CHAPTER 24

46 1 0
                                    

CHAPTER 24






Matamlay akong gumising kinaumagahan, sobrang sakit ng ulo ko. Kumaripas ako ng takbo patungong banyo.

Nanghihina akong humiga sa kama. Tinignan ko ang oras late na ako sa trabaho.

Kinuha ko ang celphone ko sa bed side table at dinial ang numero ni Amy.

Nagulat ako sa sigaw ni Amy sa kabilang linya.

Sophia! Nasan kana? Late kana sa trabaho, hinahanap ka ni Mr. Sullivan. "sigaw ni Amy".

Si sir Alfonso? Bakit? "nagtatakang tanong ko".

Hindi, yung anak na Sullivan. Si sir Justin hinahanap ka! "ani Amy".

Pakisabi na lang na hindi ako papasok ngayon sa trabaho, masama ang pakiramdam ko Amy.

Sige, ako na lang ang bahalang magpaliwanag kay sir Adrian kung sakaling hanapin ka rin. Magpahinga kana at hwag mong kalimutang uminom ng gamot. "ani Amy".

Sige Amy. Salamat! "saad ko at pinatay na ang tawag".

Hindi pa pala nila alam na wala si sir Adrian, sino na ang mamamahala sa mga Sullivan kung ganon? "takang tanong ko sa isip".

Napangiwi ako ng maalala ko si sir Adrian. Nagflashback sa utak ko ang huli naming pag uusap. Ito naman talaga ang gusto kong mangyari, ang iwasan nya ako, pero bakit pa ako nasasaktan ng ganito?

Naalala ko ang mga sinabi ni Janice kagabi, mapait akong ngumiti. Isiniksik ko ang mukha ko sa unan at tuluyan ng napahikbi.

Pinilit kong bumangon para maligo. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa paglilinis.

Natapos ko na ang lahat ng gawain pero hindi pa rin ako nakakaramdam ng pagod dahil sa dami ng iniisip. Nagpasya akong lumabas muna at bumili ng mga stock na pagkain.

Habang nasa mall ako, napansin kong parang may nagmamasid sakin. Bigla akong kinabahan, nagpalinga linga ako sa paligid pero wala namang kakaiba.

Binalewala ko na lang iyon at dali daling pumasok sa grocery store, kumuha ako ng cart ng mapansin ko ang lalaking nakatingin sakin. Nakasuot ito ng black suit. Base sa itsura ng lalaki mukha itong body guard o hitman sa mga action movies.

Kinabahan ako, tumaas ang mga balahibo ko sa katawan. Iba kasi ang titig ng lalaki sakin, may kinakausap pa ito sa telepono.

Dali dali akong naglakad, itinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga bilihin.

Pagkauwi ko, iyon pa rin ang laman ng isip ko. Hindi mawala sa utak ko ang imahe ng lalaking iyon.

Kinagabihan hindi ako makatulog, nakatitig lang ako sa celphone ko na para bang may hinihintay na tawag. Pumunta ako sa contacts at binura ang numero ni sir Adrian.

Nagflashback lahat ng nangyari nung nasa Isla Fuego kami. Yung mga yakap nya na sobrang higpit, yung pagmumura nya sa tuwing nag aalala sya. Yung halik nya, yung amoy ng pabango nya, yung ngisi nya, yung pagkukunot ng noo na palagi nyang ginagawa. God!

Napahikbi ako, pinipilit kong wag umiyak pero tuloy tuloy pa rin ang pag agos ng mga luha ko sa tuwing pumapasok sya sa isip ko.

Akala ko magiging okay ako pero hindi pala, palagi ko syang itinataboy sa tuwing nandyan sya. Nagsisisi ako na sana sinunod ko na lang ang puso ko na mahalin sya at hindi ang utak ko na nagsasabing layuan sya.

Sana pinanghawakan ko ang sinabi nyang mahal nya ako, hindi na sana ako nasasaktan ng ganito.

Limang buwan na ang nakakalipas pero walang Adrian ang nagpakita. Halos araw araw maaga akong pumapasok sa trabaho dahil nag babaka sakali ako na makita sya, kahit magmura sya okay lang basta makita ko sya at masabi ko na ang totoong nararamdaman ko sakanya.

THE HEARTLESS BILLIONAIREWhere stories live. Discover now