CHAPTER 14

44 0 0
                                    

CHAPTER 14



Wala sana akong balak pumasok ngayon pero baka isipin pa nya na nagdamdam ako sa sinabi nya sakin kagabi.

"Just forget about everything I said before".

Paulit ulit kong naririnig iyon sa isip ko kahit na anong pilit kong kalimutan, naaalala ko pa rin.

Nagpapasalamat ako na hindi sya pumunta sa opisina ngayon dahil abala sya sa iba nyang mga trabaho. Pero marami syang iniwang gagawin, mas mabuti na yun kesa nakikita ko sya dito baka mabaliw pa ako kakaisip kung paano ko sya iiwasan.

Wala kang nararamdaman sakanya Sophia itatak mo yan sa kokote mo. 'pagkukumbinsi ko sa aking sarili'.

Pagdating ng lunchbreak nasa coffee shop kami ni Amy.

Alam mo Sophia, uso ang fix marriage na yan sa mga mayayaman lalo na sa mga kasosyo nila sa trabaho, para lalong lumago ang mga negosyo nila. Mayaman din kasi ang mga Dela Merced,pera pera lang yan noh! Ang pangit ng ganon ano? Wala silang karapatang pumili ng papakasalan nila.'ani Amy'.

Chismosa ka talaga. Alam na alam mo ang lahat ng yan bilib na talaga ako sayo. 'natatawang saad ko kay Amy'.

Totoo yun. Wala ka talagang kaalam alam pati pagbo-boyfriend siguro hindi mo pa nararanasan noh?Oh di kaya totoong lover boy mo si sir Justin? Bakit ka naglilihim sakin?'pagtataray na saad ni Amy'.

Dahil chismosa ka!'nagtawanan kaming dalawa'.

Nagpeprepare ako ngayon ng report para sa annual meeting ng biglang dumating si sir Adrian.

Bigla na naman akong kinabahan, kapag nakikita ko sya nakakaramdam na ako ng kakaiba. Hindi naman ako ganito dati.

Diretsyo lang syang naglakad patungo sa kanyang office, hindi nga nya pinansin ang mga empleyadong bumabati sakanya.

Suplado.

Dumating ang uwian, hindi pa sya lumalabas sa opisina nya simula ng dumating sya kanina. Hindi pa ba sya uuwi?

Parang may sariling isip ang mga paa kong naglakad patungo sakanyang opisina. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan, nakaupo sya sakanyang swivel chair nakataas ang ulo at nakapikit.

Tulog ba sya?

Maingat akong naglakad papasok. Tambak ang mga trabaho nya sa lamesa, siguro sa sobrang pagod hindi na nya napigilan ang antok.

Hindi ko alam kung bakit naisipan ko syang lapitan, naka cross arm kasi sya baka nilalamig? Kinuha ko ang coat nya na nasa sofa at dahan dahan kong ibinalot sa katawan nya, ng bigla nyang hinila ang kamay ko. Nalaglag ang panga ko sa pagkakagulat, nakatingin na sya sakin ngayon kunot ang noo, pumikit ako.

What are you doing?'seryoso nyang saad'.

Nakakahiya!

Ang lapit lapit pa naman ng mukha ko sakanya. Akala ko ba kasi tulog sya?

Kinabahan ako ng magtama ang aming mga mata. Nakakailang ang pwesto naming dalawa dahil nakapatong ako sakanya, hinila nya kasi ako kaya napahiga ako sa katawan nya. Nakahawak naman ang isa nyang kamay sa bewang ko.

Nakatitig lang sya sa akin ,hanggang sa bumaba ang tingin nya sa labi ko. Bumilis ang tibok ng puso ko, unti unti nyang inilapit ang mukha nya sakin, napapikit ako.

Laking gukat ko ng bigla syang tumayo, para akong nagising sa mahabang pagkakatulog dahil sa ginawa nya, muntik na akong matumba buti na lang nabalanse ko ang katawan ko. Kinuha nya ang coat nya na nahulog sa sahig at malalaki ang hakbang nyang lumabas ng opisina.

THE HEARTLESS BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon