lang po na magbakasyon dito bago ako umuwi dyan. Basta nay kapag pumunta dyan si sir Adrian at hanapin ako sabihin nyo na lang na nagbakasyon ako, hwag nyong sasabihin na nandito ako. Alam nyo naman ang rason baka kulitin na naman nya akong bumalik sa trabaho. "kinakabahan kong saad kay nanay".

Ano ba yang amo mo anak, may gusto yata talaga sayo at binabalik balikan ka. Umamin ka nga sa akin? "ani nanay sa kabilang linya".

Gusto ko lang po magpahinga at damhin ang sariwang hangin dito sa Danu, hwag na po kayong mag isip ng kung ano ano nay. Isa pa binisita ko po sina Tita Amelia at Tito Lui. "saad ko".

Kamusta na sila? Nandyan ba sila ngayon? Kausapin ko nga sila anak. "excited na saad ni nanay".

Hindi kasi nakakausap ni nanay sina Tita Amelia sa telepeno dahil wala ngang signal sa kanila at dito pa sa bayan pa pwedeng gumamit ng telepono. Kinamusta ko muna ang mga kapatid ko at si tatay bago ko ipasa kay Tita Amelia ang telepono.

Maayos naman ang kalagayan ng tatay mo kahit papaano anak hwag kang mag alala, ikaw ang inaalala namin dito araw araw anak. Alam mo naman na miss na miss kana namin lalo na itong mga kapatid mo. Nasa trabaho sila ngayon anak, siguradong matutuwa sana sila kung nandito sila. "masayang saad ni nanay".

Miss na miss ko na rin po kayong lahat dyan nay, pag uwi ko po dyan babalik tayong lahat dito sa Danu para makita nyo sina Tita Amelia. "masayang saad ko".

Sige anak, mag iingat ka dyan ha. Ipasa mo nga sa Tita Amelia mo ang telepono at kakausapin ko. "ani nanay".

Natutuwa namang tinanggap ni Tita Amelia ang telepono at masayang nakipag kamustahan kay nanay.

Nagpasya muna akong maglakad lakad dahil alam kong marami pa silang pag uusapang dalawa sa telepono.

Hintayin mo na lang kami ng Tita Amelia mo iha at baka mapano ka pa. "nag aalalang saad ni Tito Lui".

Ayos lang po ako Tito, mas malawak po ang manila sa Danu kaya sanay na po ako. "nakangiting saad ko".

Natutuwa ako habang pinagmamasdan ang mga bilihin, ang masaya kasi dito sa bayan ng Danu parang laging pyesta. Ang daming namimili dahil sa kaliwa't kanan na nagbebenta ng kung ano ano sa paligid. May nakita akong nagbebenta mg keychain ng magpasya akong bumili para kina Amy at Janice.

Hindi ko pa pala sila nakakausap, malamang nag aalala na sila sa akin. Nagbayad na ako sa tindera at kinuha ang mga keychain na binili ko at nagmamadaling pumunta sa kinaroroonan nila Tita Amelia ng makaramdam ako ng pagkahilo.

Tumigil ako sa paglalakad at sinapo ko ang aking ulo. Baka pagod lang ito dahil sa mahabang byahe.

Pagdating ko kina Tita Amelia ay sakto namang ibinaba ni Tita Amelia ang telepono. Nagpahintay muna ako saglit sakanila dahil kakausapin ko sina Amy at Janice.

Mahabang oras ang ginugol ko kay Amy dahil sa kanyang mga tanong kaya isa isa ko rin iyong sinagot.

Alam mo bang galit na galit si sir Adrian nung pumasok sya sa kanyang opisina kaninang umaga? Kung tama nga iyang sinabi mo na buntis si Agatha at sya ang ama at hindi ka nya mahal, bakit galit na galit sya nung tinatanong ka nya sa akin. Hindi naman kita macontact kaya wala akong maisagot sa kanya. "ani Amy".

Napatawag ako dahil gusto ko lang malaman mo na maayos lang ako dito, hwag mo akong alalahanin. Walang signal kaya nandito pa ako sa bayan para gumamit ng landline. Nagresign na ako sa trabaho kaya magkitakita na lang tayong tatlo bago ako umuwi. "saad ko kay Amy".

Hindi mo ba talaga sasabihin sa akin kung na saan ka ha! "pasigaw na saad ni Amy sa kabilang linya".

Nasa maayos na lugar ako Amy, malayo sa problema. "pagkukumbinsi ko".

Pagpkatapos kong kausapin si Amy ay dali dali ko ring tinawagan si Janice. Nag riring lang iyon at hindi nya sinasagot. Baka busy sya sa trabaho ngayon?

Nakaraming ring iyon at hindi pa rin nya sinasagot kaya nagpasya ko ng ibaba ang telepono. Tatawagan ko na lang sya sa susunod.

Namalengke muna kami bago nagpasyang umuwi. Nagalit pa si Tita Amelia sa akin nang bayaran ko ang mga binili namin, bisita daw ako at hindi ko kailangang gumastos pero mapilit pa rin ako kaya napapayag ko si Tita Amelia.

Sophia, magpahinga ka na muna iha alam kong napagod ka sa byahe. "ani Tita Amelia ng makauwi kami".

Sige po Tita. "nakangiting saad ko".

Bungalow style lang itong bahay nila Tita Amelia pero maganda dahil sementado naman ito at sliding ang mga bintana. May dalawang kwarto kahit na silang dalawa lang ang nakatira, nakalaan kasi ang isang kwarto para sa bisita kagaya ko.

Maayos naman ang pamumuhay nila Tita Amelia dahil kapitan si Tito Lui dito sa barangay nila at silang dalawa lang naman ang magkatuwang sa buhay.

Binuksan ko ang bintana at tanaw ko mula dito ang kulay asul na dagat at matataas na puno ng niyog. Nilanghap ko ang sariwang hangin na pumapasok sa bintana, ang gaan sa pakiramdam. Pinagmasdan ko muna ang mga alon na na nag uunahan bago ko maisipang humiga sa kama.

Ngayong mag isa na lang ako kusa na naman syang pumasok sa isipan ko. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib pero pinalakas ko ang aking loob. Nandito ako para makalimot at hindi para isipin sya at masaktan ng paulit ulit. Alam kong masakit pero kakayanin ko. Kinuha ko ang aking cellphone at pinindot ang power off.


Madilim na sa labas ng magising ako sinipat ko ang oras sa aking relo at alas sais na pala ng gabi. Matamlay akong bumangon dahil pakiramdam ko ang bigat ng buong katawan ko. Paglabas ko ng kwarto ay agad akong sinalubong ni Tita Amelia.

Sophia mabuti at gising kana iha sakto at kakaluto ko lang. Ihahanda ko lang ang lamesa at kakain na tayo. "masayang saad ni Tita Amelia".

Sige po Tita. "nakangiting sagot ko".

Biglang tumunog ang aking tyan ng maamoy ko ang inihahandang pagkain ni Tita Amelia. May sinigang na hipon, adobong baboy at pritong isda. Ang dami nyang niluto pero hindi na lang ako umapila dahil gutom na gutom na ako.

THE HEARTLESS BILLIONAIREWhere stories live. Discover now