CHAPTER 36

30 0 0
                                    

CHAPTER 36






Nang magising ako kinabukasan ay napansin ko ang pag kakataranta ni Tita Amelia. Marami syang nilulutong iba't ibang putahe ng pagkain, nagtataka ko syang nilapitan sa kusina.

Tita ano pong meron? Tulungan ko na po kayo. "nagtatakang saad ko".

Pupunta ngayon si kumare dito kasama si Edward kaya ako naghahanda iha. Ikaw na lang ang magbalot ng fish shanghai at ako na ang bahala sa pagluluto. "ani Tita Amelia".

Kung ganon seryoso pala si Tita Amanda sa kanyang sinabi kagabi na pupunta sila dito. Umupo na ako at sinimulang magbalot ng shanghai, dali dali namang pumasok si Tito Lui sa loob ng bahay.

Amelia handa na ang cottage at videoke, pagkain na lang ang kulang. "ani Tito Lui".

Ihahanda ko na ang mga pagkain mamaya, malapit na akong matapos sa pagluluto. "ani Tita Amelia".

Pagdating nang alas dose ng tanghali ay dumating na sina Tita Amanda. May kasama pa silang dalawang lalaki na nagbubuhat ng mga pagkain na dala nila at nilalagay sa cottage. Sa sobrang dami ng pagkain hindi na ito magkasya sa lamesa.

Dahil nasa tabing dagat kami pinili kong isuot ang shorts shorts at itim na bralette na tinernohan ko ng see through na jacket, balak ko kasing magswimming mamaya.

Napuno ng ingay ang cottage dahil sa malakas na tugtog na nagmumula sa videoke na inihanda ni Tito Lui. Masaya namang nag uusap sina Tita Amelia, Tita Amanda at Tito Lui, nakangiti ko silang pinagmamasdan.

Nawala ang atensyon ko sa kanila nang biglang lumapit si Edward sa akin. Umupo sya sa tabi ko at nakaramdam ako ng pagka ilang.

Hi, nice to see you again. Sophia right? "saad nya".

Tumango naman ako sa kanya at ngumiti bilang tugon.

Do you have a business or a job here? "seryoso nyang tanong habang nakatitig sa akin".

Sa Maynila ako nagtatrabaho pero nagresign na ako, nagbakasyon lang ako dito. "sagot ko habang nakayuko".

Where did you work before?

Secretary ako sa isang sikat na kompanya dati. Zabala's Group Of Companies then lumipat ako sa kompanya ng mga Sullivan. "sagot ko".

Oh, Zabala's Company? Wow, its a pleasure to work in that company why did you resign? "nagtataka nyang tanong".

Ngayon ay napatingala na ako sa kanya sa dami ng kanyang tinatanong. Ayaw ko pa namang pag usapan ang mga Zabala.

Oh, I'm sorry. Ang dami ko na atang tanong. "natatawang saad nya".

Gusto ko lang bigyan ng oras ang sarili ko kaya ako nag resign. Ikaw? Anong work mo sa abroad? "pag iiba ko sa usapan".

Me? Well I have my own power in New York. To make a story short, I'm a hot magnate. "natatawang saad nya".

Nahawa rin ako sa tawa nya kaya nagtawanan kaming dalawa.

You know what? I'm serious about the business I'm handling right now, my business partner is not just anyone, he's scary. "hindi mapigil ang tawa nyang saad".

Scary pala eh bakit ka nakipag partner sa kanya. "natatawa ko ring saad sa kanya".

Because he's a famous business man, feared and admired. "sagot nya at natigilan ako".

Naiwan akong nasa malalim na pag iisip dahil sa kanyang sinabi nang magpaalam syang pumunta kina Tita Amanda para kausapin si Tito Lui.

Nag aagaw na ang kulay asul at kahel sa langit, lasing na lasing na rin si Tito Lui habang nakikipagkwentuhan kay Edward. Abala naman sa pagkanta sa videoke sina Tita Amanda at Tita Amelia. Kaya naisipan kong maligo na lang sa dagat.

THE HEARTLESS BILLIONAIREWhere stories live. Discover now