Chapter 27

236 14 4
                                    


Papunta ako ngayon kila sissy kasi ang boring sa bahay , wala sila kambal si Justine naman sumama sa daddy nito . By the way driver ko ngayon si pogi kaso hindi nya ko pinapansin , para lang akong hangin ganun .

"hoy kausapin mo naman ako , pipe ka ba ? bingi ? maliit dila , boses palaka ? " tanong ko sakanya pero ayaw talaga mag salita . Kaya kinuha ko yung cellphone ko at nag selfie na lang , ang ganda ko talaga.

Siguro kung buhay pa si nanay sya yung pinag titripan ko ngayon , miss ko na si nanay .

"we're here" cold na sabi nito . ohhh myy goshh ang gwapo ng boses kaso daig pa north pole sa lamig. Kaya lumabas na ko sasakyan at pumasok sa loob ng bahay nila sissy.

"wahhh hello sissy kong kasing ganda ko " bati ko rito kasi kumakain to ng hinog na papaya at sinawsaw nya sa ketchup iwww pero wait ? ohhh myyy goshhh

"sissy umamin ka " sabi ko rito tyaka ako kumuha ng isang slice ng papaya at kinain ko ito .

"ano?" tanong nito at kumakain parin.

"buntis ka noh?" tanong ko sakanya

"definitely " sabi nito .

"ohhh myy goshhh mag chukchakan na kayo ? ano malaki ba ?mataba? ilan yung abs ? magaling ba sya ? anong position ?" sunod sunod na tanong ko rito na kina samid nya . Kaya inabutan ko sya ng tubig .

"tangina mo ate Ysay " sagot nito sakin na namumula yung muka.

"ikaw ahhh , wag ka ng mahiya ano na ?" tanong ko sakanya .

"nag sex kami kaya may nabuo " sagot nito sakin ? ayun lang parang bitin ako sa sagot ni sissy.

" sissy be specific naman, tyaka kelan pa ? ilang buwan na yan ? " sabi ko rito habang naka nguso.

"ate Ysay naman ehh " inis na sagot nito sakin .

"owwww keyy paynnnn , kelan pa yan nag tatampo ako sayo hindi mo sinabi sakin hmp." sabi ko sakanya tyaka ako tumingin sa side ko at humalukipkip pa .

"one month and a week , nung isang araw lang namin nalaman , hindi ko na tinawag sayo kasi akala ko sinabi na ng asawa mo kaso mukang hindi " sagot nito at busy nanaman kumain haystt mukang nasa lihi stage na si sissy ko.

Yung kapre na yun lagot yun sakin mamaya , hindi nya ko binulungan .

"pero sissy ano malaki ba ?" tanong ko sakanya na kina tigil nya sa pag subo ng papaya at nang kinuha nito yung throw pillow ay dali-dali akong tumakbo.

"hahahahaha " tawa ko tyaka ako nag tungo sa pool area.

Tila nag flashback nanaman yung ala-ala namin ni nanay dito , nung nag swimming kami , yung pang aasar ko sakanya , yung mga sermon nya sakin , yung pang iinis ko sakanya habang kumakain .

"alam mo ikaw Ysay alam kong mabigat yang dinadala mo sa dibdib mo pero matatag kang bata alam kong malalagpasan mo iyan " sabi sakin ni manang .

"manang naman ehh panong malaki 32-B lang naman yung size ng bra ko " biro kong sagot sakanya .

"ayan ganyan ka , mapagpanggap ginagawang biro ang lahat , Ysay para na din kitang anak kayo ni Rheane kaya kilala ko na kayo " sabi nito sakin kaya napa yuko ako .

"ohh kita mo , tama ako diba " dagdag pa nito .

"tumpak manang may tama ka " sagot ko sakanya .

"siraulo ka talaga " sabi nito sakin at binatukan nya ko , mapanakit din si manang huhuhu .

"basta narito lang ako palagi " sabi nito sakin , awww na touch ako ng very very light , pero hindi ko sasabihin .

"malamang manang may iba pa ba kayong pupuntahan?" pambabarang tanong ko sakanya.

Together Again [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora