CHAPTER 10

37 1 0
                                    

CHAPTER 10





Mahirap maghanap ng trabaho lalo na sa isang kompanya dahil lahat ng posisyon okupado na. Nagsisi tuloy akong nagresign sa trabaho, wala din naman akong napala kundi nganga.

Naalala ko ang sinabi ni Justin dati na kukunin nya akong secretary sa kompanya ng mga magulang nya. Bakit naman naalala ko pa yun? Hindi naman pwedeng magtrabaho ako dun, kapal naman ng mukha ko. Niloko nya ako tapos hihingi pa ako ng tulong sakanya.por pabor

Naputol ang aking pag iisip ng biglang may kumatok sa pinto. Tumayo ako para buksan iyon, natigilan ako ng makita kung sino ang nasa labas. Anong ginagawa nya dito?

Speaking of the devil.

Sophia..
Thanks God youre here! "lumapit sya sakin at niyakap nya ako ng mahigpit".

Ilang araw na kitang tinatawagan pero hindi kita macontact, hindi ko na mabilang kung ilang mensahe na ang ipinadala ko sayo pero wala ka pa ring paramdam. Araw araw akong pumupunta dito, lagi kang wala. What happened to you Sophia? "Saad nya".

Kumalas ako sakanya mula sa pagkakayakap at tinitigan ko sya ng masama.

Baka nakakalimutan mo na tapos na tayong dalawa. Hindi ko na obligasyong sagutin ang tawag at messages mo, lalong lalo na wala ka ng karapatang malaman kung ano ang ginagawa o pinupuntahan ko. "matapang kong sagot".

Hindi ko mapigilang mag alala sayo, nagkamali ako Sophia pero hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita. Matagal ko ng tinapos ang relasyon namin ni Agatha ikaw ang mahal ko."hinawakan nya ang kamay ko at pinisil pisil iyon".

Wag ka ng mag explain Justin okay na ako ngayon. Kaibigan na lang ang pwede kong maibibigay sayo, wala na akong balak makipag balikan. "malumanay kong sagot".

Sophia.. hindi mo na ba ako mahal huh!? Sabihin mo muna sakin na hindi mo na ako mahal! "sigaw nya".

Hindi na. "sagot ko".

Walang pag aalinlangan ko iyong sinagot. Ramdam ko ang pag iiba nya ng ekspresyon.

Pinapatawad na kita kaya sana kalimutan na natin ang nangyari, kalimutan na natin lahat. Marami akong gustong gawin para sa pamilya ko kaya wala na akong time para sa ganyang mga bagay. "nakangiting saad ko sakanya".

Nag resign ka sa trabaho dahil sakin hindi ba? Dahil sa ating dalawa? Gusto mong magsama na tayong dalawa kaya ka umalis sa trabaho, wag ka ng magsinungaling dahil sinabi lahat ni Janice sakin."saad nya".

Desisyon ko yun noon pero ngayon hindi na, nagsisisi ako na nagresign ako sa trabaho dahil sayo. Ako nga ata ang nakarma sa ating dalawa eh dahil hindi ko na alam kung saan ako makakahanap ng magandang trabaho! Makakaalis ka na Justin. "sigaw ko".

Isasara ko na sana ang pinto ng bigla nya akong pinigilan.

Tutulungan kita, papakiusapan ko si daddy na ipasok ka bilang sekretarya sa kompanya. "saad nya hawak parin ang kamay ko".

Alam mong ayaw na ayaw kong gamitin ang ugnayan nating dalawa para magkaroon ng trabaho. "sagot ko".

Pero wala na tayo hindi ba? Ayaw mo na akong balikan kaya ito na lang ang paraan para makabawi sayo, ako ang dahilan kaya ka nawalan ng trabaho kaya please pumayag kana Sophia. "saad nya".

Hindi ako nakaimik sa mga sinabi nya. May tama nga naman sya pero hindi pa rin ako sang ayon. Kilala ako ng mga magulang nya, mabait ang daddy nya pero ang mommy nya hindi ko kasundo dahil mahirap daw ako para sa anak nya. Ano na lang ang sasabihin nila saakin?

THE HEARTLESS BILLIONAIREWhere stories live. Discover now