CHAPTER 21

41 0 0
                                    

CHAPTER 21




Nagising ako dahil sa sunod sunod na katok sa pinto. Inaantok akong bumangon mula sa kama para buksan iyon.

Goodmorning Miss Sophia, pasensya na po kayo kung naistorbo ko ang tulog nyo. Kailangan nyo na daw pong maghanda dahil ngayon na po ang alis nyo. "masayang saad ni Alena".

Dali dali akong pumasok sa banyo para maligo. Wala naman akong dinalang damit dito kaya mabilis lang akong nakapag handa. Isinuot ko ang office attire na suot ko nung magpunta kami dito.

Masaya akong nagpaalam sa mga kasambahay kahit na nahihiya ako sa namumugto kong mata. Nakangiti kong nilapitan si Alena bago sumakay ng helikopter.

Alena, maraming maraming salamat sa lahat. "saad ko".

Walang ano man po Miss mag iingat po kayo, balik po kayo ni sir Adrian dito. ''saad nya".

Kung may pagkakataon Alena. "saad ko at niyakap sya ng mahigpit".

Nagtataka ako nang makababa kami ni sir Adrian sa helikopter ng marating namin ang rooftop sa  building ng mga Sullivan. Sabi nya dalawang linggo kaming mananatili sa isla fuego, may natitira pa kaming araw doon bakit nya naisipang umuwi agad?

Dapat nagsasaya ako ngayon dahil nakauwi na kami pero hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kung bakit ako nababalisa ng ganito.

Mamimiss ko ang dagat, huni ng alon kapag gabi, sariwang simoy ng hangin at ang magandang lugar na iyon. Hindi man lang ako sinabihan na uuwi na kami ngayon.

Naputol ang aking pag iisip ng magsalita si sir Adrian.

Are you just gonna stand there? "saad nya".

Naalala ko ang usapan namin kagabi. Parang walang nangyari, nakapagtataka dahil ang laki ng ngiti nya?

Nasa pinto na pala sya ng rooftop, mabilis akong naglakad patungo doon. Hahawakan ko na sana ang seredora ng pinto ng hilahin nya ang kamay ko.

Wait. "seryoso nyang saad".

Kinakabahan ko syang tinignan. Nailang ako kaya agad akong yumuko.

May kinuha sya sa kanyang bulsa, nagulat ako ng may isinuot sya sa leeg ko.

If you care about me do it. If you love me then show it! "saad nya at nauna ng umalis".

Hindi mag sink in sa utak ko ang mga sinabi nya dahil nakatuon ang atensyon ka sa kwintas na nilagay nya sa leeg ko.

Napanganga ako ng masilayan ko ang kwintas, ito yung kwintas na gustong gusto ko. Natigilan ako.

Nagflashback sa utak ko ang pangyayari nung balikan ko ang kwintas na ito noon sa jewelry shop. Binili nga nya ito pero bakit nya ibinigay sakin?

Sa sobrang mahal ng kwintas na ito, pwede na akong makapagpatayo ng bahay. Biglang pumasok sa utak ko ang sinabi nya noon ng mapansin nya akong nakatitig sa kwintas na ito nung bumili kami ng regalo ni señora Anastacia.

"Do you like that?".

Hindi ko ito pwedeng tanggapin dahil sobrang mahal nito. Hindi ako karapat dapat magsuot ng ganitong kwintas.

Mahold up pa ako sa kanto.

Nasa malalim na pag iisip ako habang naglalakad sa hallway ng biglang may yumakap sa akin ng mahigpit.

Sophia! Thank God nakauwi ka na, I missyou so bad. "masayang saad ni Justin".

Anong ginagawa nya dito?

Hindi ko napansin ang kanyang paglapit dahil nakayuko ako habang naglalakad.

Anong ginagawa mo dito? "tanong ko".

Nag babakasakali lang na baka makita na kita dito and finally you're here. " saad nya".

Justin, hindi mo na kailangang gawin yan. Hindi na tayo tulad ng dati. "saad ko".

I know Sophia. Masama bang mag alala bilang kaibigan mo? "matamlay nyang sagot".

Hindi naman sa ganon ayoko lang na maabala ka dahil lang sa akin, ayos lang naman ako. "saad ko".

Natigilan kaming dalawa ni Justin ng biglang may lumapit sa amin.

Miss Alegra, pinag uutos po ni sir Adrian na ihatid ko na po kayo sa inyo. Kailangan nyo daw pong magpahinga. "saad ng bodguard ni sir Adrian".

Ah wag na po. Kaya ko pa namang magtrabaho, hindi ko na kailangan ng pahinga. "nakangiting saad ko".

Dahil sa totoosin marami akong pahinga, kain at tulog lang naman ang ginawa ko dun nagtataka nga ako kung bakit nya ako dinala doon. "saad ko sa aking isip".

Dahil sa totoo lang, wala naman talagang trabaho dun gusto nya lang atang guluhin ang buhay ko lalong lalo na ang puso ko.

Ako na ang maghahatid sakanya pauwi. Makakaalis ka na. "saad ni Justin".

Sige po. "saad ni kuya at naglakad na paalis".

Hindi na ako naka apila ng hilahin na ako ni Justin palabas ng building.

Hwag mo namang pabayaan ang sarili mo Sophia, isipin mo naman ang kalusugan mo hindi yung puro ka na lang trabaho. "saad nya ng makasakay kami sa kotse".

Hindi ko na lang sya pinansin, hahaba lang ang usapan.

Pagdating namin sa apartment agad akong bumaba sa kotse at nagpasalamat.

Teka lang Sophia. "saad nya"

Naglakad sya palapit sa akin at niyakap nya ako ng mahigpit.

Imissyou. "bulong nya sa tainga ko at binigyan nya ako ng halik sa noo".

Biglang pumasok sa isip ko ang mga halik ni sir Adrian. Bakit parang feeling ko nagtataksil ako?

Wala kayong label, remember ikakasal na sya!

Hindi ko na lang iyon pinansin at pumasok na ako sa loob.

Dumiretsyo ako sa kwarto at humiga sa kama. Ngayon lang ako nakaramdam ng pagod, unti unti na akong hinila ng antok.

Mag aalas tres na ng hapon ng magising ako. Sobrang dami pala ng naitulog ko. Bumangon ako sa kama at dumiretsyo sa kusina.

Ilang araw din akong nawala, hindi ako nakapag grocery. Kumuha na lang ako ng delata.

Pagkatapos kong kumain, nagligpit at naglinis ako sa buong bahay. Nang makapagpahinga ay dumiretsyo na ako sa banyo para maligo.

Natigilan ako ng makita ko ang nakasuot na kwintas sa leeg ko. Tinanggal ko iyon at itinago sa bag ko.

Hindi ako nararapat sa kwintas na yan. Bukas na bukas din ay ibabalik ko ito sakanya.

Kahit na si Agatha ang naging dahilan kaya nasira ang relasyon namin ni Justin, hinding hindi ko gagawin ang ginawa nya sakin noon.

Kinabukasan maaga akong naghanda papasok sa trabaho dahil kailangan kong ibalik ang kwintas na ibinigay ni sir Adrian.

Paglabas ko ng apartment, nagulat ako ng makita ko si Justin sa labas.

Goodmorning Sophia, ihahatid na kita sa trabaho mo. "masayang saad ni Justin".

Naglakad ako palapit sa kinaroroonan nya.

Diba sinabi ko na sa iyo na hindi na tayo tulad ng dati, hindi mo na pwedeng gawin ito Justin. Mahihirapan ka lang sa ginagawa mo. "saad ko at nilagpasan na sya".

Magtataxi na lang ako. "sigaw ko".

Sophia, teka lang! Nagkataon lang talaga na pumunta ako dito dahil may imimeet ako ngayon at madadaanan ko itong apartment mo. "saad nya at tumakbo palapit sakin".

Humarap ako at tinitigan ko sya ng masama.

Sige, last na to wag mo ng uulitin. "saad ko at nauna ng pumasok sa kanyang kotse".

Hindi na lang ako umapila dahil hahaba lang ang usapan at pangungulit nya.

Hindi ako pwedeng magsayang ng oras dahil baka hindi ko maabutan si sir Adrian. Pumupunta lang sya sa mga Sullivan pagkatapos babalik na sya sa mga Zabala.

Pagdating namin sa kompanya ng mga Sullivan, agad akong nagpasalamat kay Justin at dali daling bumaba ng kotse.

THE HEARTLESS BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon