CHAPTER 26

50 0 0
                                    

CHAPTER 26




Masama ang pakiramdam ko ng magising ako kinabukasan. Pinilit kong bumangon para maghanda na para sa pagpasok ko sa trabaho dahil kailangan kong ipasa ang report na ginawa ko kagabi.

Tagatak ang pawis ko gayong malakas naman ang aircon ng taxi na sinasakyan ko. Ramdam ko ang init sa buong katawan ko.

Nahihilo man ay diretsyo pa rin akong naglakad papasok ng building ng mga Sullivan. Napahawak ako sa ulo ko ng makasakay ako sa elevator, sumasakit na ngayon ang ulo ko na hindi ko maipaliwanag.

Goodmorning Sophia! Pinuntahan ka ba ni sir Justin kagabi? Pasensya ka na sya lang naman ang alam kong makakatulong sayo. "ani Amy".

Thanks Amy. "matamlay kong sagot".

Kinuha ko ang folder na nasa lamesa ko at dire diretsyong naglakad sa opisina ni sir Adrian ng bigla akong hilahin ni Amy.

Teka lang, ayos ka lang ba? Namumutla ka, sobrang init mo! "ani Amy ng hawakan nya ako sa noo".

Okay lang ako. "saad ko".

Hindi ka okay, ano ka ba! Umuwi ka na ako na ang bahalang magsabi kay sir Adrian. Tatawagan ko si sir Justin para maihatid ka. "nagmamadaling saad ni Amy".

Amy hwag na. Ayos lang ako mayamaya mawawala na rin to. "pagkukumbinsi ko kay Amy".

Nginitian ko na lang si Amy bago nagpasyang pumasok sa opisina ni sir Adrian.

Dire diretsyo ang lakad ko patungo sa table ni sir Adrian. Abala sya sa kanyang binabasa ni hindi man lang sya umangat ng tingin sakin.

Excuse me Mr. Zabala. "saad ko at nilapag ang folder sa kanyang lamesa".

Napaubo ako kaya naagaw ko ang kanyang atensyon. Ibinaba nya ang papeles na binabasa at tumingin sa gawi ko.

Nagtama ang mata naming dalawa. Nawala ang pagkukunot noo nya ng matitigan nya ako, nababakas ko sa kanyang mukha ang pag aaalala.

Hindi sya nagsasalita, nakatitig lang sya sakin kaya nagpaalam na ako sa kanya at nagpasya ng umalis ng bigla akong nakaramdam ng matinding pagkahilo.

Unti unti nang lumalabo ang paningin ko. Hindi ko na kaya ang sakit ng ulo ko, nanginginig na rin ang mga tuhod ko dahilan para mawalan ako ng balanse at bumagsak sa sahig.

Unti unti ng pumipikit ang mga mata ko, pero bago pa man ako tuluyang mapapikit ay naaninag ko si sir Adrian na lumapit sa akin at nag aalala.

Ang pagtawag lang nya ng aking pangalan ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay.

Sophia!

Pagkagising ko nagulat ako sa kinaroroonan ko, puro puti lahat ng nakikita ko. Nasa langit na ba ako? Iginala ko ang paningin ko sa paligid ng mapansin ko ang nakakabit na dextrose sa kamay ko. Napagtanto kong nasa hospital ako.

Bumangon ako ng bigla kong maramdaman ang konting kirot sa ulo ko. Hindi na sya masyadong masakit hindi tulad kanina, hindi na rin masyadong mataas ang lagnat ko.

Naalala ko ang nangyari bago ako mawalan ng malay. Si sir Adrian kaya ang nagdala sa akin dito sa hospital?

Naputol ang aking pag iisip ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa iyon si Justin. Nagulat sya ng makita nya ako at halos patakbo nya akong nilapitan.

Thank God gising kana, kamusta ang pakiramdam mo? Nag alala ako ng husto. "ani Justin at niyakap ako".

Nasaan sya? Kung sya ang nagdala sa akin dito sa hospital bakit wala sya ngayon?

THE HEARTLESS BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon