1 : Red Blood Cell Count

68.5K 1K 65
                                    



Ivana

All hospital personnel are wearing masks. Kasagsagan ng covid 19 kaya lahat ay kailangang proteksyunan ang sarili. It's been a hell week for us nurses because we were subjected to extended hours of duty. Lahat pagod na. Lahat gusto ng umuwi pero hindi pa puwede.

Even doctors are almost 24 hours inside the hospital just to check on patients. But here is this particular doctor beside me who doesn't even care about social distancing and personal protective equipment when beside me.

" Kamusta?" I asked him

He smiled.

" I'm not tired because you're here" Kinilig ako sa naging sagot niya pero siyempre hindi ko pinahalata.

We always find comfort in each other's arms. Minsan nga patago pa kaming nagyayakapan at naghahalikan sa elevator.

" Make an incident report Ms. Fajardo." Our supervisor suddenly said. Gosh ba't ba ako nalang palagi ang may kasalanan. That did not happened during my shift. Iyung insidente hindi ko nakita at lalong lalo ng hindi ko ginawa.

" Why me ma'am? I mean bakit ako? Wala po akong kinalaman sa plate ng pasyente" Gosh! Iyung huling letter of explanation ko last week lang tapos ngayon na naman. E kasalanan ko ba kung hindi nila nirefer iyung CT scan result nung pasyente na may subdural hemmorage pala.

" Dahil ikaw ang head nurse Ms. Fajardo. You should have known about the CT scan result" Pasimple akong tumingin kay Luigi.

Babe ayokong magsayang ng paper and ink so better help me.

Pero kainis lang dahil nginitian lang niya ako sabay balik sa ginagawang pagsulat ng kaniyang doctor's order. Hanep!

" Yes ma'am. I will submit my IR tomorrow morning" Magalang kong sagot. Sa pinakagilid ng nurses' station ay nakita ko si Luigi na pasimpleng nakikinig kung paano ako pagalitan ng supervisor ko.

Kainis! Di manlang niya ako pinagtanggol. E ba't naman kase nasa bedside ng pasyente iyung plaka nung CT scan nung pasyente. Diba dapat diretso iyan sa nurses' station.

Hay nako Vana, ganyan talaga minsan ang buhay. Minsan napapagalitan minsan naman napupuri.

Etong Doktor na kaharap ko masyadong masungit kapag tinitignan mo. As if naman totoong masungit talaga. Tapos napakaseryoso pa daw. Parang kanikanina lang nagpapakilig pa.

Lumapit ako sa kaniya dala iyung chart na mahagilap ng kamay ko at binuksan na lamang iyon.

" Doc pabasa di ko gets" Wika ko pagkatapos ay iniharap sa kaniya iyung patient's chart. Kitang kita ko kung paano siya agad na napabaling sa kagandahan ko. Alam ko namang palagi niyang sinasakyan ang mga kalokohan ko eh. Kahit gaano pa siya kabusy.

At talagang lumapit siya sa akin. Naramdaman ko pa iyung kamay niya sa bewang ko.

" Yes Babe." He winked at me and took the chart to read it. Sulat kamay niya kase iyun. Pangit iyung sulat kamay ko pero maspangit iyung sa kaniya.

Tinuro ko iyung gamot na nakasulat sa doctor's order niya. Well, nababasa at alam ko naman kung anong gamot iyon. Papansin lang talaga ako.

" Febuxostat" Bulong niya sa akin. Napasimangot ako dahil bakit ba ang bango niya. Ginamit niya ba naman kase iyung pabangong binili ko para sa kaniya.

" Alam ko. Tinatry ko lang if okay pa ba mata mo Doc" Sagot ko naman bago bumalik sa upuan ko. He smirked.

" Anong gusto mo? Halik o yakap ko?" Ayan na. Feeling na naman niya papansin ako porket palagi akong masaya tuwing nandito siya. E palagi naman talaga siyang nagrorounds tuwing duty ko. Minsan pa nga 5 times or more tuwing shift ko tapos wala namang new orders. Puro continue present medication and refer lang ang nasa doctor's order niya. Gusto lang talaga niyang tumambay sa nurses' station dahil nandito ako.

Summer Nightfalls (Completed) [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon