CHAPTER 9

40 1 0
                                    

CHAPTER 9





Hindi ako makatulog ng gabing yun,hindi parin maalis sa isip ko lahat ng mga sinabi nya.

Inuuto ka lang ng boss mo, sino ka ba naman para pag aksayahan nya ng panahon,baka nakakalimutan mo na may kailangan lang sya sayo.'saad ng aking isip'.

Kinabukasan

Nagising ako dahil sa lakas ng boses ng nasa labas, dali dali akong bumangon kahit inaantok pa.

Puro na lang pangako,pangako!.Kung wala kayong pambayad, umalis na kayo sa bahay na ito! Pasalamat ka nga Linda binigyan pa kita ng pagkakataon! 'sigaw ng matandang babae sa labas'.

Nay, anong nangyayari? 'saad ko'.

Oh eto na ba ang anak mong nakabingwit ng mayaman sa Maynila? Bakit hindi ka humingi ng pera sakanya mayaman pala ang nobyo eh! 'nakapamewang na saad ng matanda'.

Baka naman po pwedeng makipag usap ng hindi nakasigaw? May trabaho po ako sa Maynila at hindi po ako umaasa sa kahit na sino. 'matapang kong sagot'.

Talaga ba ineng? Kung ganon naman palang maganda ang trabaho mo sa Maynila bakit isinanla ng nanay mo ang bahay nyo? Ilang taon na syang hindi nakakabayad ni singkong duling kaya umalis na kayo dito wala na kayong karapatan sa bahay na ito!

Nagulat ako. Napatingin ako kay nanay, kinokompirma kung totoo ba ang sinasabi ng matandang babae sa harap ko.

Yumuko lang si nanay bilang pagsang ayon. Paano nangyari yun? Wala man lang akong kaalam alam?

Nang mapakiusapan ko ang matanda ay agad din syang umalis, problemado akong humarap kay nanay.

Pasensya anak kung hindi ko sinabi sayo, ayoko lang kasing madagdag pa yun sa alalahanin mo. 'umiiyak na saad ni nanay'.

Karapatan ko po yun bilang anak nyo nay. Nagsusumikap akong magtrabaho para sainyo, sarili ko ngang kaligayahan hindi ko na maibigay sa sarili ko eh. Tiniis ko ang ilang taong pagtatrabaho para lang guminhawa ang buhay natin pero ganito pala ang mangyayari? Paanong nainsanla nyo ang bahay? sapat naman ang ibinibigay kong pera para sainyo?'hindi ko na napigilang umiyak'.

Bakit nagawa pa ni nanay iyon samantalang sobra sobra naman ang perang pinapadala ko sakanila buwan buwan. Sa laking halaga na iyon hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng pamabayad. Wala na akong trabaho ngayon.

Akala ko oras na para isipin ko naman ang sarili ko pero hindi pa pala.

Nagkulong lang ako sa kwarto. Wala akong gana sa lahat, kotang kota na ako sa problema. Una yung sa amin ni Justin, pangalawa itong nangyari kay tatay, pangatlo itong bahay na isinanla ni nanay. Mababaliw na ata ako.

May trabaho si Angelo at Raul, pero hindi sapat ang mga sweldo nila para mabayaran ang utang. Masyadong malaki yun, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Naalala ko si sir Adrian.
Galit pa naman yun sakin nung huli kaming mag usap, pinagtabuyan ko sya kaya nakakahiya naman atang lumapit sakanya para sabihing gusto kong bumalik sa trabaho. Hays!

Nagflashback sa utak ko ang lahat ng mga pinagsasabi ko sakanya. Nakakahiya!

Hahanap na lang ako ng ibang paraan, babalik na lang ako sa maynila para maghanap ng ibang trabaho. Kailangan ko ulit magsakripisyo para sa pamilya ko.

Kinagabihan nag usap kami ni nanay sa plano kong bumalik ng maynila, kailangan kong tanggapin ang nangyari dahil naawa ako kay nanay. Wala namang ibang makakaintindi sakanya kundi kami lang na mga anak nya. Masakit sakin na inilihim nila ang nangyari pero wala na akong magagawa dahil tapos na. Lahat naman kaya kong gawin para sakanila eh, ngayon pa ba ako susuko? Mahal na mahal ko sila. Hindi na ako maghahanap ng ibang magpapasaya sakin dahil sila pa lang sapat na.

THE HEARTLESS BILLIONAIREWhere stories live. Discover now