Chapter 41

185 15 2
                                    


Herron Residence

Nag dodrawing yung tatlong bata at binabantayan sila ng tres marias ng biglang dumating si Hally.

"Hello kids , ako na yung magiging mommy nyo soon." bati ni Hally sa tatlong bata na nag dodrawing.

"Kuya muka syang witch." sabi ni Giane kay Kiane at hindi nila pinansin si Hally.

"Shhh marinig ka nyan biglang mag evolve." bulong naman ni Kiane na kina hagikgik nilang tatlo at nag patuloy nalang mag drawing. Maya-maya tumayo si Giane at lumapit kay Hally , tumayo ito sa harap nito.

"Aww why darling ? Ipapakita mo ba kay mommy yung drawing mo?" tanong ni Hally ng may pilit na ngiti. Kaya inabot ni Giane yung papel nito.

Pagkakita ni Hally ng drawing nito ay hindi maipinta yung muka nito. Hindi rin napigilan ng tatlong nagbabantay sa mga bata yung tawa nilang kumawala.
Halatang ginago kasi ni Giane yung pag guhit nito.

" What's funny ? Get out here. " bulyaw nito sa tres Marias.

"Bakit hindi ba maganda ? Hindi mo nagustuhan?" tanong ni Giane at ngumuso.

"Ahh its pretty baby boy." ngiting sabi ni Hally.

"Kamuka mo ano ? parang clown hihi." sagot ni Giane sakanya. Yung kakambal nito at si Justine ay tumawa ng malakas.

"hihi , ang cute mo. " sabi ni Hally kay Giane sabay kurot ng pisngi nito.

"WAHHHHH PAPA. " sigaw nito at umiyak.

"Hey you witch, Anong ginawa mo?" tanong ni Kiane dito. Sakto naman dumating si Ian.

"Papa , ayaw ko sakanya. kukurot nya ko." sumbong ni Giane.

"No, babe." sagot ni Hally.

"Yes daddy, she even insult Giane drawing. " gatong pa ni Justine. Kaya sinamaan ni Ian ng tingin si Hally tyaka nito binuhat yung tatlo. Pagkatalikod ni Ian ay dinilaan sya ng tatlong bata.

Inis na inis si Hally na umupo sa couch at may naupuan itong laruan.

"Aggrrrrrr. Kayong mga sutil na bata kayo may araw din kayo sakin." inis na sabi nito at nag papadyak. Simula ng mag usap yung ama nito at si Ian ay sa bahay na sya ni Herron tumira.

Hindi nya naman alam na nakamasid sakanya yung tatlong bata.

"Kuya tara sa kwarto ni mangkukulam." aya ni Giane sa kakambal nito.

"But daddy said don't meddle with her things or go to her room." sabi ni Justine.

"Ehh bahala kayo basta ako papasok dun." sagot nito at nag tungo nga sa silid ni Hally. Wala naman nagawa yung dalawa kung hindi sumunod.

Pag pasok nila doon ay naupo si Kiane sa higaan ni Hally , samantalang si Giane at Justine ay may kung anong kinakalikot sa drawer ni Hally.

"Oyyy Kuya tignan mo, nakita ko yung water color nya." sabi ni Giane sa make-up pallets ni Hally. Tyaka nito ginamit yung brush na naroon.

"Wow magic , kahit walang tubig gumagana." turan nito at umupo sa lapag. Lumapit naman yung dalawa at naki sawsaw din sa pallet gamit yung hintuturo nila.

Nang magsawa si Giane ay tumayo ito at bumalik sa drawer.

"Kuya diba may ganto si mama?" tanong nito sa kakambal nya.

"Wait let me see that." sabi ni Justine tyaka nito inagaw yun kaya nahulog at naputol.

"Ayyy. " sabi ng dalawa , habang si Kiane naman ay pinag mimix parin yung make up pallet.

Together Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon