CHAPTER 16

42 0 0
                                    

CHAPTER 16




Kinagabihan kinatok ako ni Alena sa kwarto para sa dinner.

Miss kung handa na po kayo sumunod po kayo sakin. "ani Alena".

Nagtaka ako ng magtungo kami ni Alena sa dalampasigan. Anong gagawin namin dito, akala ko ba kakain kami? "pagtataka ko".

Teka Alena saan tayo pupunta? Akala ko ba dinner na? "tanong ko".

Hindi na sinagot ni Alena ang tanong ko ng mapahinto kami sa paglalakad. May lamesa at dalawang upuan, may kandila rin na nagsisilbing ilaw at ang daming nakahandang pagkain.

Anong meron? "tanong ko".

Umupo na po kayo mayamaya lang ay darating na po si sir Adrian. Maiwan ko na po kayo Miss. "saad ni Alena at naglakad na pabalik ng mansyon".

Hampas ng alon lang ang naririnig sa paligid, sariwang hangin at ganda ng mga bituing nagkikislapan sa langit. Bakit dito kami kakain?

Naputol ang aking pag iisip ng biglang dumating si sir Adrian at umupo sa harapan ko. Naamoy ko agad ang kanyang pabango.

Kahit naka loose trouser sya, puting long sleeve at flip flops ay umaangat pa rin ang kagwapuhan nya. Napakasimple lang ng kanyang suot pero sumisigaw na ito ng karangyaan.

Pinili ko namang isuot ang terno short na tribal prints, sa lahat ng mga damit na inihanda ni Alena ito lang ang nagustuhan ko.

Binasag nya ang katahimikan.

Let's eat. "saad nya".

Kukuha na sana sya ng pagkain ng pigilan ko sya. Inisa isa ko ang mga pagkaing nakahanda, may beef steak, vegetable salad, sweet and spicy tuna pasta, buffalo wings at grilled fruit. Tinikman ko sila isa isa wala namang kakaiba, natawa naman si sir Adrian sa reaksyon ko.

Ngayon ko lang nasilayan ang mukha nya kapag tumatawa, totoo ba ang nakikita ko o baka imahinasyon ko lang?

Don't worry Miss Alegra. I'm not stupid to prepare food that will trigger my allergies. "nakangisi nyang saad".

Naninigurado lang Mr.Zabala. "mataray kong sagot".

Hindi daw eh kinain nga nya ang pagkain na binigay ni Mr. Alvaro sakanya, di man lang tinanong kung ano ang mga sangkap nun. Kung hindi ko tinikman yun malamang patay ka na. "galit na saad ko sa isip".

Then let's eat. "seryoso nyang saad".

Kanina lang ngumingiti sya tapos ngayon bumalik na naman sya sa pagiging suplado nya, mas maayos pa naman syang tignan pag nakangiti hindi yung ganyan na palaging nakakunot ang noo.

Bago ako kumain, gusto ko po sanang tanungin kung bakit dito nyo naisipang mag dinner? Malawak po ang dining area sa pagkakaalam ko? "tanong ko".

I like it here. ''saad nya habang naglalagay ng wine sa kanyang baso".

Napaka romantic naman kasi, sa ganitong sitwasyon mag kasintahan lang ang pwedeng gumawa nito.

Naalala ko si Mr. Alvaro.

Bakit po hindi natin kasama si Mr. Alvaro? ''tanong ko".

Halatang nagulat sya sa tanong ko, tumigil pa sya sa pagnguya at tinitigan ako ng masama. May mali ba sa tanong ko? bakit ganyan sya maka react?

He probably left, why are looking for him? "kunot noo nyang tanong".

Sya ang may ari ng isla na ito kaya dapat kasama natin sya ngayon. "saad ko".

He doesn't own anything here. I own this island, I just hired him as my engineer. "saad nya".

Nagulat ako sa sinabi nya. Kung ganon sya ang may ari nitong isla pati na ang maganda at malaking mansyon na ito? Kaya pala sinabi ni Mr. Alvaro sakanya na pwede nyang dalhin si Agatha dito pagkatapos ng kasal nila. "mapait akong ngumiti".

Kung ganon, anong ginagawa namin dito sa isla nya? Ano ang silbi ko dito kung wala naman pala syang kasososyong imi-meet dito? "galit kong saad sa aking isip".

Alvaro manages the island because I have never been to it. I'm a busy person and you know that.

I fired him because the hardest part of my job is being nice to stupid people. "may diin nyang saad".

Stupid?

Sinong stupid ang tinutukoy nya si Mr. Alvaro ba?Paanong naging stupid ang matanda sakanya? Hindi kaya tungkol ito sa pagkaing inihanda ni Mr. Alvaro kagabi?

Naalala ko ang una naming tagpo ni Mr. Alvaro. Nagflashback sa utak ko ang reaksyon nya ng makita nya ako. Naweirdohan ako sa inasal nya.

I don't want to lose my appetite, so don't mention his name. "mariin nyang saad at nilagok ang isang baso ng wine".

Hindi na lang ako nagsalita at nilantakan ang beef steak.

Nabasag ang aming katahimikan ng mag ring ang cellphone ni sir Adrian. Dali dali nya itong kinuha mula sa kanyang bulsa.

Yes Agatha? "saad nya at bigla na lang syang tumayo at naglakad palayo mula sa kinaroroonan ko".

Natatanaw ko sya sa malayo habang kausap si Agatha sa kabilang linya. Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit bigla na lang akong nawalan ng ganang kumain.

Hindi ako makatingin sakanya ng makabalik sya sa kanyang upuan, hinihiwa ko lang ang steak mula sa plato ko pero hindi ko iyon kinakain.

Don't play with your food Miss Alegra. "saad nya".

Sorry Mr .Zabala busog na kasi ako. Mauna na po ako sa loob. "saad ko".

Nakatitig lang sya sakin ng masama, hindi ko na lang iyon pinansin at dali daling naglakad pabalik ng mansyon.

Pagdating ko sa kwarto, padabog kong isinara ang pinto.

Bakit ba ako naiinis?

Ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot na kama. Antok dalawin mo ako dahil baka mabaliw ako kakaisip kung bakit ako naiinis ng ganito.

Bakit ba kasi ako ang dinala nya dito? bakit hindi na lang si Agatha. Kung trabaho ang ipinunta namin dito bakit hindi nya ako bigyan ng trabaho wala naman akong ginagawa dito.

Kinabukasan

Wala akong ganang bumangon, ang sakit ng ulo ko dahil madaling araw na ako nakatulog kagabi.

Pinipilit kong ipikit ang mata ko para makatulog ulit ng mag ring ang cellphone ko. Walang gana kong dinampot ito mula sa bedside table.

H-hello? "inaantok kong saad".

SOPHIA!!!

Biglang akong nabuhayan ng dugo dahil sa lakas ng boses ni Justin sa kabilang linya.

Justin?Anong problema? "gulat kong tanong".

Ako dapat ang nagtatanong sayo ng ganyan Sophia. Nag aalala ako sayo ilang araw ka ng wala sa apartment mo pati sa trabaho mo? Nasaan ka? "ani nya sa kabilang linya".

Nasa business trip ako Justin, teka nga bakit ka nagagalit? Kailangan ko bang ireport sayo lahat ng ginagawa ko? "galit kong saad sakanya".

So you mean kasama mo yang Adrian na yan!? Sabihin mo lang sakin kung pinapahirapan ka nya dyan. "saad nya".

Wag ka nang mag alala, trabaho ang ginagawa ko dito kaya ayos lang ako. "saad ko at pinatay na ang tawag".

Wala akong ganang humiga ulit sa kama. Hindi na ako makatulog dahil sa tuloy tuloy na pagtawag ni Justin kaya agad kong in-off ang phone ko.

Nakakainis!

Wala ba talaga kayong balak bigyan ako ng katahimikan? Pare pareho talaga kayong mga lalaki.

THE HEARTLESS BILLIONAIREWhere stories live. Discover now