Chapter seven

301 17 1
                                    

andito palang ako sa gate tanaw ko na yung sissy kong kasing ganda ko si Rheane ang mana sakin ng kagandahan kaya umupo ako sa tabi nito na kina lingon nya .

"wahhh ate Ysay " sabi nito sakin tyaka niya ko niyakap , sabi na ehhh na miss ako nito hahaha.

"aww masyado mo naman na miss yung kagandahan kong taglay " sabi ko sakanya hihihi

"oo nalang , namiss ko din kahanginan mo " sagot nito sakin , nako kunwari pa talaga

"hello kambal " bati nito sa dalawang itlog ko

"hello po tita Rheane " sagot ni Giane the makulit

"mama pwede po punta tayo kila tita " paalam nito sa dyosa nyang nanay haha

"oo naman " sagot ko sakanya

kaya ayun , sabay sabay kaming nag tungo sa van nila bongga kala ko magko commute kami ehh

"ayyy bakit may mga gwapong mga maton dito ?" tanong ko , grabe muscle masilan ang sherepp

"mama" saway sakin ng ni Kiane the masungit wahh bongga

"ang KJ mo anak " sagot ko sakanya , totoo kaya yung braso nito gagi mukang batak na batak

"ay Rheane madami akong chika sayo mamaya" sabi ko.sakanya

grabe habang nasa byahe kami todo interview ako sa mga maton na to , parang gusto ko mag business , gay bar ganun tapos kukunin ko silang macho dancer hihihi

"mama will you please shut up " saway nanaman sakin ni Kiane nako talaga kukutusan ko tong anak ko na to

-----

nang makarating kami sa mansyon ni William the engkanto ay dumeretcho si Rheane , yung dalawa kong itlog na si Giane the makulit , Kiane the masungit at si bubwit na masungit din sa kwarto nito ,siguro mag bibihis .

buti nalang nagbago na yung bubwit na yun at hindi inaaway yung dalawang itlog ko , nako nuknukan yun ng sutil sarap ibitin patiwarik

tapos ayun pagkababa nila ay nakabihis na nga yung tatlong batang pasaway tsk tsk tsk .tyaka kami nag tungo sa kusina naabutan namin dun yung mga machong maton ugh. pati si manang

"wahhh manang aminin mo na miss mo ko " sabi ko rito

"nako Ysay tigilan mo ko sa kalukaretan mo " sabi ni manang na naiiling iling pa haha nako kunwari lang to , na miss nya talaga ako nahihiya lang aminin nako naman talaga si manang

"aww " sabi ko tapos kunwari nasasaktan ako sa sinabi nito tyaka ko sya niyakap

"namiss naman kita manang , alam mo ba may irereto ako sayo " sabi ko sakanya pero binatukan nya ko kaya ako humiwalay sakanya ng yakap , ganun sya maka miss nananakit *pout*

"ikaw talaga siraulo kang bata ka " sagot nito sakin

"KJ manang hinahanapan na nga kita ng lovelife eh , ang pihikan mo naman kasi , ayaw mo ba yung bago kong nahanap makata mag salita yun " pilit ko parin sakanya pero ng ambang kukurutin nya na ko sa singit ay mabilis akong lumayo at umiwas .

"manang naman " reklamo ko tyaka ako tumabi sa sissy kong kasing ganda ko

"baliw ka talaga , kahilig mong asarin si manang " sabi ni Rheane sakin

"hello , gusto ko lang naman mag karoon ng poreber si manang para hindi laging masungit , kailangan lang nya ng lambing "pag dadahilan ko sakanya

"Ysay tantanan mo kong bata ka kukurutin ko talaga yang mani mo " sabat ni manang nakina nguso ko nakakahiya narinig yun ng mga matchong maton ,grabe si inang kalikasan singit ko lang punterya si manang naman yung mani ko na , mygosshhhh I can not .

Together Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon