CHAPTER 7

48 0 0
                                    

CHAPTER 7




Gabi na sa labas ng hospital ng magising ako. Tinitigan ko si tatay na mahimbing pa ring natutulog.

Tay, gumising kana namimiss ko na ang mga nakakatawa mong kwento sakin. 'saad ko at hinaplos ang mukha ni tatay'.

Tatayo na sana ako mula sa pagkaka upo ng biglang bumukas ang pinto.

Anak dinalhan kita ng makakain mo, pagkatapos mong kumain umuwi ka muna sa bahay. Hinahanap ka ni Raul at Angelo. 'saad ni nanay'.

Sige nay, namimiss ko na rin ang dalawang yun. 'nakangiti kong saad'

Pagkatapos kong kumain, nagpaalam na ako kay nanay at tatay.

Pagdating ko sa bahay, agad akong sinalubong ng yakap nina Raul at Angelo.

Lalong gumaganda ang Miss universe namin ah! Imissyou ate. 'saad ni Raul'.

Ate bakit dimo kasama si kuya Justin? 'saad ni Angelo'.

Natigilan ako sa tanong na yun ni Angelo. Paano ko ba sasabihin sa.kanila na wala na kami ng kuya Justin nya. Close kasi sila sa isat isa, nagkakasundo sila sa lahat ng bagay, sya pa talaga ang tinanong nya gayong ako itong kapatid nya.Tsk!

Masaya kaming nagkuwentuhan ng mga kapatid ko nang gabing yun kahit na masakit ang mga loob namin dahil sa kalagayan ni tatay.

Kinabukasan

Nagulat ako sa tawag ni nanay, nagising na raw si tatay. Dali dali akong naghanda para makapunta na sa hospital. Si Angelo at Raul nasa trabaho na, si Jessa tulog pa kaya mag isa akong pumunta.

Pagdating ko sa hospital halos liparin ko na ang pinto sa kwarto ni tatay, agad akong lumapit kay tatay, nakatingin lang sakin ng diretsyo si tatay hindi nagsasalita. 'nagulat ako dahil wala man lang syang reaksyon'.

Tay! Ako to si Sophia! 'niyugyog ko si tatay'.

Miss Alegra, dahil sa pagkakaroon ng stroke ni tatay ay paralisado na ang buo nyang katawan. 'saad ng doctor'.

Ang stroke ay isang mabilisang pagkawala ng paggana o mga tungkulin ng utak dahil sa pagkaantala o pagkakaroon ng hadlang sa daloy ng dugo papunta sa utak. Bilang resulta, hindi makagawa ng tungkulin ang apektadong bahagi ng utak, na humahantong sa hemiplehiya o kawalan ng kakayahang maigalaw ang sariling isa o marami pang mga sanga (bisig, paa, kamay, hita at iba pa) ng katawan sa isang gilid, kawalan ng kakayahang umunawa o makalikha ng salita. 'pag e-explain ng doctor sa harap ko'.

I'm sorry Mrs Alegra, excuse me po. 'saad ng Doctor kay nanay at umalis na'.

Napaluha ako hindi ako makagalaw, hindi pumasok sa utak ko ang mga sinabi ng doctor. Niyakap ako ni nanay kaya ako napahagulgol.

Wala naman kaming magawa, kundi tanggapin na lang ang kalagayan ni tatay, nagpapasalamat na lang kami sa dyos dahil kahit papano buhay si tatay.

Pagkalipas ng ilang araw, pwede na naming iuwi si tatay, sabi ng doctor sa bahay na lang namin alagaan si tatay.

Pero nagulat ako sa sinabi ng doctor na nabayaran na daw lahat ng bills namin. Paano nangyari yun?

Nagkasagutan pa kami ng nurse na nasa front desk dahil gusto kong bayaran mismo ang bills namin pero pinipilit nyang hindi ko na pwedeng bayaran dahil nabayaran na raw tapos ayaw pa nyang sabihin kong sino ang nagbayad. Ang weird lang kasi.

Hanggang sa makauwi kami, iyon pa rin ang bumabagabag sa isipan ko.

Naging emosyonal ang mga kapatid ko ng sabihin ko ang kalagayan ni tatay, sobrang sakit pero kailangan tanggapin dahil maswerte pa rin kami kasi hindi hinayaan ng dyos na mawala sa amin si tatay.

Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa sunod sunod na katok sa pinto, nang buksan ko ang pinto nagulat ako sa itsura ni aling Marites na pawis na pawis at hinihingal.

Aling Marites anong nangyari sainyo? 'tanong ko'.

Sophia! May gwapong lalaki sa kanto tyaka may magarang sasakyan, hinahanap ka nya kaya dali dali akong tumakbo papunta dito. 'dire diretsyong saad ni Aling Marites".

Ano?!! 'nagulat ako'.

Agad na pumasok sa isip ko si sir Adrian, kung tama ang hinala ko na sya yun bakit sya nandito? 'takang tano ko sa isip'.

O di kaya si Justin yun?

Tama nga ang hinala ko, kulay pa lang ng sasakyan nya kilalang kilala ko na. Hinawi ko ang mga taong nakapalibot sa sasakyan nya,sya naman parang tutang nagtatago sa loob ng kotse.

Kinatok ko ang salamin ng kanyang kotse.

Thank God! 'saad nya'.

Lumabas si sir Adrian sa kotse dahilan para magbulungan ang mga chismosa naming kapitbahay.

Ang gwapo!

Para syang bida sa pelikula!

Sobrang bango pa!

Yayamanin na yummp pa.

Ang ganda ng kotse!

Napahawak na lang ako sa ulo. Jusko

Anong ginagawa nyo dito Mr.Zabala? 'takang tanong ko'.

Let's get out of here first. 'saad nya patingin tingin pa sa mga chismosa naming kapitbahay'.

Hanggang ngayon umaasta pa rin syang boss ko.Tsk!

Get in my car! 'sigaw nya'.

Hindi ako susunod sayo, ikaw ang sumunod sakin Mr.Zabala! 'sagot ko'.

Tinalikuran ko sya at nagsimula ng maglakad pabalik ng bahay, agad naman syang sumakay sa kanyang kotse at sinundan ako.

Ano ba kasing ginagawa nya dito?
Dahil pa rin ba sa trabaho kaya sya nandito?

Hinintay ko syang makababa sa kotse nya at pinapasok na sa bahay, nakakairita na kasi ang mga kapitbahay sa labas.

Upo po kayo. 'saad ko at minwestra ko ang upuan'.

Pasensya na po kayo maliit lang tong bahay namin kompera sa condo at mansyon nyo.'saad ko'.

I don't care Miss Alegra. "saad nya at tinitigan ako ng mariin".

Buti na lang talaga wala si nanay at mga kapatid ko ngayon siguradong pag nakita nila si sir Adrian uulanin nila ako ng tanong.

Sinundan nyo po ba ako dito para pilitin na naman akong pabalikin sa trabaho? Hindi mo ba talaga ako naiintindihan Mr.Zabala?'saad ko'.

Wala man lang syang reaksyon sa sinabi ko. Bakit ba kasi ako nagtanong syempre nandito sya para sa trabaho.

Nagulat ako ng bigla syang tumayo, malalaki ang hakbang nyang lumapit sakin. Hinila nya ako at niyakap ng mahigpit.

Anong ginagawa nya?

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko, nagulat ako sa ginawa nya.

A-nong g-ginagawa n-yo? 'nauutal kong tanong sakanya'.

Kumalas sya mula sa pagkakayakap at mariin nya akong tinitigan sa mga mata.

I should be the one to ask you that. What did you do to me Miss Alegra? 'seryoso nyang saad'.

You know what?I don't care if you resign. I can hire a new secretary if i want, but since you left the company I've been thinking of you everyday. I don't know what's going on with me.

Please come back..

Nagulat ako sa tinuran nya, hindi mag sink in sa utak ko lahat ng sinasabi nya. Is this real?

THE HEARTLESS BILLIONAIREWhere stories live. Discover now