CHAPTER 6

49 1 0
                                    

CHAPTER 6




Hindi ako makatulog ng makauwi ako, naalala ko ang ginawa ni sir Adrian sakin. Nilagtas nya ako sa lalaking yun pero hindi man lang ako nakapagpasalamat sakanya, naunahan ako ng galit dahil sa mga sinabi nya.

'Is this what you want to do,kaya ka umalis sa trabaho'.

Nagpaulit ulit sa isipan ko yung sinabi nya. Baliw ba sya para sabihin yun.

Kung ibang babae ang nasa kalagayan ko nung iligtas nya ako, malamang mamamatay na yun sa kilig. Hindi ko mararamdaman iyon dahil alam ko namang mabait lang sya sakin dahil gusto nya akong bumalik sa trabaho.

Yes sophia yun lang ang dahilan wag ka ng mag isip pa.

Inaamin ko nung una ko syang makita sa trabaho, namangha ako sa kagwapuhan nya. Sinabi ko pa nga sa sarili ko noon na ang swerte swerte ko dahil ako ang naging secretary nya.

Pero nag iba ang tingin ko sakanya dahil sa ugali nya. Sobrang gwapo, sobrang pangit naman ng ugali.

Kinaumagahan
Maaga akong nagising, naglinis ako sa apartment, pampaalis bagot kesa naman magmokmok at masaktan sa taong wala namang kwenta.

Mag a-alas dose na ng matapos ako, naglaba na rin kasi ako at nagluto ng pagkain.

Hindi naman ako makakain dahil nalalasahan ko parin ang margarita sa lalamunan ko.Argh! pumasok na lang ako sa banyo para maligo.

Paglabas ko ng banyo, kinuha ko ang cellphone ko dahil kanina pa nagriring. Si nanay ang tumatawag.

Hello nay kamusta na? 'masaya kong sabi'.

Sophia anak..

Nanginginig ang boses ni nanay sa kabilang linya, bigla akong kinabahan.

Nay okay lang po ba kayo? 'kinakabahang tanong ko'.

Anak ang tatay mo nasa hospital! 'humagulgul si nanay sa kabilang linya'.

Nanginig ang buong katawan ko, napa upo ako sofa.

Ano? Bakit nay? Anong nangyari kay tatay! 'garalgal ang boses kong tanong'.

Kanina pumunta ako sa bukid para dalhan ng hapunan ang tatay mo nakita ko na lang syang nakahandusay. Sabi ng doctor heatstrocke daw at over fatigue. 'mangiyak na ngiyak na saad ni nanay'.

Tuluyan ng tumulo ang luha ko, ini-imagine ko ang itsura ni tatay habang nakahiga sa hospital bed.

Sinabi ko na nga kasi na wag na syang magtrabaho eh, nagbibigay naman ako ng sapat na pera para sainyo bakit kailangan nya pang magpakahirap sa bukid.

Hindi pa namin alam kung kelan magigising ang tatay mo anak, 'saad ni nanay'.

Uuwi po ako. 'saad ko'.

Kung uuwi ka paano ang trabaho mo dyan anak?

Nagresign na po ako sa trabaho, ikukwento ko na lang po ang dahilan pagdating ko dyan nay. Pagkatapos naming mag usap ni nanay agad agad akong nag ayos ng mga gamit ko.

Please lord, wag nyo po sanang pabayaan ang tatay ko.

Alas otso ng gabi na ako nakasakay ng bus papuntang probinsya. Hinintay ko pa kasing makauwi si Janice galing trabaho dahil nagpahatid ako sakanya sa terminal.

Pagkalipas ng maraming taon makakauwi na rin ako sa amin, malungkot nga lang ako dahil uuwi ako dahil sa kalagayan ni tatay.

Madaling araw na akong nakarating sa probinsya, nakakapanibago walang maraming saksakyan sa daan. Napakatahimik.

Sumakay ako ng trickle papunta sa bahay,para akong bumabalik sa nakaaran habang nadadaanan namin ang mga nagsasayawan mga puno,mga ibat ibang tanim sa paligid. Nasa probinsya na nga talaga ako. Napakasarap langhapin ang sariwang hangin na tumatama sa mukha ko.

Pagkababa ko ng tricle halos mapaiyak ako ng makita ko na ang bahay namin,parang nagflashback lahat nung mga bata pa kami habang naglalaro sa bakuran namin, tinatawag naman kami ni nanay para sa tanghalian. Nakakamiss!

Ate Sophia! 'tuwang tuwa si Jessa na sinalubong ako ng yakap'.
Sobrang namiss ka po namin ate! 'saad ni Jessa'.

Sobrang miss na miss ko na rin kayo Jessa, ang laki na ng itiningkad mo ah! Dalagang dalaga na ang bunso namin. 'niyakap ko sya ng mahigpit'.

Mana sayo ate na maganda 'humagikgik pa si Jessa'.

Tinulungan ako ni Jessa sa mga bagahe ko, malaki na ang pinagbago ng bahay namin di na tulad ng dati. Ipinaayos ko ito gamit ang sinusweldo ko sa trabaho.

Ate si nanay nasa hospital binabantayan si tatay, sina kuya Raul at Angelo naman nasa trabaho. 'saad ni Jessa'.

Dadalawin ko si tatay, papauwiin ko na rin si nanay para makapagpahinga. 'malungkot kong saad'.

Pagod kapa sa byahe ate magpahinga kana muna. 'si Jessa'.

Okay lang ako Jessa gusto ko ng makita si tatay.

Pagdating ko sa hospital, diretsyo lang ang lakad ko patungo sa kwarto ni tatay, dahil nasabi na ni Jessa lahat ng impormasyon bago ako umalis kanina.

Binuksan ko ang pinto sa kwarto ni tatay, halos manlumo ako sa itsura nya hindi ko na napigilan ang luha ko.

Napalingon si nanay sa gawi ko, tumayo sya at napaluhang niyakap ako ng mahigpit.

Anak! "ani nanay".

Namiss ko ng sobra ang panganay ko.' saad ni nanay'.

Kumain ka na ba anak? Dapat nagpahinga ka na muna sa bahay bago ka pumunta dito. 'malumanay na saad ni nanay'.

Okay lang po ako nay, gustong gusto ko na pong makita si tatay. 'saad ko'.

Lumapit ako kay tatay, hinawakan ko ang kamay nya at hinalikan ko sya sa noo.

Tay, matulog ka lang po ng mahimbing, magpalakas po kayo. Nandito lang po ako, hindi po ako aalis sa tabi nyo. 'saad ko kay tatay'.

Nay umuwi na muna kayo, magpahinga po kayo. Ako muna ang magbabantay kay tatay. 'saad ko'.

Anak kakauwi mo lang, pagod ka sa byahe kaya ikaw dapat ang magpahinga baka mabigla ang katawan mo. 'lumapit si nanay sakin at hinawakan nya ako sa kamay'.

Nay, ok lang po ako marami na po akong pahinga simula ng nagresign ako sa trabaho. 'saad ko'.

Mas mabuti na nga yun anak para makapagpahinga ka naman, maraming taon ka na ring nagsakripisyo para sa amin lalong lalo na sa mga kapatid mo. Awang awa na nga ako sayo anak pagpasensyahan mo kami ng tatay mo anak. 'napaluhang saad ni nanay'.

Nay wag nyo ng isipin yan, karapatan ko yun bilang anak nyo at bilang panganay sa aming magkakapatid. 'niyakap ko si nanay ng mahigpit'.

Sige na nay umuwi kana, ako na muna magbabantay kay tatay. "pagkukumbinsi ko kay nanay".

Niyakap muli ako ni nanay ng mahigpit bago magpaalam na umuwi.

Pinagmasdan ko si tatay, hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako sa tabi nya hawak hawak ang kamay nya.

THE HEARTLESS BILLIONAIREWhere stories live. Discover now