CHAPTER 22

41 0 0
                                    

CHAPTER 22




Pagpasok ko, halos takbuhin ko ang pinto ng opisina ni sir Adrian. Kinakabahan ako pero hindi ko na lang iyon pinansin, kailangan kong ibalik ang kwintas at baka hindi ko pa sya maabutan ngayon.

Walang alinlangan kong pinihit ang seradora ng pinto, pagbukas ko nagulat ako sa aking nakita.

Nakahiga si sir Adrian sa sofa at nakapatong naman si Agatha sakanya.

Hindi ko mapangalanan ang nararamdaman, biglang bumalik ang sakit sa dibdib ko nung araw na makita ko sila ni Justin sa ganyang pwesto.

Mas masakit, halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Gusto kong umalis pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Dahil sa panginginig ng tuhod ko muntik na akong matumba kaya napahawak ako sa seradora ng pinto dahilan para maagaw ko ang atensyon nila.

Napamulagat ako ng magtama ang mata naming dalawa ni sir Adrian, nangingilid ang luha ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Bakas sakanyang mukha ang pagkagulat, dali dali syang tumayo at itinulak si Agatha.

What the hell! ".sigaw ni Agatha at lumingon sa kinaroroonan ko".

Hindi ka ba marunong kumatok?!

Kunot ang noo at nanlilisik ang kanyang mga mata, nagtitigan kaming dalawa.

Hindi nya ba ako natatandaan?

Sorry po. "saad ko at dali daling lumabas".

Nanginginig akong umupo sa desk ko.

Sophia! Nandito kana, namiss kita bruha ka! Magkwento ka naman about sa business trip nyo ni sir Adrian. "nakangiting saad ni Amy at umupo sa tabi ko".

Wala namang interesting, gusto mo bang magkape tara libre ko. "saad ko at hinila ko na si Amy palabas ng building".

Teka Sophia! Anong meron? Himala naman yatang ililibre mo ako, okay ka lang ba? Bakit nanginginig ang mga kamay mo? "nagtatakang tanong ni Amy".

Hindi ko na lang sya pinasin at nauna ng naglakad papunta sa coffee shop.

Pagdating namin dun, hindi pa rin mawala kay Amy ang pagtataka.

I think hindi kape ang kailangan mo baka mas lalo ka lang kabahan, grabe yang panginginig mo ano bang nangyayare sayo? "ani Amy".

Wala, wag mo nga akong pansinin. Nagugutom lang ako. "saad ko at kinalma ang sarili".

Ako nga grabe ang panginginig ko kanina, nanginginig ako sa galit. "nanggigigil na saad ni Amy".

Bakit? "tanong ko".

Gusto kong sabunutan yang fiancee ni sir Adrian eh, sobrang arte! Ang sarap ingudngod sa pader. "galit nyang saad".

Napangiti na lang ako sa sinabi ni Amy. Umorder ka na lang dyan. "saad ko".

Unti unti ko namang kinalma ang sarili.

Wala ako sa sarili ng makabalik kami ni Amy sa opisina. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa harap ng computer.

Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, ng makita ko kung sino ang nasa caller ID ay agad akong kinabahan.

Mr.Zabala calling......

Agad kong pinatay ang phone ko, kinakabahan akong tumayo at naglakad patungo sa washroom.

Nakatingin lang ako sa mukha ko sa harap ng salamin, sobrang pula ng mukha ko kaya naghilamos ako para mahimasmasan ako.

Para tuloy akong lasing nito.

Pagbukas ko ng pinto ng washroom nagulat ako ng mabungaran ko si sir Adrian sa labas. Agad nyang hinila ang kamay ko papasok sa loob at nilock ang pinto.

Anong ginagawa nyo? "nanginginig kong tanong sakanya habang nakayuko".

I just want to explain what happened earlier. Agatha pushed me, we were in that situation when you entered the office. "saad nya".

Nagulat ako ng lumapit sya sakin at itulak nya ako sa hamba ng pintuan at hawakan sa magkabilang braso.

I don't want to hurt you so I explain everything. "seryoso nyang saad".

Matagal bago maproseso ng utak ko ang mga sinabi nya. Itinulak ko sya, bakas sakanyang mukha ang pagkagulat.

Hindi nyo po kailangang magpaliwanag. Fiancee nyo po yun at walang masama dun. "saad ko at tinalikuran sya".

Pipihitin ko na sana ang seradora ng pinto ng matigilan ako sa sinabi nya.

I know you're hurt. Don't pretend as if nothing happened. "malumanay nyang saad".

Dahan dahan akong humarap sakanya. Nanginginig ako at kinakabahan pero nag ipon ako ng lakas ng loob para sagutin sya.

Kalimutan nyo na lahat ng mga sinabi ko noon sa Isala Fuego, seryoso ako. "diretsyo kong sagot".

Tatalikuran ko na sana ulit sya ng hilahin nya ako at hawakan ang magkabilang braso ko.

How can I forget that if that was the best thing that ever happened to me? "nangingilid ang luha nyang saad".

Tama ba ang nakikita ko? Puno ng sakit at pighati ang nababasa ko sa kanyang mga mata?

Mahal ko ang lalaking ito pero kung patuloy ko syang mamahalin mas lalo lang akong masasaktan.

Kinuha ko ang kwintas mula sa aking bulsa, Hinawakan ko ang kamay nya at nilagay iyon sa palad nya.

Ito ang dahilan kaya ako pumasok sa opisina nyo kaninang umaga. Ibabalik ko sana ito sainyo, hindi po ako karapat dapat sa kwintas na yan. "saad ko at dali daling umalis dun".

Paglabas ko ay sya namang pagtulo ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Matamlay akong pumara ng taxi ng mag uwian. Nagpapasalamat ako dahil kahit papaano hindi ko nakita ang sasakyan ni Justin ngayon.

Wala akong oras para sa mga pangungulit nya.

Hindi ako makatulog ng gabing iyon. Hindi nawala sa isip ko ang mga nangyari.

Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito sakin? Naalala ko sina nanay kamusta na kaya sila?

Miss na miss ko na sila.

THE HEARTLESS BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon