Chapter 28

265 15 6
                                    

Hindi namin namalayan na tanghali na pala , kaka-kwentuhan at kain namin ni sissy.

"mama , I'm home " rinig kong sigaw ni bubwit pero si sissy kain parin ng kain.

"hello little buddy " sabi ni bubwit sa tiyan ni Sissy kahit wala pa naman hahaha.

"heyy protagonist of my life tito ninong together with kambal and Justine are on the way to fetch you " sabi nito sakin , english ng english nasa pinas naman palibhasa bulol . Pero ilang saglit lang ay andito na nga sila.

"mama kong maganda  " rinig kong sigaw ni Giane

"I told you " sabi ni bubwit sakin na nakahalukipkip . maldito talaga to . isasako na to eh kontrabida sa kagandahan ko. Tapos ayun nakasunod si Ian sa tatlo .

"hello tita ganda " sabi ni Giane dito .

"ang cute nyo naman , pakurot ako ng pisngi nyo " sabi ni Sissy , tyaka nya pinang gigilan yung pisngi ni Giane.

"hey stop , you hurting my son " sabi ni Ian kay sissy at nilayo si Giane na kangusong nakahawak sa pisngi nitong namumula muka syang nag blush on.

"Kiane I told you right " sabi ni bubwit sa itlog kong masungit at iiling iling pa.

"bakit ba ayaw nyong pisilin ko yung mga pisngi nyo " naiinis na sabi ni sissy .

"sissy si bubwit nalang at uuwi na kasi kami at may pasok pa si Justine pupunta ulit ako dito para hindi ka ma bored " sabi ko at kinindatan ito .

"bye protagonist " sabi sakin ni bubwit. ako kaya yung bida hmp.

"oyy Ian half day ka nanaman noh? " tanong ko sakanya .

"papa sabi mo mag ja-jollibee tayo ahh " sabi ni Giane at tumayo ito sa pagitan ng upuan ng passenger seat at driver seat. kaya inalalayan ko ito papunta sakin at kinandong.

"papa" sabi nito .

"ok , we're near " sagot ni Ian rito . Yung dalawa naman sa likod ay nag ru-rubix , ewan kahit anong gawin ko hindi ko talaga natutunan kung paano mag buo ng ganun.

"Kiane , Justine mamaya na yan " sabi ko sa dalawa kasi mukang wala silang balak bumaba ng sasakyan.  Yung itlog na kandong ko naman ayun nasa estatwa na ni Jollibee .

"mama mama dali picture tayo kay Jollibee " sigaw sakin ni Giane

"mama he's so noisy " reklamo ni Kiane .

"hayaan mo na yung kambal mo " sabi ko rito.

"ohh tumayo kayong tatlo jan pipicture-an ko kayo " utos ko sa tatlong itlog.

"ano ba yan Kiane ngumiti ka naman , tyaka Justine ayos mo ngiti mo gusto ko yung natural hindi peke." reklamo ko sa dalawa . Pero wala ganun talaga .

"groupie na nga lang tayo , SMILE" sabi ko tyaka ako ngumiti .
Pagkatapos ay pumasok na kami sa loob , ako na yung umorder yung apat nag hanap ng lamesang pag pupwestuhan namin.

kaya habang nakapila ay tinitignan ko yung picture namin kanina sa labas . wala naman bago sa picture ng tatlo ganun talaga si Justine pilit yung ngiti. si Kiane seryoso lang at syempre yung itlog kong makulit todo ngiti.

ohh myy gosshhh merong isang naligaw na nakangiti kaming lahat. Parang family pictures ipapadevelop ko to haha.

pagkatapos kong omorder ay pinuntahan ko na yung apat . Si Kiane at Justine ay nag ru-rubix parin tinuturuan ni Kiane si Justine . Si Giane naman pinagtitripan nya si Ian .

"mama asaan na ? " tanong sakin ni Giane ng mapansin ako nito , tanging number lang kasi yung ibinigay sakin tissue at tray .

"Giane anong ginawa nyo sa school ?" tanong ko rito .

Together Again [COMPLETED]Where stories live. Discover now