7 : Triglycerides

19.5K 738 195
                                    


Ivana

Paminsan minsan ay dinadalaw ko si Luigi sa ospital.

There are times that I wished I didn't resign so that I could help him take care of his aunt. But I cannot. Iba na ang sitwasyon ngayon. I am busy with med school, siya naman ay busy sa ospital. We don't usually have the same vacant time already. Madalas si Dra. Cordova ang kasama niya dahil siya ang may hawak sa kaso ng tita niya and I cannot conplain to that because they are dealing with life. I cannot put myself over a patient's life. Kahit pa kinakain ako ng selos dahil nakikita ko ang mga posts ni Dra. Cordova na magkasama sila ni Luigi.

Late na rin umuuwi si Luigi. I can feel that the relationship we have is loosing its own foundation. Walang nagbago sa pakikitungo niya sa akin. Ganon parin naman, but his time is divided. Madalas na kay Dra. Cordova na ang oras niya. I need to understand. I have to but I cannot disregard the fact that I sometimes believe that he should not give too much time to her.

" Vana, andito ka pala" Umupo sa tabi ko si Jed na may dalang dalawang coke float. Ang isa ay para sa akin.

" Para sa 'yo. Libre mo iyan sa akin dahil top 1 ka sa quiz kanina" He winked. I smiled.

" Bolero. Ikaw din naman" I told him as a matter of fact.

Sabay na kaming nagreview ni Jed para sa exams bukas. Puno ang library, madalas law students ang mga kasabay namin na nagrereview, minsan ay mga nursing students.

I took a rest from reading after an hour and decided to scroll down into my facebook account. Iyun nga lang at sana hindi na lang ako nagfacebook.

It was a picture of Luigi and Dra. Cordova together. Nakangiti silang pareho habang magkatabing nagpicture. At may caption pa na 'soon'

" Patingin nga. Ano iyan?" Echosero talaga ng katabi ko.

" Wala. Magbasa ka na nga diyan. Walang pakialaman diba." I told him. He acted out zipping his mouth.

" Opo. Masusunod po ma'am" Wika niya sabay buklat ng lippincot na binabasa niya.

I scrolled down and read those comments. Karamihan ay galing sa mga kaibigan ni Dra. Mhysty.

And the best couple in town are reunited

Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig

OMG! Kayo na ba ulit?

Uy kailan pa naging kayo ulit?

Haha iba na iyan ha! Kailan na ang kasalan!

Paupdate kami ng status Doc!

Kasalan agad agad.

Napanguso ako sa mga nabasa ko. Hindi nila alam na may Ivana na si Luigi. Pero hindi naman na ako ganon kawar freak para patulan pa sila. Natuto na ako kay Doc Ibarra noon na halos isumpa niya na ako. Pero atleast ninang ako sa lahat ng anak nila ni Doc Ja.

I finished reviewing. Hindi ko namamalayang alas singko na pala ng hapon. I packed my things ready to leave.

" Sabay ka na sa akin." Aya sa akin ni Jed. I looked at my phone. Walang text si Luigi kung kaya't naisip ko na baka busy siya.

" Sige. Salamat" I said. Nagprisinta siyang kunin iyung mga libro ko ngunit tumanggi ako. Sobra na kung pagbibibitbitin ko pa siya ng mga gamit ko.

Nang makalabas kami ng university ay medyo madilim na. Mukhang uulan pa at wala akong dalang payong.

" Tara na. Baka maabutan pa tayo ng ulan" He said. Ako naman ay pumasok na sa kotse niya.

Summer Nightfalls (Completed) [R18]Where stories live. Discover now