CHAPTER 19

43 0 0
                                    

CHAPTER 19



Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.

Bumangon ako ng matanaw ko si sir Adrian sa labas na naka boxer shorts. Natuon ang atensyon ko sa triceps at biceps nya, bakit kaya napaka perpekto ng taong ito?

Dumadaloy ang tubig sa kanyang katawan pababa sa kanyang abdominal muscles.

Nang umulan ng kakisigan nasalo nya ata lahat eh.

Natigilan ako ng bumagsak ang mata ko sa ibabang parte ng katawan nya. Bigla kong isinara ang bintana

Dahil sa paglalakbay ng utak ko sa labas hindi ko namalayang pumasok si Alena sa kwarto.

Miss pinapabigay po ito ni sir Adrian. "saad ni Alena at inabot sakin ang isang paper bag".

Thankyou Alena. "saad ko".

Nagulat ako ng makita ko ang laman ng paperbag, ibat ibang kulay ng mga bikini ang nandon. Bakit nya ako binigyan ng mga ganito? hindi naman ako nagsusuot ng ganito.

Napansin ko na may card sa loob kinuha ko iyon at binasa.

"I think the red one  looks good in you".

Gusto nya bang isuot ko yung red na bikini?Baka nakakalimutan nyang nandito ako para sa trabaho hindi para sa bikini fashion show.Tsk!

Sumilip ako sa bintana, tumingin sya sa gawi ko. Nakaupo sya sa sun louger at nakangisi.

Napatalon akong lumayo sa bintana. Ano naman bang trip nya?

Pagkatapos kong maligo, bumaba ako at tinungo ang swimming pool. Umupo ako sa katabing louger malapit sa kinaroroonan nya.

Kung gusto nyang mangtrip ngayon, sasabayan ko sya.

Sinipat nya ako mula ulo hanggang paa. Nagulat siguro sa suot ko, sinadya ko talaga yun para inisin sya.

Nakasuot kasi ako ng maxi dress na balot na balot sa katawan ko. Akala nya siguro susundin ko ang gusto nya.

Don't you like what I gave you Miss Alegra? "seryosong tanong nya".

Sorry, hindi po ako nagsusuot ng bikini, hindi ako sanay na nagpapakita ng balat. "saad ko".

Tsk! Acting like a virgin huh? ''bulong nya".

Tumaas ang dugo ko sa sinabi nya, tumayo ako mula sa pag kaka upo at humarap sakanya.

Bakit naman ako aarteng birhen Mr.Zabala? May patunay po ba kayo na hindi na ako birhen kaya nyo nasabi yan? "galit kong saad".

I'm just kidding. You're too serious about everything. "natatawang sagot nya".

Wag kayong magsasalita na parang alam nyo ang lahat dahil wala kayong alam! "sigaw ko".

Tatalikuran ko na sana sya ng bigla nyang hinila ang kamay ko patungo sa swimming pool dahilan para bumagsak kaming dalawa sa tubig.

Nakahawak na sya ngayon sa magkabilang braso ko, itinulak nya ako sa gilid ng pool, umatras naman ako hanggang sa pader na lang ang inaatrasan ko. Itinukod nya ang dalawa nyang kamay para ikulong ako sa kanyang mga braso.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa.

Then enlighten me Miss Alegra. Prove it to me. "saad nya habang nakatitig sa mata ko".

Bumaba ang kamay nya sa bewang ko.

Nanginig ako sa sobrang kaba dahil sa ginagawa nya. Lalo na nung ilapit nya ang katawan nya sa sa akin.

Halos maramdaman ko na ang umbok nya sa baba na sumasagi sa tyan ko dahil sa sobrang lapit nya sakin.

Bumaba ang titig nya sa labi ko. Dahan dahan nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko kaya napapikit ako.

Parang tumigil ang ikot ng mundo ko ng bigla nya akong halikan. Siniil nya ako ng halik, hindi ako nakagalaw.

Marahas ang mga halik na iginawad nya sa akin dahilan para ako ay manghina. Gusto ko syang itulak pero hindi ko magawa.

Para akong nahipnotismo ng ibuka ko ang bibig ko para salabungin ang pagpasok ng kanyang dila. Napa ungol ako dahil sa sensayong nararamdaman. Ipinulupot ko ang kamay ko sakanyang leeg para gawing suporta.

You're turning me on. "saad nya".

Bumaba ang halik nya sa leeg ko pababa sa dibdib ko.

Nangibabaw ang sarap na nararamdaman ko ng hawakan nya ang dibdib ko habang hinahalikan nya ako sa leeg. Napapikit ako at napaungol.

Ipinasok nya ang kamay nya sa suot kong dress para tanggalin ang strap ng bra ko ng bigla ko syang itinulak ng malakas.

Bakas sa mukha nya ang pagkagulat.

Bigla akong bumalik sa huwisyo. Ngayon ko lang napagtanto ang kababalaghang ginagawa namin ngayon.

Niyakap ko ang katawan ko, hindi ako makatingin ng diretsyo sakanya. Kasalanan ito sa dyos dahil nakatakda na syang ipakasal kay Agatha.

Bigla akong nabuhayan, umahon ako mula sa swimming pool at dali daling tumakbo patungo sa loob ng mansyon.

Tulala ako ng makapasok ako sa banyo. Ano itong nagawa ko? Bakit ako nagpatianod sa mga halik at haplos nya? Ano na lang ang iisipin nya na isa akong easy to get na babae?

Ang gaga mo Sophia...

Hindi ako lumabas ng kwarto, dumating na ang dinner hindi pa rin ako gumalaw sa kinahihigaan ko.

Ayokong lumabas. Ayokong magpakita sakanya.

Nagpabalik balik sa isip ko ang pangyayaring iyon kanina. Ang mga haplos at halik nya hindi mawala sa isipan ko! Mababaliw na ata ako.

Focus lang Sophia..

Manloloko ang Adrian na yan kayang kaya nya ring gawin yan sa ibang mga babae, nagawa nya iyon sayo kahit alam nyang ikakasal na sya.

Manloloko!

Pero nagpatianod ako, yun ang problema! Ang gaga ko!

Nagdasal ako na sana matapos na ang dalawang linggo para makauwi na ako. Gusto ko ng lumayo sakanya, ayoko ng makita ang pagmumukha nya at baka kung ano pa ang magawa ko.

Baka hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko.

Simula nung sundan nya ako sa probinsya, hindi na matahimik ang isipan ko. Ginulo na nya ang buhay ko.

Bakit mo ba ginagawa ito sa akin Mr.Zabala? Bakit ako? Hindi ka na tuloy maalis sa isip ko.

THE HEARTLESS BILLIONAIREWhere stories live. Discover now