8 : Serum Electrolytes

19K 667 73
                                    


Ivana

Ilang years na ba ang nakakalipas Plants change, and as well as people.

Wala namang permanente sa mundo. I've moved on. Iyun nga lang at matagal bago ako nakamove on. Ilang years ba? 2 years? Three? Ang tagal. Minahal ko eh. Sobra. Pero wala, talo ako. Hindi ako ang mahal niya. I have never opened my heart for a new relationship not until I've finally moved on. Sinigurdo ko muna na okay na ako. Na nakamove on na ako bago lumandi ulit. Ayoko din naman kaseng maging unfair sa kung sino mang ang mamahalin ko ulit.

Ayokong maramdaman ng lalaking mamahalin ko ang naramdaman ko. Dahil masakit. Dahil mahapdi sa puso.

" Hey Love" It was Jed. Pareho na kaming intern. Pagkatapos kong grumaduate sa med school ay bumalik ako sa ospital kung saan ako nagtrabaho noon. Wala na si Luigi dito nang makabalik ako dahil umalis daw at pumunta ng States kasama si Dra. Cordova ilang buwan lang pagkatapos naming magbreak. Hanep eh no. Pero okay lang, tanggap ko naman na. Matagal na.

Sinubukan kong pagbutihan. I learn the hard way. Masyadong strikto ang mga residente lalo na ang mga consultant. But atleast, I am learning. I wanted to be a good neurosurgeon. Iyun naman kase talaga ang pangarap ko noon pa.

" Musta ang OR" Tanong ko. Mukhang pagod kase si Jed. Madalas sumasakit pa man din ang ulo niya tuwing nabababad sa OR dahil ang tagal ng isang neuro case. Usually umaabot ng lima o higit pang oras. Nagprisinta akong masahehin ang sintido niya.

" Sakit parin ba?" Tanong kong muli. Tumango ito. Napayakap nalang ako dito. Sa loob ng halos limang taon, siya na ang naging sandigan ko. He encourages me when I feel like giving up. He makes me realize that all the hardships we are experiencing comes with a good prize.

" Hindi na. Konti nalang" He muttered in reply. Natuto na din akong magluto ang ibang putahe para lang baunan si Jed. I often cook for the both of us lalo na't madalas hindi kami pareho ng schedule. He's more interested with Cardio-pulmonary surgery and anything that has to deal with the heart and lungs. I have always supported him. Iyun naman kase dapat. Whatever he wants, I'll always support him. Mag-iisang taon palang kami ni Jed, but atleast I can say that the relationship is doing good. We are both doing good. We always find time for each other. Kahit pa gaano kami kabusy.

" I need to leave Love. Tawag ako ng senior ko. May OR pa kami mamaya, mag-aasist daw ako. Open heart surgery" He was smiling.

" Wow! Diba eto na iyun, Love. Parang noon lang sa youtube mo lang pinapanood, this time, makikita mo na ng personal." I'm so happy for him.

" Yeah. I hope I could assist well" He seemed nervous

" Kaya mo iyan. Ikaw pa." I encouraged him.

Mayamaya pa ay kinuha na niya iyung coat niya at nagpaalam sa akin na umalis. He kissed me on the temple before he left. I smiled and bade goodbye.

Ang natutunan ko sa loob ng ilang taon ay ang kung paano magparaya at maging matatag gaano man kahirap.

Hindi puwedeng iyak nalang ako ng iyak. It's okay to cry. It's okay to be hurt. But at the end of the day, don't focus on the hurtful feelings you have. Give yourself a chance to learn from whatever experience you have. That's life.

LUNCH time na pala ng mapadaan ako sa Neuroward para silipin iyung pasyente ko. We mostly have the most number of critical neuro cases here. Dito din kase sa ospital namin dinadala ang mga mahihirap na neuro cases.

" Uy Doc Vana, lunch time na. Di ka pa ba maglulunch?" It was Mica. Kasal na rin ito ay may anak na. Ang bilis ng panahon. Parang noon lang, wala pa itong jowa. Tignan mo ngayon, inunahan na ako. Nauna pang ikinasal at nagkaanak sa akin.

Summer Nightfalls (Completed) [R18]Where stories live. Discover now