CHAPTER 2

56 0 0
                                    

CHAPTER 2




Pag uwi ko sa tinitirhan kong aparment, agad kong dinial ang numero ni Justin.

Nagriring lang hindi nya sinasagot, galit na galit na talaga sya sakin, anong gagawin ko? "padabog akong nahiga sa kama".

Nagkakilala kami ni Justin noong magbakasyon ang family nya sa probinsya namin.

Una naming tagpo fiesta sa barangay noon, yan kasi ang uso sa mga probinsya. Pagbalik nya dito sa manila sumama ako sakanya para maghanap ng trabaho.

Kung ano anong trabaho na din napasukan ko bago pa ako naging secretary ni sir Adrian. Nasanay akong mag isa kahit nandyan sya dahil may sarili akong tinitirhan. Ayaw ko munang makisama sa kanya dahil priority ko ang pamilya ko. Ayaw ni Justin ang ganong set up kaya lagi kaming nag aaway, dumagdag pa itong trabaho ko.

Kahit pumunta nga sa condo nya hindi ko magawa dahil sa trabaho ko, ayaw naman nyang pumunta dito sa apartment ko dahil lagi naman akong busy, sa labas na nga lang kami nagkikita napupurnada pa.

Hindi na ako magtataka kung isang araw magsawa na sya sakin at iwanan ako.

Mapait akong ngumiti.

Pagpasok ko kinabukasan tulala akong napa upo sa table ko.

Mukhang hindi maganda ang gising mo ah mukha kang panda' sinong pumuyat sayo kagabi? 'nakangiting tanong ni Janice'.

Magreresign na ako "sagot ko bigla naman syang nagulat".

Ano???????????
Bakit anong dahilan????

Gusto ko ng mag asawa at magkaroon ng anak. "saad ko biglang tumawa si janice".

Gaga, seryoso ka ba sa sinasabi mo?
Papayag naman kaya ang mainiting ulo ni Mr. Zabala?

Wala naman syang magagawa, kung iyon ang desisyon ko. "saad ko".

Kung magreresign ka, wala na syang mahahanap na katulad mo . Alam mo namang parang dragon kung magalit yun. "saad ni Janice".

Pagdating ng Lunchbreak, wala akong gana dahil hindi pa rin sinasagot ni Justin ang tawag ko.

Natapos ang meeting kasama si sir Adrian ng 5pm at pauwi na ako ng maisipan kong tawagan si Justin, pupuntahan ko sya sa kanyang condo.

Naka limang ring iyon, hindi nya pa rin sinasagot ang tawag ko.

Naisipan kong puntahan na lang sya sa condo at sorpresahin.

Bumili ako ng wine para sa aming dalawa, hindi ako papasok bukas bahala na kung magalit ang boss ko.

Ayokong nag aaway kami ni Justin kaya kahit pagod ako sa work, pupuntahan ko sya ngayon.
Pagdating ko sa unit nya agad kong nilagay ang passcode at agad na binuksan ang pintuan.

Pero nagulat ako ng makita kong may nakakalat na mga damit pambabae sa sahig, kaya bigla akong kinabahan.

Ahhhhh, don't stop!

Bigla akong kinilabutan, nanginginig na ako sa sobrang kaba, sinundan ko ang halinghing na nang gagaling sa kwarto at lumapit ako sa pintuan.

Yesss babe! harder please! ughhhh!

Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako sa aking nakita.

Parehong hubot hubad si Justin at ang babaeng nakapatong sa harap nya, nagsimulang bumuhos ang mga luha ko sa aking nasaksihan. Nanginig ang buong katawan ko dahilan para mabitawan ko ang wine na hawak ko.

Pareho silang natigilan sa ginagawa at sabay na napalingon sa kinaroroonan ko, biglang tumayo si Justin.

Bago pa man sya makalapit sakin, tumakbo na ako palabas ng condo, hindi pinansin ang kanyang pagtawag sa aking pangalan. Wala ako sa sariling pumara ng taxi.

Pagdating ko sa aparment agad kong nilock ang pinto at unti unting nag padaosdos sa hamba ng pintuan.

Umiyak ako ng malakas, hindi na ako makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Magdamag akong umiyak.

Kinabukasan

Wala akong gana sa lahat, mugto ang aking mata. Hindi alam ang gagawin. Hindi ako makapaniwalang magagawa sakin ni Justin yun,sobra nya akong sinaktan.

Maya maya lang ay may kumakatok sa labas.

Sophia, buksan mo ang pinto mag usap tayo! Please babe! "malakas na sigaw ni Justin sa labas, sinusuntok nya ang hamba ng pintuan, pilit nyang binubuksan".

Hndi ako makagalaw, naghahari ang galit sa kalooban ko. Gusto ko syang sigawan, sampalin pero hindi ko kayang tignan ang pagmumukha nya, hindi ko kaya. "napaiyak ako".

Tuloy tuloy pa rin ang pagsuntok ni Justin sa pintuan, tinakpan ko ang tenga ko gamit ang dalawang kamay ko.

tama na, umalis ka na! "nanginginig kong bulong sa sarili".

Maya maya unti unti ng nawala ang ingay sa labas. Napapikit ako, umiiyak ako ng mahina ng biglang magring ang cellphone ko, si sir Adrian ang tumatawag.

Bigla ko syang sinisi sa lahat, nagsawa na rin siguro si Justin sa kakaintindi sakin dahil sa sitwasyon ko.

Galit na galit ako. Galit na galit ako sakanilang lahat!

Walang hinto ang cellphone ko sa pagriring hanggang sa namatay at mawalan ng baterya.

Bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob.
Dali dali akong pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos kong magbihis agad naman akong pumara ng taxi.

Pagdating ko sa opisina, dire diretsyo lang ang lakad ko patungo sa office ni sir Adrian. Tinginan lahat ang mga empleyadong nandon.

Sophia, bakit ngayon ka lang? Bakit namumugto yang mga mata mo? "nag aalalang tanong ni Janice".

Hindi ko sya pinansin at dire diretsyong binuksan ang pinto sa opisina ni sir Adrian.

Bulung bulungan lahat ng tao sa opisina, dahil walang pwedeng pumasok sa office ni sir Adrian ng wala syang pahintulot.

Nagulat si sir Adrian ng makita ako, sa mata kong namumugto ang unang nyang napansin.

Nabaling ang tingin nya sa suot ko, dahil nakapangbahay lang ako at hindi ako nakasuot ng pormal.

What's wrong with you Sophia? "galit nyang tanong at tumayo mula sa pagkaka upo".

Lumapit ako sakanya at kinuha ko ang puting sobre mula sa bag ko at nilapag sa harapan nya.

Kunot noo syang napatitig sa table nya kung saan ko nilapag ang resignation letter ko.

Magreresign na ako "saad ko at tinalikuran ko na sya, natigilan ako sa paglalakad ng bigla syang sumigaw".

Sophia! What the hell are you doing?"galit nyang saad"

Hindi ko yun pinansin at dali daling lumabas ng opisina, inayos ko lahat ng mga gamit ko sa table ko at hindi ko na pinansin si Janice sa mga pagtatanong nya at tuluyan na akong umalis".

THE HEARTLESS BILLIONAIREWhere stories live. Discover now