CHAPTER 37

34 0 0
                                    

CHAPTER 37




Pagkatapos ng mahabang oras na byahe ay nakarating rin sa wakas. Dali dali akong bumaba sa trickle nang maibaba ni manong driver ang aking mga dala. Iniwan ko muna sa labas ang mga gamit ko at patakbo akong nagtungo sa bahay.

Nagulat ako nang makitang naka lock ang pinto. Kinakabahan ko itong kinakatok habang tinatawag ang pangalan ni nanay. Natigil ako sa pagkatok nang lumapit si Aling Marta isa sa kapitbahay namin at kumare ni nanay.

Aling Marta, alam mo ba kung saan nagtungo sina nanay? Nakalock kasi ang pinto ng bahay at hindi ko sila macontact. "nanginginig ang boses kong saad".

Nandito ka na pala iha. Iniwan sa akin ng nanay mo itong susi sa bahay nyo at nagsabi sya na ibigay ko sayo ito kapag nakauwi ka na. "saad ni Aling Marta at ibinigay ang susi ng bahay sa akin".

Saan po ba sila pumunta Aling Marta? "kinakabahan kong tanong".

Magdadalawang linggo na silang wala iha. Kasama nilang umalis ang gwapong lalaki na naghahanap sayo noon, yung may magarang sasakyan at mukhang artista. "saad ni Aling Marta".

Si sir Adrian?

Nagulat ako sa tinuran ni Aling Marta. Umalis sila nanay kasama si sir Adrian? Bakit? "nagtataka kong saad sa aking isip".

Hindi na ako natutuwa sa nangyayari. Hindi nya pwedeng idamay ang pamilya ko sa kalokohan nya. Lalong lalo na at ganon pa ang kondisyon ni tatay.

Nagpasalamat ako kay Aling Marta at dali daling binuksan ang pinto ng bahay. Pagpasok ko agad kong kinuha ang phone ko at in-on iyon.

Nanginginig kong dinial ang numero ni sir Adrian kahit labag sa loob ko na tawagan sya. Naalala ko ang sinabi nya sa akin noon sa Isla Fuego na kaya nyang pumatay ng tao kapag hindi nasunod ang kagustuhan nya. Hinding hindi ko sya mapapatawad kapag may ginawa syang masama sa pamilya ko.

Unang ring pa lamang ay sinagot na nya iyon na para bang hinihintay nya talaga ang pagtawag ko. Nanginginig ako habang hawak hawak ang aking phone, hindi ako makapagsalita.

Yes? "matapang nyang sagot sa kabilang linya na akala mo ay hindi nya alam ang rason kung bakit ako tumatawag sa kanya".

Kung galit ka sa akin dahil iniwan kita nang walang pasabi pwes sa akin ka lang magalit, hwag mong idamay ang pamilya ko! "dire diretsyo kong saad sa kanya".

You left me and you hurt me again, so you must face the consequences sweetheart. "seryosong saad nya sa kabilang linya".

Consequences? Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit kita iniwan? Buntis si Agatha at ikaw ang ama ano sa tingin mo ang mararamdaman ko? "garalgal ang boses kong saad kasabay ng pagtulo ng aking luha".

You know where to find me. "saad nya at pinatay na ang tawag".

Dinial ko ulit ang kanyang numero pero hindi ko na sya macontact. Sunod kong dinial ang numero ni Amy at Janice pero hindi ko pa rin sila macontact hanggang ngayon. Ano bang nangyayari?

Biglang pumasok sa isip ko ang mga nangyari noon sa Isla Fuego ang sunod sunod na putok nya ng baril at ang nanlilisik nyang mga mata. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa sobrang kaba.

Ako ang sinaktan nya ng sobra pero bakit ako ang pinapaparusahan nya ng ganito?

Dahil sa dami ng iniisip, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sofa dahil siguro sa sobrang pagod at matinding pag aalala. Gustuhin ko man na umalis na agad at bumyahe papuntang Maynila pero hindi ko kaya dahil bigla kasi akong nakaramdam ng panghihina.

Matamlay akong naglakad patungo sa kwarto at nanghihinang humiga sa kama. Gusto kong makabawi muna ng sapat na lakas para harapin ang lalaking iyon. Hinding hindi ko sya mapapatawad kung may nangyaring masama sa pamilya ko.

THE HEARTLESS BILLIONAIREWhere stories live. Discover now