10 : Cholesterol

18.9K 628 97
                                    


Ivana

BUSY is the best word to describe the hospital. Iyun naman kase ang nakikita.

Pero kahit gaano pa kabusy ang katao ang ospital, it wouldn't change the fact that the hospital is a home for the  sick people.

" Code Blue! Proceed to the OR" We all heard the announcer speak. Some of my groupmates ran to the OR to help. Hindi na ako sumama pa dahil masyado na silang marami. How many doctors do a single patient needs to live by the way? Kahit isa lang, kung mabubuhay ang pasyente, mabubuhay siya.

But who am I to question death. I've witnessed a lot of it. Manhid na nga ang puso ko sa salitang kamatayan. Pero iba kung mismong lalaking mahal mo ang nakataya. Ayokong magbulagbulagan sa katotohanang posibleng iyon nga ang sakit ni Jed.

Glioblastoma, a cancer of the brain. Surgery at chemotherapy lang ang puwedeng gawin but it wouldn't 100 percent let the patient live. It is a matter of acceptance. Because if I will deny it more, I might lose him in the process.

Vehicular accident- direct OR was the case of the patient. Si Doc Villa ang nakaassign ngayon kaya siya ang nagemergency operate sa pasyente. Craniotomy ang kaso.

The patient was revived but was hooked to mechanic ventilator.

I was doing my usual rounds when I saw Jed coming my way. May dala itong snack.

" Doc Alfonso aga natin lumandi ah" Kantiyaw ni Chin. Napangiti ako. May dala na naman itong pagkain hindi lang para sa akin kundi para sa nurses' station kaya tuwang tuwa si Chin.

" You seem happy today, Love" I said as a matter of fact.

" Always. Everyday, since I've met you" Galing niya magsales talk ah. Napabili ako sa sinabi niya.

Lunch break na din mayamaya at wala naman kaming masyadong gagawin ngayon. It's sunday, madalas hindi nagrorounds ng ganitong oras ang mga consultants namin. They usually come late for rounds during sundays.

" Puwede uwi ko muna misis ko." Wika niya sa mga nurses na nasa station.

" Ay Doc bet! Go lang." Si Chin na naman.

"Padiligan nalang si Doc Vana" Pabulong pa na wika ni Chin sa akin. Buti nalang ako lang nakarinig. 'Tong bunganga talaga ng nurse na 'to, walang preno. I can't just imagine others listening to my rants before. Iyung mga kuwento kong madalas walang silbi. Iyung mga hirit ko na hindi pinapalampas ni Doc Ibarra. Iyung mga kalokohan ko na sinasabayan palagi ni Luigi.

My mind suddenly stopped thinking for a bit. Erase. Bakit na naman napasok ang pangalan ni Luigi.

" Uy patugtog tayo guys. Iyung kanta ni Moira. Paubaya" Suhestyon ni Chin.

Nagpatugtog iyung isang nurse habang si Chin na ang naunang nagbukas ng mga dala ni Jed

" Uy salamat pala Doc. Huwag kang mag-alala, manok kita. Sa pula ako. Give up na ako sa puti. Mapanakit eh. Nang-iwan" Gaga talaga 'tong si Chin.

🎵Saan nagsimulang magbago ang lahat?
Kailan no'ng ako ay 'di na naging sapat?
Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang?
Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal.

Iyung kantang pinapatugtog maslalong binabalik ang nakaraan.

I looked at Jed

" Tara na Love." Aya ko kay Jed.

" Sarap ng pafoods mo doc. Pizza at cake. Noon din ganto ginagawa nung puting manok namin, nong nanliligaw palang" Naglahad ako ng drinks kay Chin.

" Chin babatukan na talaga kita kung di ka pa titigil" Pinanlakihan ko siya ng mata.

Summer Nightfalls (Completed) [R18]Where stories live. Discover now