2 : Platelet Count

34.1K 785 37
                                    



Ivana

Pagkapasok namin sa loob ng elevator ay agad niya akong hinapit sa bewang at ibinaba ang mask ko bago ako halikan sa labi.

" Uy bawal 'to" I chuckled as he kissed me more.

" I deserve a kiss after hours of work, Ivana." I smiled then kissed him back.

Nang marinig naming tumunog iyung elevator ay agad kaming napahiwalay sa isa't isa at itinaas iyung mask namin. That's why we need to be very protective of ourselves during working hours. As a nurse I need to make sure that I am always protected. Mahirap ng mahawaan ng sakit dahil kawawa ang mga pasyente ko. Ganon din naman si Luigi. Kaso nga lang hindi namin maiwasan ang laplapan kapag nasa elevator kami.

May pumasok na nursing aide na may kasamang pasyente na nakawheelchair kaya acting actingan ako.

Nang magbukas iyung elevator ay bumungad agad sa amin ang nagsisitakbuhang mga nurses.

" Doc pa-assist po kami. May pasyente po na nagdedesat sa bed 2 ng ER. BP: 60/30 mmHg, palpatory heart rate and DOB na po. Doc Montenegro, nasa ICU po kase si Doc Valenciano dahil may pasyente na nagdedesat din" Wika nung nurse. Agad namang tumugon si Luigi at dumiretso sa ER kasama iyung nurse. Sumama na din ako para tumulong.

Nang makarating kami sa pasyente ay nagCCPR na iyung nurse na naiwan sa pasyente.

Agad akong inabutan ni Luigi ng PPE.

" Wear this first" He muttered before wearing his own PPE. This is also for our safety. Hindi kami puwedeng maapektuhan ng Covid dahil buhay ang pinaglilingkuran namin.

" Salamat"

After wearing my PPE, I looked around to see where I could help.

Napamura ako ng may dumating na ambulansya at may dalang pasyente na mukhang critical na ang kondisyon.

Agad akong lumapit sa pasyente upang asikasuhin. Laking gulat ko na lamang ng makitang duguan an mukha at may dugo din na nanggagaling sa kaniyang ulo. There might be a cranial injury.

" Ano pong nangyari?" Kalmado ko paring wika sa kasama nung pasyente. With this kind of scenario, we nurses, need to stay calm and think.

" Nurse, tumalon po siya sa building" Maiyak iyak na wika sa akin nung babaeng kasama niya.

"IV cath gauge 18, PNSS 1Liter please, Epi, at 3 cc syringe. Pahanda na din po ng intubation set." Agad kong baling sa nursing aide na kasama kong umaasikaso sa pasyente. While waiting, I took the patient's vital signs. Paisa-isa na ang paghinga ng pasyente halos wala na. I hooked the patient to cardiac monitor immediately and started CPR. Agad na dumating iyung nursing aide dala iyung pinakuha kong kagamitan bago kami nagpalit ng puwesto. Siya naman ngayon ang nag CCPR habang mabilis kong sinuwerohan iyung pasyente

" Doc Montenegro, we have an emergency here. BP 30/0, no pulse, no breathing" I made my voice loud enough for Doc Montenegro to hear me.

I continued CPR as Luigi approached me.

" Epi please!" I said to another nurse. Kailangan ko ng kasamang nurse.

Ma'am Remy came to assist me.

I did my cycle of CPR then Epinephrine 1mg IV

Alam kong huli na ang lahat pero patuloy parin akong nagCCPR, the family member of the patient started to cry already. The patient's cardiac status is dropping.

" Ready to switch, you're tired" Luigi said beside me as one of the nurses came to switch with me. I prepared the intubation set for Doc Luigi but Luigi held my hand. Napatingin ako kay Luigi, how dare he not perform intubation!

Summer Nightfalls (Completed) [R18]Where stories live. Discover now