3 : Creatinine

27.5K 707 27
                                    


Ivana

We tested negative after that incident at the ER.

But few months have passed, still the virus had been spreading all over the country like pit fire.

Nagkakaubusan na ng ICU beds at regular beds sa wards. Pati hallways na hindi namin nagagamit noon ay pinapagamit na ng ospital ngayon. The work force is also decreasing little by little. Nababawasan ang mga nurses dahil kailangan nilang magquarantine. Iyung ibang matatandang nurses ay nagresign na. Even some doctors resigned due to the virus. It was tiring everytime we go on duty.

Every minute counts for us in the medical field. Because we are so busy, paminsan minsan na lang din kami nagkikita ni Luigi. Kapag off niya, duty naman ako. And I don't complain of that. Paminsan minsan din ay naguiguilty ako dahil hindi ko na nasasagot ang mga tawag niya. Parang wala akong boyfriend kung tutuusin. But we both have to understand that situations like this needs deeper sense of patience and understanding. Still, he was the one who always finds time for us.

Nasa neuro ward kase ako. Si Luigi naman ay nasaCovid ward. May mga protocols silang kailangang sundin. They also need to sleep and almost live at the covid building. Bawal silang maexpose sa ward kaya hindi sila puwedeng magrounds sa wards.

Si Mike, ICU nurse ang palagi kong kasama tuwing duty. Buti nalang at may kasama akong lalaki dahil may mga pasyenteng kailangan mo talagang tulungang buhatin.

" Lunch break na muna tayo Avi. Hindi rin naman nauubos ang mga pasyente natin." Aya niya sa akin. He prepared our food on the nurses' dining table.

" Sige sunod ako, tapusin ko lang 'tong feeding ko" I have five patients on NGT ( Nasogastric Tube) feeding. Pang lima ko na 'tong feeding. Pagod na din ako pero kalahating oras palang ang nauubos ko sa buong shift ko. We also have two patients in critical condition. Nakaintubate na at ready for CPR in case magarrest.

Halos tatlong buwan na kaming hindi masyadong nagkikita ni Luigi. Ngayon ko lang narealize na may epekto din pala sa isang relasyon kung hindi masyadong nagkikita at nag-uusap.

After ko magfeed ay naghugas na muna ako ng kamay bago sinamahan si Mike na kumain. We started eating when my phone vibrated. It was Luigi calling. Inangat ko agad iyung tawag niya sa pangalawang ring.

" Hello" I said

" Having lunch with a guy huh. Kailan pa Ivana?" He asked. I roamed my eyes around to look for him. He is definitely here.

" San ka? I thought you're at the Covid ward" I told him.

" May maskailangan akong bantayan dito bukod sa mga pasyente ko don" Ang lamig ng boses niya. I sighed.

" Asaan ka?" Tanong ko sa kaniya

Infront of the nurses' station, I saw Luigi standing. Kitang kita kase dito sa may inupuan ko na room para sa dining area ng mga nurses. Bawal ang ginagawa niya ngayon. At alam niya iyon.

" Lumalabag ka sa protocol ng ospital Luigi." I told him. Binaba ko na iyung tawag at nagpaalam muna saglit kay Mike upang lapitan si Luigi.

He looks tired. Naawa na tuloy ako sa kaniya dalawa lang silang doktor sa covid ward.

" Have you eaten?" Tanong ko. Umiling siya.

" Why are you here?"

" Miss na miss na kita Babe" He whispered. Nagulat ako ng biglaan niya akong yakapin.

" Don't worry, naligo ako bago pumunta dito." He whispered.

Ramdam ko ang pagod sa boses niya. We both are tired.

Summer Nightfalls (Completed) [R18]Where stories live. Discover now