CHAPTER 28

28 1 0
                                    

CHAPTER 28





Nagulat ako ng igaya ako ni sir Adrian papasok sa isang mamahaling restaurant. Sumalubong sa amin ang mga nakahilerang mga waiter sa gilid. Namangha ako nang makapasok kami sa loob. Paniguradong mayayaman lang ang pwedeng kumain dito. Nahihiya pa akong tumingin sa mga waiter na matamang nagmamasid sa aming dalawa.

Our restaurant is happy to serve you Mr. Zabala. I will take you to the third floor. "saad ng matanda na sa pagkakaalam ko ay manager ng restaurant".

Para akong tutang nakasunod lang sakanilang dalawa pagsakay namin sa elevator. Nahihiya kasi ako dahil sa mga tingin ng mga waiters at waitresses sa paligid.

Out of place ako sa dalawang nasa harapan ko ng makasakay kami sa elevator. Nag uusap kasi sila tungkol sa negosyo, tuwang tuwa ang matanda na makita si sir Adrian lalong lalo na sa personal.

Habang nakikinig si sir Adrian sa mga sinasabi ng matanda ay agad nya akong hinila sa tabi nya, mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko dahilan para mapatingin ang matanda sa amin.

Nagulat ako ng marating namin ang pakay. Nang iwan kami ng matanda ay agad akong hinila ni sir Adrian sa lamesa. Tanaw ko mula dito ang mga sasakyan at building sa labas. Nagmistulang parang mga laruan ang mga sasakyan sa labas dahil sa sobrang liit nilang tignan mula sa kinaroroonan namin. Nandito kasi kami sa pinakamataas na parte ng restaurant. Ang ganda, mas maganda siguro dito kapag gabi.

Pero naagaw ng atensyon ko ang mga nakahandang pagkain sa lamesa. Yung iba hindi ko mawari kung anong klaseng pagkain dahil ngayon ko lang masilayan ang mga ito.

Ang ganda ng view. "masayang saad ko".

Yes. It's beautiful. "saad nya pero nasa akin naman ang tingin nya at wala sa labas".

Lihim akong napangiti.

Iginaya nya akong umupo sa lamesang naka ukopa sa akin.

Let's eat. Before the food gets cold. "ngiti nyang saad".

Nginitian ko naman sya bilang pagsang ayon. Sinimulan kong lantakan ang steamed mussels na nasa harapan ko.

Wait. "saad nya".

Inilapit nya ang mukha nya sa akin at pinunasan nya ang gilid ng labi ko. Ngumiti ako ng pagkatamis tamis sakanya.

Ang daming nakahandang pagkain, pero konti lang ang nakain ko dahil siguro sa sobrang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon.

Nagulat ako ng bigla syang tumayo at pumwesto sa likuran ko. May kinuha sya sa kanyang bulsa at isinuot iyon sa leeg ko.

Ito ang kwintas na binigay nya noon sa akin ngunit ibinalik ko.

If you give it back to me again, I will really throw that. Do you understand? "saad nya".

Oo, Hinding hindi na po. "natatawa kong saad".

Hinila nya ako patayo. Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi at hinalikan nya ako ng mabilis sa labi.

I love you. "saad nya at niyakap nya ako ng mahigpit".

I love you too Adrian. "saad ko at niyakap rin sya ng mahigpit".

Hawak hawak nya ang kamay ko habang naglalakad kami palabas ng restaurant. Hinatid pa kami ng manager sa labas, nakipag picture pa sya kay sir Adrian bago kami sumakay sa kanyang kotse.

Nang makarating kami sa kompanya ay nauna na akong bumaba sa kanyang kotse. Mag isa na akong papasok dahil ayokong makita kami ng ibang mga empleyado na magkasama.

Thankyou sa lunch. Mauna na ako sa loob!"hinalikan ko sya sa pisngi bago ako nagmamadaling pumasok sa opisina".

Alam kong nagulat sya sa ginawa ko pero hindi ko na lang sya pinansin. Natatawa na lang ako habang nakasakay sa elevator.

THE HEARTLESS BILLIONAIREDonde viven las historias. Descúbrelo ahora