CHAPTER 12

44 0 0
                                    

CHAPTER 12





Makalipas ang ilang bwan na pagtatrabaho ko sa mga Sullivan, unti unti ko ng nababayaran ang utang namin kahit papano.

Sa ngayon palaging wala si sir Alfonso sa trabaho kaya nag aalala ako, wala akong masyadong ginagawa sa opisina kaya baka maapektuhan pa ang trabaho ko.

Nasagap mo na ba ang bali balita sa opisina Sophia? "tanong ni Amy".

Nandito kami ngayon ni Amy sa coffee shop sa tapat lang ng building. Dito kasi kami nagpapalipas ng oras kapag breaktime.

Wala, hindi naman ako chismosa. "saad ko".

Hindi daw chismosa? kung tungkol naman sainyo ni sir Justin ang chismis ikaw pa ang unang nakakaalam! "sagot nya".

Kalat na kasi sa buong kompanya na may kakaiba sa amin ni Justin dahil sa palagi nya akong pinupuntahan at kinukulit sa trabaho.

Malamang ako ang pinag uusapan nila eh, Ikaw naman puro ka kalap ng ibabalita! 'saad ko'.

Alam mo kasi, mainit init ngayon ang bagong chismis. Nalulugi na raw ang kompanya ng mga Sullivan kaya ang mga Zabala na raw ang mamamahala ng kompanya. Kung mangyayari man yun mawawalan na tayo ng trabaho. "ani Amy".

Natigilan ako sa mga sinabi nya. Kaya ba laging wala si sir Alfonso sa kanyang opisina? Kung mawawalan ako ng trabaho paano na ako makakabayad sa utang namin sa probinsya? Malapit ko ng mabayaran lahat tapos ganito pa ang mangyayari?"saad ko sa aking isip".

Pagbalik namin sa opisina, iyon pa rin ang laman ng isipan ko. Kung totoo man ang balitang yun bakit wala man lang sinasabi si Justin sakin tungkol dun. Hindi ko naman sya nakikitang problemado, sa katanuyan nga lagi syang masaya kapag nandito sya. Ayoko naman syang tanungin dahil wala naman akong karapatan. Naalala ko si Janice, kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at dinial ang numero nya.

Nakadalawang ring iyon bago sagotin ni Janice ang tawag ko.

Hello Sophia!
Long time no call, busy masyado sa work? "ani Janice".

Medyo, pero wala akong masyadong ginagawa ngayon dahil wala pa ang boss ko. Bakante ang oras ko ngayon dahil natapos ko naman ang mga dapat kong taposin. Anong balita dyan Janice?"saad ko".

Kailangan bang ibalita ko pa sayo mga ganap dito? Maniniwala na akong may gusto ka talaga sa dati mong boss, umamin ka nga sakin Sophia? "natatawang saad ni Janice sa kabilang linya".

Baliw gusto ko lang malaman kung totoo ba ang balita dito na papalitan ng mga Zabala ang pamamahala sa kompanya ng mga Sullivan."kinakabahan kong tanong".

Ang alam ko hindi sa papalitan kundi sila na ang bibili. Sila na ang bagong may ari dahil ginive up na ni Mr.Sullivan ang komapanya nila dahil pabagsak na raw ito nabalewala lahat ang malaking share ni sir Adrian sa kompanya nila. Nagkada utang utang daw ang mga Sullivan sa ibang mga kompanya, buti nga gusto pang bilhin ni sir Adrian ang kompanya nila eh."ani Janice"

Natigilan ako, paano na kaming mga empleyado dito na umaasa lang sakanila? Paano na ako?"matamlay kong pinatay ang cellphone ng makapagpaalam na kay Janice".

Wala akong gana ng makauwi, matamlay akong napaupo sa sofa, feeling ko pagod na pagod ako ngayon kahit wala naman akong masyadong ginawa, hindi na ata ako nawawalan ng problema. Kinuha ko ang remot control sa table at binuksan ang TV, manunuod na lang ako baka sakaling dalawin ako ng antok.

Tinatamad akong pumasok sa trabaho kinabukasan, inantok pa ako dahil madaling araw na ako nakatulog sa dami ng iniisip.

Sophia! Bilisan mong maglakad dyan pinapatawag tayo ng bagong CEO sa conference room. "ani Janice".

THE HEARTLESS BILLIONAIREWhere stories live. Discover now